Chapter 19

0 0 0
                                    

Aria

Dahan dahan akong napamulat ng mga mata nang marinig ang mahihinang kaluskos malapit sa akin.

"Hey hon" ang nakangiting mukha ni Atticus ang unang bumungad sa akin. He leaned in and kissed my cheek.

"Bakit nakabihis ka?" wala sa sariling tanong ko.

"And please pakisarado Atticus, sobrang liwanag" naiinis kong sabi habang nakapikit dahil sa liwanag ng araw na pumapasok sa kwarto.

Narinig ko pa ang mahina niyang tawa bago sinunod ang utos ko.

"Love, I need to meet some important investors today" naramdaman ko ang paglundo ng kama nang umakyat siya dito para lumapit sa akin. Naramdaman ko pa ang marahang pagtanggal niya ng mga nakaharang na buhok sa mukha ko.

Nakikinig lamang ako sa kaniya at hindi na nag-abala pang magmulat para tingnan ito.

Mayroon pa itong mga sinasabi ngunit hindi ko na ito narinig pa dahil tuluyan na ulit akong nilamon ng antok.

Nagising ako ulit at bumangon na agad nang matantong nakatulog ulit ako. Ni hindi ko man lang siya naipaghanda ng mga kailangan niya.

Matapos maghilamos at magsepilyo ay agad na akong nagmadali sa pagbaba. Base sa malaking wall clock na nakasabit sa sala ay malapit nang mag alas otso ng umaga. Hindi naman ako nababahala sa agahan ni Arch dahil siguradong pinakain na ito nila manang.

"Magandang Umaga manang" agad na bati ko nang makapasok sa loob ng kusina.

Agad na napalis ang aking inihandang ngiti nang makita ang taong nakaupo sa bar counter habang kumakain.

Lumingon si Ericka sa akin bago ngumisi, tinignan pa niya ako mula ulo hanggang paa matapos ay umiling at nagpatuloy sa pagkain. Kumpara sa suot kong pajama ay di hamak na mas maikli ang suot nitong short at spaghetti strapped crop top. Ganyan ba talaga ang pantulog nito?

"Naku hija kumain ka na at nag-agahan na si Arch kanina kasabay ng daddy niya at ngayon ay nasa labas na naman at nagpapaturong magbasketball kay Elmer. Ewan ko ba sa batang iyon at ang daming gustong malaman." sabi ni manang na sinuklian ko na lamang ng matipid na ngiti.

"Sige po manang mamaya na lang po" sabi ko matapos sulyapan si Ericka na hindi pa tapos sa kinakain. Hanggat maari ay ayaw ko na munang makihalubilo sa kaniya. Masama na siguro kung matatawag kung maski ang tingnan ang mukha nito ay ikinakainis ko. Kahit sinabi na ni Atticus na may asawa at anak na si Ericka ay hindi ko pa din talaga maiwasang mainis dito sa hindi ko mapaangalanang dahilan.

Dahil dito ay naalala ko ang mukha ni Arch, mabuti at mukhang wala namang masiyadong namana si Arch galing sa mukha ng ina nito. Kung si Ericka talaga ang ina nito.

Hindi na ako nagtagal pa at agad nang lumabas ng kusina patungo sa maliit na garden malapit sa pool na hindi ko naman kadalasang tinatambayan at mukhang magiging tambayan ko na mula ngayon kung palaging mukha ni Ericka ang nakikita ko sa umaga. Parang ang sama na ata ng ugali ko.

Mula sa kinauupuan ko ay rinig na rinig ko ang malakas na tunog ng bola ng basketball mula sa maliit na court sa gilid ng bahay. Siguro nga ay naglalaro pa din doon si Arch kasama si Elmer.

Sumandal ako sa kinauupuan bago hinawakan ang may umbok ko nang tiyan. Saka ko lang naalala na ilang araw na pala akong hindi nakakaalis ng bahay.

I was busy roaming my eyes around the mini garden nang makita ko ang paglalakad ni Anna palapit sa kinauupuan ko.

"Ate tumatawag po si Sir" inabot nito ang hawak na cellphone na bigay ni Atticus sa akin na hindi ko naman masiyadong nagagamit.

"Tumawag po kasi si Sir kay manang dahil hindi niyo po daw sinasagot ang tawag niya kaya pinakuha po ni manang ang cellphone niyo sa silid niyo ate."

Just The Mother Of His ChildWhere stories live. Discover now