Aria
Magdadalawang linggo na ang nakakalipas simula nang may mangyari sa amin ni Atticus. At simula noon ay mas lalo siyang naging maalahanin. Sa punto na kahit saan ako pumunta ay nagtatanong siya at kung saan naman siya pumunta ay nagpapaalam siya.
Maaga siyang umuuwi at minsan ay sumasama sa amin ni Arch manood ng kung ano anong palabas. Na ayon kila Carla ay hindi naman niya ginagawa dati.
Normal lang naman 'yon dahil tulad nga ng sabi niya ay gusto niyang ibigay kay Arch ang mga kailangan nito. Kabilang na doon ang atensyon niya.Pero 'yung palagi siyang nakatitig sa akin tapos pag nahuhuli ko siya at tatanungin ay sasabihin niya lang na ang ganda ko daw kasi ay hindi ko na talaga maintindihan. Hindi ko alam kung anong nakain niya at naging sobrang clingy niya sa amin.
It's just too fast. Everything happens too fast, parang may mali ngunit hindi ko masabi kung ano.
Aaminin kong mas nagugustuhan ko ang pakikitungo niya sa akin ngayon, sino bang hindi? Ngunit nakakatakot lang at hindi ko alam kung anong laman ng isip niya para magbago ng ganito kabilis.
Katulad ngayon abala ito sa pagluluto sa harap namin ni Arch. Narinig ko pa kaninang kausap niya ang secretary at may pinarere-sched na schedule dahil may importante siyang gagawin ngayon ngunit heto at wala naman siyang ibang ginawa buong umaga kung hindi ang dumikit sa amin ni Arch at ngayon nga ay pinagluluto niya kami ng pasta.
"Mommy, you think daddy's sick po?" mahinang bulong ni Arch sa tenga ko. Pinigilan ko namang matawa dahil sa tanong niya.
"Why baby?" Bulong ko naman din dito.
"He's acting weird lately po kasi? Haven't you noticed it po?" He pouted at me.
"Really? Seems like I didn't" inilagay ko pa ang hintuturo sa panga ko na tila nag-iisip ng malalim.
"Really po? Maybe it's just me then" napangiwi pa ito na palihim kong ikinangiti. Ayokong maging big deal sa kaniya ang kasalukuyang nangyayari sa ama, kahit na 'yon din naman ang laman ng isip ko buong linggo.
"Hey, are you talking about me behind my back?" nagulat kami nang nasa harap na namin si Atticus habang may hawak na sandok.
"Of course not daddy!" medyo napataas pa ang boses ni Arch habang nanlalaki pa ang mga mata. Mahina naman akong natawa dahil sobrang defensive nito.
Agad naman bumaling sa akin si Atticus."Hindi naman ah" nakangiti kong sabi.
"Oh ok, nagtatanong lang naman" mabilis niyang sabi bago bumalik sa pagluluto. Nagkatinginan naman kami ni Arch bago parehas na nagkibit-balikat.
Nagpatuloy na ito sa pagluluto, hindi din nagtagal ay tuluyan na nitong inihain ang niluto. Agad naman itong inamoy ni Arch.
"Daddy it smells so delicious" he smiled lovingly at his dad.
"Really? Hindi mo ba ako binobola?" natatawang ginulo nito ang buhok ni Arch. Nagulat ako na kabaliktaran ng sinabi ni Arch ay para akong masusuka sa amoy nito nang malanghap. Pinigilan kong maduwal dahil baka maoffend ito ngunit nang hindi ko na napigilan ay agad akong tumayo bago tumakbo sa lababo.
Sukang suka ako ngunit wala namang lumalabas. Tumulo na lang ang luha mula sa mga mata ko dahil sa pagduwal ngunit wala namang lumalabas. Nang kumalma ang pakiramdam ko ay agad akong nagmumog bago naghilamos.
Nagulat ako nang paglingon ko ay bumangga ako sa dibdib ni Atticus na nasa likuran ko lang. Nang salubungin ko ang tingin nito ay puno ito ng pagkabahala. Mas lalo naman akong naluha bago umiling.
"No, it's not what you're thinking. It shouldn't be" patuloy ako sa pag-iling. Hindi pwede, kasalanan na ang pagpapanggap ko bilang isang ina ni Arch at ayokong maging kasalanan din ang batang nasa sinapupunan ko kung sakali. There's nothing on between me and Atticus.
YOU ARE READING
Just The Mother Of His Child
RomansStories starts in many ways they say. Some when they turned at the legal age, some in high schools or in college. Some in workplaces or some in certain places. While Aria Louise Alvarade's story started when she met Atticus Raiden De Villa, a drop d...