Aria
Nang makarating sa labas ng simbahan ay agad na kaming bumaba ni Arch dahil maghahanap pa daw si Sir Atticus kung saan maaaring maipark ang kotse niya.
Agad kaming sinalubong ng maraming tao sa labas ng simbahan. May palabas na galing sa unang simba ngayong araw at ang iba naman na katulad namin ay papasok sa loob para sa ikalawang simba ngayong araw.
"Hold on to me tight, baby okay?" dinungaw ko si Arch na mahigpit na nakahawak sa akin.
"Opo, Mommy" he nodded at me.
Gaya ng sabi ni Sir Atticus ay sa malapit sa pinto ng simbahan namin siya inantay. Ngayon ko lang natanto na kailangan ko pala ng cellphone, siguro bibili nalang ako pag nakapagpaalam ako na maghahanap ng trabaho.
"Mommy, they keep on pushing you po. Are you okay?" hinaplos ko lang ang buhok ni Arch bago siya tipid na nginitian. Hindi kasi talaga maiiwasang magkatulakan sa dami ba naman kasi ng tao.
May batang tumatakbo padaan sa amin kaya hinila ko agad si Arch para hindi siya masagi ng mga bata ngunit nagulat ako nang may malakas na sumagi sa akin kaya muntik na akong matulak sa mga tao. Ngunit bago pa ako tuluyang bumagsak ay may mga brasong humawak sa mga balikat ko, malakas akong tumama sa dibdib ng tao sa likuran ko.
"Sorry" napayuko ako at napapahiyang nag-angat ng tingin sa lalaki sa likuran ko nang makita ko si Sir Atticus. Siya pala ang humawak sa akin para hindi ako tuluyang mabuwal sa pagkakatayo.
"Sorry Si--Atticus" agad na bawi ko sa sasabihin nang muntik ko siyang tawaging Sir sa harap ni Arch.
"Be careful, you're holding my son. You might drag him with you" mariin na ani nito.
"Let's go, baby hold my hand" sabi niya at agad namang humawak sa kaliwang kamay niya si Arch habang hawak pa rin ang kanang kamay ko. We do really look like a whole family, napabuntong-hininga na lamang ako sa naiisip.
Nang matapos ang simba ay magkahawak kamay pa rin kaming tatlo habang palabas ng simbahan. Bumitaw lang si Sir Atticus kay Arch dahil kukunin pa nito ang kotse. Habang nag-aantay kami kay Sir Atticus ay may dumaang mga binatilyo sa gawi ng kinatatayuan namin ni Arch habang nagtutulakan patungo sa direksyon namin.
"Gago, sinasabi ko sayo may boyfriend 'yan" natatawang ani nung isa habang tinutulak ang kasama.
"Gago ka din, wala namang masama kung susubukan" sagot ng isa sa kanila.
"Oo nga naman, masyado ka namang kill joy pre" gatong pa nung isa
Nang tuluyan na silang makarating sa kinatatayuan namin ay hindi ko na sana sila papansinin nang huminto sila sa harap namin ni Arch.
"Hi Miss, pwede bang mahingi ang number mo?" nakangising ani nang tinutulak nila kanina.
Hindi ko alam ang isasagot, nag-aatubili pa akong magsabi na wala naman akong cellphone dahil baka pagtawanan nila ako.
"Hindi kasi ako nagbibigay ng number eh" nahihiyang ani ko. Para may idahilang iba.
Nagtawanan naman ang iba niyang kasama at tinukso siya ng tinukso.
"Pero may boyfriend ka ba Miss?" hindi pa din siya tumitigil sa pagtatanong kaya nagsisimula na din akong maging hindi komportable.
"Why are you asking for my Mommy's number po?" inosenteng tanong ni Arch habang nakatingala sa mga binatilyong nasa harapan namin.
Napatingin naman sila kay Arch na parang hindi makapaniwala.
"Shit pare may anak, baka sugurin ka ng asawa niyan?" sabi ng kasama niya habang lumilinga sa paligid.
YOU ARE READING
Just The Mother Of His Child
RomanceStories starts in many ways they say. Some when they turned at the legal age, some in high schools or in college. Some in workplaces or some in certain places. While Aria Louise Alvarade's story started when she met Atticus Raiden De Villa, a drop d...