Warning: SPG
Aria
Nagising ako nang makarinig ako ng pagtigil ng sasakyan. Akala ko ay guni-guni ko lang ito nang marinig ko ulit ang tunog nito.
Agad akong bumangon mula sa pagkakahiga habang marahang inaalis ang kamay ni Arch na nakayakap sa akin.
Mabilis aking lumabas ng silid ni Atticus kung saan kami natulog ni Arch.Dahan-dahan akong bumaba nang hagdan habang lumilinga sa paligid kung may iba pa bang gising ngunit wala na akong nakitang mga kasambahay marahil ay tulog na ang mga ito sa likuran ng bahay kung nasaan ang maid's quarters.
Halos mapatalon pa ako sa gulat nang bumukas ang double doors ng bahay. Pumasok sa may kadilimang sala si Atticus bago nito agad binuksan ang switch ng ilaw. Nang tuluyang binalot ng liwanag ang buong sala ay agad kong nakita ang kabuoan niya.
Magulo ang buhok nito at nakabukas ang unang tatlong butones ng puting polo na suot. Base sa paraan nito ng paglalakad ay halatang lasing ito.He can barely stand on his own, nakakapagtaka na nakauwi pa ito ng bahay sa ganoong kalagayan. Nang muntik na itong masubsob sa hagdan ay agad na akong tuluyang bumaba para tulungan siya sa pag-akyat.
"Atticus, saan ka ba nanggaling?" kahit malabong sagutin niya ay sinubukan ko pa ding magtanong. Agad ko ipinulupot ang kamay sa bewang niya matapos ilagay ang kaliwang braso sa braso ko para alalayan ito sa pag-akyat.
"Hmm" wala itong ibang sagot kung hindi mahihinang pagdaing lang. Amoy na amoy ko ang alak sa buong katawan niya.
Imbes na ipasok siya sa loob ng silid niya ay mas pinili kong dalhin siya sa silid ko at baka makita pa siya ni Arch na ganito.
Nang makapasok ay agad ko siyang pabagsak na pinahiga sa kama ko. Hinubad ko muna ang suot niyang sapatos bago inayos ang pagkakahiga niya sa kama."Ano ba kasing nangyari at uminom ka ng ganito kadami?" tanong ko sa kawalan habang nakatitig sa kaniya. Nagulat ako nang bumangon ito sa kama at agad na sinimulang kalasin ang mga butones ng suot na polo.
"Wait, Atticus anong ginagawa mo?" natataranta kong tanong sa kaniya.
"I smell like hell" ungot nito bago tuluyang hinubad ang suot na polo. Hindi ko alam kung mag-iiwas ba ako ng tingin o dapat ko ba siyang kumutan agad.
"Wait teka lang, teka" mas lalo akong nataranta nang simulan na nitong kalasin ang suot na belt bago ibinaba nang tuluyan ang suot na pantalon. Agad akong napaiwas nang tingin nang wala na itong ibang natirang suot maliban sa boxer shorts.
Muntik pa itong madapa nang hindi nito magawang tuluyang maialis ang pantalon sa bandang paa nito.
"Shit" mura na naman nito bago tuluyang naupo sa kama at pinagsisipa ang pantalon hanggang sa tuluyan na itong matanggal sa pagkakasuot niya. Hindi ko alam kung napapansin niya ba ako dahil hindi niya man lang ako nililingon.
"Hey, saan ka pupunta?" nagtataka kong tanong nang tumayo na naman ito mula sa kama.
Hindi ito sumagot ngunit nagpatuloy pa din sa paglalakad patungo sa banyo."Maliligo ka pa ba? Baka madulas ka" nag-aalalang sabi ko dahil baka madulas siya at saan pa tumama.
Ngunit wala akong narinig na sagot hanggang sa tuluyan na siyang nakapasok sa banyo. Hindi naman niya isinara ang pinto kaya agad ko siyang sinundan, mabuti nalang ay hindi na ito naghubad pa. Nang makapasok ako ay nakatapat na siya sa shower habang nakatingala at sinasalubong ng mukha ang bawat malakas na patak ng tubig mula sa shower.
"Atticus, bilisan mo na lang diyan at ipaghahanda kita ng damit." sabi ko na katulad kanina ay hindi niya sinagot.
Agad ko siyang iniwan at nagpunta sa silid niya kung saan natutulog si Arch. Pinuntahan ko muna ito at inayos ang kumot sa katawan nito bago pumasok sa loob ng malawak nitong walk in closet. Pagpasok ko pa lang ay agad na bumungad sa akin ang mga nakahanger niyang mga polo at suit na iba-iba ang kulay.
Habang maayos namang nakasalansan sa lalagyan niya ng damit ang mga t-shirt na karamihan ay puti, itim at asul ang mga kulay.
Agad akong kumuha ng itim na t-shirt bago kumuha ng isang jogging pants na gray. Papalabas na sana ako nang mapatigil ako nang maalalang kailangan ko din pala siya ikuha ng masusuot na panloob.
YOU ARE READING
Just The Mother Of His Child
RomanceStories starts in many ways they say. Some when they turned at the legal age, some in high schools or in college. Some in workplaces or some in certain places. While Aria Louise Alvarade's story started when she met Atticus Raiden De Villa, a drop d...