Chapter 17

402K 20.2K 17.1K
                                    


Chapter 17

That mindset was a game-changer.

In the days that followed, I got so busy with my work that I would often fall asleep in class.

May mga pagkakataong madaling araw ako kailangan ng kliyente at tumatagal ako minsan hanggang umaga kaya wala na akong pagkakataong matulog. I'd go straight to school afterwards and would only sleep when the instructor couldn't see me or when we had a break. Kadalasan ay pumupunta ako sa puwesto ni Meg at siya ang pinapaupo ko sa upuan ko para doon ako makapagpahinga.

"Hindi ko pa rin gusto ang kulay ng eyeshadow," my client complained. "Ulitin mo 'yan."

"Ma'am, ang sabi n'yo po ay soft gray at deep purple," I said calmly as I picked up my makeup remover. "Ikatlong ulit na po natin 'yan. Ginagaya ko naman po ang mga ipinapakita n'yong eye look."

She frowned. "Paanong hindi uulit? My lipstick doesn't match my eyes."

"We can change your lipstick po."

Umiling siya. "I like my lips pink all the time."

"Mas ma-a-achieve po ang look na gusto n'yo kung may mas emphasized na eyeliner at glamour na fake lashes," sabi ko habang tinatanggal ang eyeshadow niya.

"No."

I sighed. "Ma'am, kung gusto n'yo ng fierce look . . . we have fundamentals, and your requests kinda don't match. Ayaw n'yo pong magpalagay ng falsies at eyeliner. Ayaw n'yo rin ng mas matingkad na lipstick. Ang magiging resulta po talaga ay natural look."

She shook her head again. "Just do what I told you to do."

Napatingin ako sa relo ko at pilit na itinago ang dismaya nang makitang isang oras na lang ay kailangan ko nang tumulak papunta sa school. We have our camp today and our instructors specifically told us not to be late. Hindi ko pa rin dala ang mga gamit ko. Iuuwi ko rin kasi ang makeup trolley at ring light ko.

"Ma'am, pack up na po tayo after thirty minutes," hindi napigilang saad ko sa kliyente.

She raised her eyebrows. "What?"

"May camp po ako, sinabi ko naman po sa inyo bago tayo mag-start. Three hours na po ang session natin at kapag po hindi n'yo pa rin nagustuhan ang gawa ko, 'wag n'yo na lang po akong bayaran."

She made a face, but she didn't say anything.

I did everything she asked, even though it wouldn't give her the look she wanted. Mas bagay sa mukha niya ang light makeup, pero dahil sinabi niyang fierce look ang gusto niya ay iyon ang hinahabol ko. Kaya lang ay masyadong magulo ang instructions niya.

It wasn't new to me. I have worked with a few clients like her. May mga pagkakataon pa ngang tumatagal ako ng apat na oras sa isang kliyente pero hindi man lang dinadagdagan ang rate ko.

Hindi naman ako makapagreklamo dahil wala iyon sa terms and agreements ko. I know I have to do something about it by now, lalo at malaki na ang mga bayarin ko. Hindi ko lang magawang taasan ang rate ko dahil naririnig ko minsan sa ibang kliyente na hindi high-end ang cosmetics na gamit ko.

I mean . . . they are paying me less than a thousand for a hair and makeup service, and they expect that the cosmetics I used were from luxurious brands?

Mabuti nga at kapag ka-shade ko ang kliyente ay inuunti-unti ko sa kanila ang ibinigay na Alya Foster foundation sa akin ni Shaira!

"Curl my hair before you go and I'll double your rate," nakangiting saad sa akin ng kliyente, mukhang nagustuhan ang ginawa kong "no makeup" look, taliwas sa request niya.

Mistakes We Can't Laugh About (Loser #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon