Chapter 42
The humid air combined with the faint sounds of laughter awakened me from my slumber.
Unti-unti kong binuksan ang mga mata at agad na napagtantong maayos na ang pakiramdam ko. There were beads of sweat on my neck and forehead. May nakatalukbong pang makapal na kumot sa akin kaya lalo akong nainitan.
"Lower your voice. Magigising ang Ate Amari n'yo . . ." narinig ko ang boses ni Leon mula sa baba.
Hindi muna ako bumangon. I was still feeling myself.
Alam kong nasa treehouse ako ni Leon at siya ang nag-alaga sa akin buong gabi. I could still remember him waking me up so that I could take my medicine. I also felt him replace the towel on my forehead several times during the night. Nasa bedside table pa nga ang thermometer at ang pinagbabanlawan niya ng tuwalya. Ang pagkain sa tray ay hindi ko na rin pala nagalaw.
"Nag-a-advance reading ako, kuya. Puwede akong magpaturo kaya sa kanya?"
I smiled to myself. I was assuming it was Nathaniel.
"Sa akin ka na magtanong. Inabala mo na siya sa pag-e-enroll mo . . ."
"Luh! Nag-volunteer kaya siya!"
"Kahit na," sagot ni Leon. "Tingnan mo. Nagkakasakit na sa pagod."
Sumandal ako sa headboard ng kama at pinagpatuloy ang pakikinig sa kanila.
So . . . Nathaniel already told Leon he would start schooling again? That's good. Susuportahan naman siya ng lalaki sa gusto niya. I'm sure Leon was glad to hear that his brother wanted to return to school . . . despite what happened in the past.
"Namayat nga siya . . ." It was Nash. "Kasalanan mo 'yon, kuya."
Nag-init ang mukha ko nang marinig ang pagtawa ni Nathaniel.
"Hindi naman sila, Nash. No'ng nakausap ko si Ate Amari, parang malabo nang magkabalikan sila."
I bit my lower lip when I noticed they were talking about us like we weren't there. Inalis ko ang comforter sa katawan at gumilid na para maghanda sa pagbaba. I should let them know I was awake already.
"Ang sabi pa niya, parang okay na siya na wala si Kuya."
Napatigil ako sa pagkilos nang marinig iyon. I didn't say that!
"Eh?" si Nash.
"Oo. Kaya ayos lang din kahit 'wag na silang magkabalikan. Masaya naman na si Ate." Tumawa pa siya. "Mukhang ayaw na rin naman ni Kuya . . . 'wag na nating ipilit."
Gustong-gusto ko siyang babain at bungangaan pero hindi pa sapat ang lakas ko. I was just writhing with confusion and anger. Wala naman kasi akong sinabing ganoon!
Tahimik lang si Leon. Hindi rin naman ako umaasang may sasabihin siya tungkol doon. I mean, Nathaniel made it clear to me that he would start meeting other women again. Syempre, hindi na big deal sa kanya kung malaman niyang ayos lang sa akin ang . . . pagtatapos namin.
"May i-da-date na rin yatang iba si Kuya . . ."
Well, speaking.
"Seryoso ba?! Ayoko!" sigaw ni Nash.
Leon didn't say anything, confirming my thoughts.
Sino kayang minamata niyang babae? Was she . . . prettier? Kinder? May bahagi sa puso ko ang umaasang hindi. Parang ayokong pumayag na may mas hihigit sa akin sa mata ni Leon kahit pa sabihing hindi naman ako . . . mabait.
"Kuya?! Hindi puwede. Hindi ko papayagan 'yan! Bahala ka," pagpapatuloy ni Nash. "Aagawin ko sa 'yo si Ate Amari."
"Hindi ka papatulan no'n!" natatawang saad ni Nathaniel. "Gusto no'n matalino, guwapo, at marunong sa gawaing bahay. Sablay ka sa lahat."
BINABASA MO ANG
Mistakes We Can't Laugh About (Loser #2)
RomanceTHE LOSERS' CLUB SERIES #2 Someday you'll look back on your mistakes and laugh. To name a few instances, these are those awkward first kisses you shared with your first boyfriend, those failed recitations that your classmates don't seem to forget, a...