Chapter 26
It was hard. I could feel him slowly drifting away from my grip. I could feel him getting farther and farther away from me. Kahit anong higpit ng kapit, parang gumagawa ng rason ang tadhana para paglayuin kami.
"Madami ka pa bang pending work?" I asked as I stood beside him in front of the mirror. "Tinapos ko kahapon 'yong akin at kung may madadagdag ngayon, konti lang siguro 'yon. Do you want me to help you?"
I was trying. We've been through a lot together, and I don't want this to be the cause of our breakup. Masyado ko siyang mahal. Hindi ko kakayanin kapag umalis siya. He has been my rock of strength for many years, and now that he is weak, I want to be his strength as well.
Kasi ganoon ang isang relasyon. Ganoon ang itinuro niya sa akin. Na kapag mahina ang isa, puwede mong ibigay ang balikat mo para may masandalan siya. Na kapag lumuluwag ang hawak ng isa, puwede mong higpitan ang kamay mo para hindi siya tuluyang makabitaw.
"No, I can manage," he said as he glanced at our reflection. "Thank you."
Humarap ako sa kanya at tumingkayad para mapatakan ng halik ang pisngi niya.
He stiffened but didn't say anything.
"I love you," bulong ko sa kanya.
Naninikip ang dibdib ko dahil sa labis na pagmamahal at pag-aalala sa kanya. I want him back . . . every waking day. Umaasa akong balang-araw ay gigising ako na nakayakap ulit siya sa akin . . . na nakangiti na ulit siya sa akin.
Yumuko siya. "I-I . . . love—"
Umiling ako at sumandal sa braso niya. "Don't force yourself, Leon. Alam kong mahal mo 'ko. You don't have to say it out loud."
He kissed the top of my head, taking away all the pain I was feeling.
"I'm sorry," bulong niya. "Babawi ako sa 'yo, ha?"
Sapat na sa akin 'yon. At least, mayroong kumpirmasyon na kasama pa rin ako sa plano niya. Gaya ko, alam kong sinusubukan niya rin. Masyado lang talaga siyang inuubos ng mundo.
His brothers were drug dealers and users. Kung hindi ko pa nakausap si Tita Leah ay hindi ko malalamang nagawa iyon ng kambal dahil gusto nilang tumulong sa pagbabayad ng mga gastusin sa bahay. Kahit iyong pang-check-up sana noon ni Tita ay ginawa nilang puhunan para makabili ng droga.
"Wala na akong puwesto sa palengke, Mari," sabi ng ginang. "Nahihirapan kasi akong magbayad ng renta buwan-buwan tapos pinagchi-chismisan pa ang kambal . . ." Umiling siya. "Hindi ko kayang marinig."
I may never understand how much a mother loves her children because I've never experienced it, but as she narrates the things that have been going wrong for her, her eyes are brimming with pain, and her face is worn down.
"Lagi namang nagpapadala si Leon kaya kahit papaano ay may nagagastos ako. Hindi ko na rin kasi maalagaan 'yong mga tanim ko sa bukid." She breathed deeply. "Pasensya na, anak, ha? Imbes na nakakapag-ipon na kayo para sa kinabukasan n'yo, ako pa ang iniisip n'yo."
Umiling ako at ngumiti sa kanya. Lunch break namin ngayon at hindi kumain si Leon dahil sa dami ng kailangan niyang tapusin.
"'Wag n'yo pong isipin 'yon, tita. Maayos po kami rito. 'Yong pag-iipon naman po ay kaya naming gawin sa mga susunod pang taon," I assured her. "Kapag po may sobra ako . . . magpapadala rin po ako sa inyo. Kailangan n'yo pa pong magpa-check-up. Iyon po ang unahin n'yo."
Kahit sa cellphone lang kami magkausap ay nakita ko ang panunubig ng mga mata niya.
"Nag-iipon na ako . . ." Her voice cracked. "Tinitipid ko 'yong padala ni Leon kasi pinapagalitan na rin ako no'n. Saka . . . 'wag mo 'kong isipin! May sinusuportahan ka rin dito, 'di ba?"
BINABASA MO ANG
Mistakes We Can't Laugh About (Loser #2)
RomanceTHE LOSERS' CLUB SERIES #2 Someday you'll look back on your mistakes and laugh. To name a few instances, these are those awkward first kisses you shared with your first boyfriend, those failed recitations that your classmates don't seem to forget, a...