Chapter 22"Eighty pesos para sa itim na slacks?" Nag-thumbs up pa ako sa kanya. "Good choice!"
He grinned as he checked the slacks. "You think this will fit me?"
Tumango ako. "Tapos white or gray na long sleeves na polo."
"Eh, sapatos?"
Tumingin ako sa estante ng mga lumang sapatos at agad na nakuha ng atensyon ko ang isang kulay tsokolate na sperry top sider.
I strolled over there and showed it to him.
"Ito?"
He squinted. "White long sleeves ang hahanapin ko kung ayan . . ."
"White long sleeves it is!"
Nangingiting nilapitan niya lang ako.
Nagpaalam siya sa akin para isukat sa fitting room ang mga napili ko para sa kanya. Naupo lang ako sa monobloc na naroon. Para akong bulateng sabik na sabik na makita siya. I never imagined that going shopping with him would be so much fun . . . kahit pa hindi naman mga mamahalin ang binibili namin.
I sighed as I leaned back in the chair.
Matapos ang mabilis na pagtatalo ay naging mas masinop kami ni Leon sa pera.
Imbes na bumili ng mga bagong damit at sapatos para sa nalalapit naming graduation ay napagpasyahan na lang naming pumunta sa ukay-ukay. Nag-canvas din naman kami ng mga puwedeng gamitin sa ibang boutique. Kaya lang ay pareho kaming nanghinayang sa gastos.
I want a new dress. I really do. I want to have the money to buy Leon everything he wants. Kung ako ang papipiliin ay gusto kong regaluhan namin ang mga sarili ng mga bagong bagay.
But then, if you were poor, you wouldn't have as many options. Hindi naman kasi lahat ng gusto mo ay mabilis na lalapag sa palad mo.
You want a pair of shoes? Fucking work to get them. You want a new set of wardrobes? Again, work your freaking ass. Kung kinakailangang halos masubsob ka sa kakatrabaho para lang mabili mo ang gusto mo, gawin mo.
However, in some situations, like ours . . . even if we work, even if we burn ourselves out, material things would be our last priority because we have responsibilities to take care of.
Because that is the reality of having luxury and wealth — those who do not have them are forced to just glance at the nicest things and smile to themselves because they know they cannot buy them.
"Bagay ba?"
Napatingin ako sa lalaki nang lumabas siya ng fitting room. And my eyes, being the biased ones that they were, thought that he was really handsome. Parang kahit basahan yata ang isuot niya ay hindi siya papangit sa paningin ko.
Nothing has changed. Even though we've been together for a long time, I still feel attracted to him. Mas lumala pa nga. Nariyan pa rin ang kilig kapag makikita ko siyang guwapong-guwapo tuwing sinusundo ako. Nariyan pa rin ang patagong ngiti kapag may ginagawa siya sa akin na hindi ko naman hinihingi.
"Pogi mo," I said, smiling.
He poked his tongue into the inside of his cheeks, fighting the urge to smile back.
"Okay na 'ko. Hanap na tayo ng iyo?" malambing na tanong niya. "I think a white dress will suit you. It'll complement your color."
Ngumuso ako. "Gusto mo lang na parehas tayong nakaputi, eh."
Tumawa siya. At habang nagbabayad siya sa counter ay taimtim akong nagpasalamat sa langit dahil kahit gaano kahirap ang buhay, binigyan Niya ako ng Leon na makakatuwang ko sa lahat ng bagay.
BINABASA MO ANG
Mistakes We Can't Laugh About (Loser #2)
RomanceTHE LOSERS' CLUB SERIES #2 Someday you'll look back on your mistakes and laugh. To name a few instances, these are those awkward first kisses you shared with your first boyfriend, those failed recitations that your classmates don't seem to forget, a...