Chapter 33
That day was a total disaster for me. I couldn't focus on my work because his words kept echoing in my head.
He was still in love with me . . . kahit na sinasadya ko siyang saktan para matapos na siya sa akin. I said our feelings were shallow. Na ang nararamdaman niya ay nakakatawa at isang biro lang.
I didn't mean that . . . I never would.
Pero imposible na. Kahit gaano pa namin kagustong balikan ang isa't isa, nasubok na kami ng panahon . . . at kahit gaano katindi ang pagmamahalan namin, alam kong hindi kailanman magiging sapat 'yon.
If it was, then we shouldn't have broken up. Mahal din naman namin ang isa't isa noon. Inilaban din naman namin ang isa't isa noon. Nasasaktan . . . pero niyakap din naman namin ang isa't isa noon.
And yet . . . we still failed.
We made the mistake of going against our fate. We disobeyed the laws of nature, and that was our downfall.
Hindi ko dapat hayaang magkamali ulit kami. Kasi siguro nga tama si Mill. The universe has a reason for connecting our paths again, and that reason could be to show us where we went wrong when we loved each other.
Hindi ko alam kung pagsisisihan ko 'to . . . pero sa ngayon, alam kong ito ang tama. A month of his playful antics and sincere efforts to restore what we once shared was more than enough for me to make it through this life.
Tama na siguro 'yon. At least, hindi ang paghihiwalay namin ang huli kong maaalala sa kanya.
Mind over matter, Amari. Letting your heart win means giving him another chance to hurt you.
"I'll go ahead," saad ko sa kanya nang matapos ang trabaho.
Tahimik lang kami buong araw at hindi na rin naman siya sumubok na lapitan ako.
From the documents he was reading, he lifted his head. "Ingat ka."
I nodded. "You too."
Pagkauwi ko no'ng araw na 'yon ay agad kong hinanap sa Facebook si Tita Leah, pero wala namang lumabas na kahit ano. I wanted to ask Shaira what happened because I was sure she knew, but it didn't feel right.
Ayokong malaman sa ibang tao ang pinagdaanan ni Leon . . . pero wala rin naman akong lakas ng loob para matanong nang diretso.
"May number ka ba ni Leon?"
Napatingin ako kay Mill na abalang-abala sa pagta-type sa laptop niya. Kanina pa ako nandito at iyon ang una niyang tanong sa akin.
"Aanhin mo?"
"In case of emergency," sagot niya, ni hindi na lumingon sa akin. "Maganda na ring may contact info ako ng mga nakakasama mo para kapag hindi ka matawagan ay siya ang kakausapin ko."
Ikinunot ko ang noo. "At ano, aarte kang hindi mo siya pinagsalitaan? News flash lang, ha? Minura-mura mo 'yong tao. You can't expect him to do us favors."
Matagal siyang hindi nagsalita kaya akala ko ay tapos na ang usapan naming iyon. She continued typing on her laptop but suddenly stopped midway. Umarko ang kilay ko nang humarap siya sa akin, seryoso ang mukha at tila malalim ang iniisip.
"I-text mo. Itanong mo kung puwede kong makuha ang number niya."
I sighed. "Hindi ka ba nahihiya?"
"He broke his promise to me, nahiya ba siya?" ganti niya. "Sige na. I-text mo na. It's not like I'm gonna swallow him alive or anything."
BINABASA MO ANG
Mistakes We Can't Laugh About (Loser #2)
RomanceTHE LOSERS' CLUB SERIES #2 Someday you'll look back on your mistakes and laugh. To name a few instances, these are those awkward first kisses you shared with your first boyfriend, those failed recitations that your classmates don't seem to forget, a...