Chapter13

65 3 0
                                    

Lanie's P.O.V

"Gooodmeeeerning!"

napabalikwas ako ng tayo sa pagkakahiga. napasarap ata?

"Huh?!"

"Oy batugan gisingin mo na katawang lupa mo at magaalmusal na tayo!"

napakamot ako. nakitulog nga pala ako sa bahay niya.

"Ahh. teka anong oras na ba?" sabi ko habang tumatayo sa kay kama habang nagkakamot na din ng ulo.

"Uhh 8:45 in the evening." masigla niya pang sabi!

"HA!"

"Haha. just kidding. 8:45 in the morning c'mmon! nagugutom nako! swerte mo din dahil ako ang nagluto!"

"Tss. k fuuu!"

pagkatapos namin magusap ng ganun, bumaba na kami at dumiretso sa dinning table nila. at wow lang! akala mo pyesta! sa dami ng handa.

"Birthday ko ba?" sabay tanong ko dito.

"Haha. hindi nu? wala lang akong magawang matino kaya dinamihan ko na tsaka di ko alam kung ano kinakain mo twing umaga."

"Kaibigan ba talaga kita? bakit di mo alam ang gusto ko?"

"Oy al ko gusto mo no! si Papa Jimreeeeey! tsaka si Papa Lorenzzzz! Waaaaah!" sabay wagayway ng buntot niya. sa sobrang kilig

-,-" Ewan ko ba.

"Ewan ko ba sayo! kain nalang tayo?"

"Tss. iniiba yung topic. hihi"

"Shut up?"

umagang umaga bibigkasin niya pa yung mga pangalang nagpapagulo ng isip ko. busit ah?!

nang matapos na kaming kumain, agad naman akong nakiligo sa kanila at yung suot ko na din kagabi yung sinuot ko ulit. nakakahiya na baka mag amoy anghit yung mga damit ni Arianny. tsaka ko din napagpasyahan na umuwi ng bahay. hanggang sa...

*Phone Ring* "Ahaha! Ahhh Boyong! uto-uto!"

totoo. yan ang ringtone ko. naghahagilap kasi ako ng madadownload nun sa comp. shop tas nadinig ko yung mga nagdo-DOTA na mga bata. tas nirecord ko.

ginamit ko pa yung cellphone ni Arianna na luma niya. haha. ok. ang daldal ko. hanggang ngayon nakatitig padin. ako sa screen ng cellphone ko. at binasa ang pangalan ng tumatawag.

"Tyang Ma-llll-diii-ta. ahh si Tya--." teka tama ba ang nabasa ko? ay! jusq lowrdszx! Sagutin mo nalabg Melanie! kung ayaw mong bitayin ka sa tuktok ng Mt. Everest tiyahin mo!

"He--hello?"

*MELANIIIIE! ASAN KA NA NAMAN BANG MANGKUKULAM KA?!*

"Mangkukulam ka agad, di ba pwedeng Dyosa muna?"

*Aba't? umuwe ka na! may aayusin ka pa dito! nakalimutan mo ba ha!!?*

"Hindi! Wag nyo kong sinisigawan! ok! Ka-olay ka te ha!" sabay pindot nung pulang buton. at nagcall end na.

naalala ko nga pala yung bilin nya kagabi na may churva churva na bisita daw. at naalala ko na siya pala yung kausap ko. syete!

habang naglalakad ako. ay may nadaanan akong Convinient store. nauhaw ako sa sobrang layo ng nilakad ko. dumaan ako sa other way na papunta kela Arianna. kaya medyo napaaga ako ng punta sa kanila, malas nga lang dahil may dinagawang daan don kaya dito ako sa may high way dumaan. tuwa ng diagrasya sakin nito. pero mas matutuwa ang disgrasya ko sa bahay namin.

so, pumasok na ko roon at pumunta sa may area kung saan may mga drinks. pagkatapos kong kumuha, agad ko naman binayaran sa cashier. nang palabas na ako ng tindahan, Aba! pinapangit na nga ni Tyang ang araw ko, Dagdag pa itong K-pop-panget na to!

"Oy! Hi my Girlfriend!" flirt na haliparot to. papa-cute pa mukha namang unggoy. inirapan ko nalang sya.

"Ganyan ba dapat batiin ang Boyfriend mo?" Sakto namang uminom ako ng tubig. balak ko sana ilunok kaso may na isip ako. ibinuga ko nalang sa kanya ang ininom ko. at nagsalita.

"Nakakasuka kasi yung mga pinagsasasabi mo." agad naman ako papaalis ng bigla niyang hablutin ang braso ko.

"Aray!"

"Masasaktan ka talaga sa akin! kagagaling ko lang kay Belo, at may nilagay na gamot sa mukha ko. aba! sumusobra ka na! una yung sapatos ko, ngayon naman ang mukha ko isama mo pa ang damit na-- Arggh! naman! kabibili ko lang! at ngayon wala ka nang kawala! makakatikim ka na naman sa akin!"

Ano! hahalikan na naman niya ko! Potapete-petepota! Aba! mahiya naman siya! di na virgin labi ko, tas dadagdagan na naman niya ng pagkamarahas na halik yung labi ko? grabe siya ha!

"Ano!? Bitawan mo nga ako!" hala, sa Kotse kami? ano gagawin namin? Tae! wag ngayon! wag naman ang Kitten ko! grabeness! di na nakuntento sa halik, makikipag- makikipag--- aggrh! kadiri!

"Sakay!"

"Ayaw!"

"Sakay sabi!"

"Ayaw sabi!"

"Ako ba binubwisit mo ko?" pumaywang siya sa akin habang hawak naman ng isa niyang kamay ang braso ko

kaya para maasar, ginaya ko ulit. haha. belat! "Ako ba binubwisit mo rin!?"

"Aaargh! Pasok! Biliiis!" aruy umuusok na yung ilong niya. haha tagumpay! tagumpay! mainis ka hanggat gusto mo!

kaso no choice ako, sinunod ko din siya. natakot din ako eh. hehehez.

nang makarating kami sa bahay nila, Este mansyon, Este sa Castle nila, agad naman kaming bumaba sa kotse. alam kong hindi niya ako pagbubuksan ng pinto kaya inunahan ko na siya.

pero pagkababa naman niya, agad siyang humawak sa braso ko at kinaladkad. papunta sa may taas nila. infairness, Malaginto ata lahat ng gamit dito. habang malawak ang aking nagniningning na utak, napahinto kami sa harap ng isang pinto. binuksan naman niya agad ito, at namangha ako sa mga nakita ko.

parang hindi lalaki ang may ari ng kwarto. sobrang linis kasi. habang naglalakbay na naman ulit ang aking isipan, napahinto ulit kami sa isang pinto. at pinto palang mahahalata mong Banyo yon, binuksan niya ulit at, Tadaaaaa! malaking banyo! kasya ang limang katao. syete-onse! hindi mo talaga maiiwasang hindi mapatingin sa paligid na to.

at naramdaman ko nalang na tinulak niya ko. bastos. ganda ng iniisip ko, tinulak daw ba ko! malaking bastos!

"Labhan mo yan! dapat mabango, malinis, at maayos, ayoko ng gusot." napatingala naman ako, HolyCornbeef! Yung---- yung asdfgfldjgfNccgrioo. Pweeew! Yung-----
-
-
-
-
-
-
Abs niya. pamatay ng mata ng babae. langya. naaakit ako! pisikan niyo ng baygon mata ko, Bilis!

"Hoy! Pantasya-rella!"

"Oo dagul!" bulyaw ko.

"Tss. gwapo kong to, dagul raw?"

"Tss. gwapo kong to, dagul raw? Hanapin mo nga sa bulsa mo yung Paki ko?! Baka sakaling mapansin ko yung sinasabi mong GWAPO MO!"

"BILIS! LABHAN NA!"

"OPO! LALABHAN NA PO! BWISET!"

"Aba't? sinong Bwiset kamo?" maangas na papalapit sya sa akin, akmang napaatras ako dahil palapit ng palapit talaga siya sa akin.

OwEhGeeeee! napasandal na ako sa pader. jeskepeeee! ang lapit na niya talaga sa akin. nakakulong na rin ako sa mga bisig niya.

"Ano kamo ang sabi mo? ako? bwisit?" Patok, wala na kong kawala dito.

"h---hha? p--pw--pwede b--baang-- l-l-la-layo ka o-oon-tii? ahehehe?"

Oh no. not again...

Itutuloy......

MR. KPOP MEETS MS. NERDY (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon