Chapter 2

148 3 0
                                    

"Bayad po. bayaran ko narin po yung kaniya..."

Tinignan ko kung sino yung gumawa nun at hulog aiya ng langit. nagulat ako kung sino ang gumawa non. teka...

"Para po." agad naman huminto ang jeep. nangudngod naman ako sa may batok ng nasa harap ko.

"Pati ba naman ang batok ko pinagnanasahan mo!? Umalis ka nga diyan!" agad naman ako nagsorry sa kaniya. napansin kong pinagtitinginan ako ng mga pasahero ni Manong Sungit. tsaka dun ko lang naisip na bumaba na.

hinabol ko naman siya at kinausap..

"Ahh.. ehh.. Thank--"

"Tss.. stupid.."

Tss.. stupid..

Tss.. stupid..

Tss.. stupid..

paulit ulit yun sa utak ko. napahinto pa nga ako eh. tss. kahit kailan talag dakilang menopause yung famous na yon! hmmp. tinignan ko sa ng masama kahit likod lang ang nakikita ko. Umakto akong parang nagtitiris ng kuto.

"Hindi ako stupid. Valedictorian ako mula 1styr to 3rdyr tapos sasabihin mo Stupid?!" panggigigil kong sabi. mahina lang naman ang boses ko non. at wala na akong nagawa kung di pumasok at pumila sa line ng section namen. at As Unexpected kaklase ko nga pala siya.

Meet Lorenz Farro. Gwapo. Matangkad. Chinito. pa-cool. pa-misterious effect. Kagaya ng sabi ko, Famous sa buong school. mapa-Networking site, Aba! hindi magpapahuli. Captain ball ng Soccer team ng school namin. Habulin ng babae at, Mayaman! kaya nganagtataka ako bakit nagcommute yun at, Aba! sa jeep pa sumakay? nasiraan siguro yung mamahaling kotse niya. hindi lang basta kotse, Yung kotse niya, Dinaig ang Holywood Celebrity! well, di ko nalang pinansin. nagstart na ang Flag ceremony. nang natapos iyon, pinabalik na kami sa kani-kanilang Classroom.

nagdiscuss, Bigay assignment, discuss, long test for friday, Discuss, Quiz tomorrow. tapos Recess time. napadukmo naman ako sa pwesto ko.

Sasabog na utak ko! Mamaya lang baka maglaba ako nito eh. tapos yung mga pinapagawa ng mga walang yang teacher namem? idagdag pa! -,- buti nalang walang performance task at project. hays.

"Oh? Anyare?" tinignan ko naman ang nagsalitang iyon. boses batang mga nasa 7years old na babae. at sa sobrang hinhin niya, hindi mo aakalaing isang 4th year student yon. at hindi ibig sabihin ng pagiging nerd ko ay, May pagka loner na ako. well may mha mangilan ngilan akong mga kaibigan pero i think, Ito ang totoo sa kanila.

Meet Arianna Sanchez. Parang Arianna Grande lang. well ganon ang tingin ko sa kaniya. Sobrang may pagkaMaria-Clara siya. pero sa lahat ng nakilala kong may pagkaMaria-Clara, Siya ang pinakamadaldal. yung tipong Mahinhin magsalita pero madaldal. kaya nga sabi ko sa inyo, parang 7years old lang ito eh. may pagkachildish ng konti. Maganda tsaka Sexy. Member ng Dance troupe. at kasama ko siya sa Music Club. Pareho kaming Singing. at May pagkaHalf American siya. hindi lang halata. Morena din. at proud ako na naging kaibigan ko siya. kahit ang daldal niya. and may kapatid din siya. i guess wala siya dito ngayon sa room.

"Wala naman. nakakasakit ng ulo yung mga Pinapagawa nila. akala mo mga hindi nanggaling sa pagiging studyante." sabay dukmo at ngudngod ng mukha sa desk.

"Nakooo! ok lang yan girl! pero may kasalanan ka sa akin!" nagpomang sad face ang mukha niya. ay. oo na. cute na. napabangon naman ako bigla.

"Ano yun?"

"Hindi mo sinasabi na may something sa inyo ni Fafa Lorenz. I hate you. akin yun eh!"

"Edi iyo na! buong buo! aanin ko naman yun? suplado ng taong iyun."

"Ang cool kaya niya!" nagsparks yung mga mata niya at kumorteng puso. imagine nyo. para talaga siyang bata. ang laki laki na nga ng ano.. yung Boobs niya, Isip bata parin? -,- hiyang hiya naman ang boobs kong parang burol lang. hays.

"Cool?? COOL-angot niya kamo!"

"Ahihihi. pero nakita ko na parehas kayo ng nasakyan na jeep. Yiiiie---"

"Look. may nilalarong unggoy ang kapatid ko. " Nagtawanan naman sila. hays. Speaking of the demon, Ito ang kabaligtaran ni Arianna. Mapangmataas, Bully, Nagrereyna-reynahan na parang tiyahin ko lang. Nagmamaganda. flirt. nagtataka talaga ko kung bakit naging kapatid siya ni Arianna. Meet Ashley. the Queen bee. dapat Ipis. ang laking peste niya kasi.

"Shut up Bitchy Sister! kung sino man ang mukhang unggoy, kayo yon!" susugod na sana si Arianna ng pigilan ko siya. hinawakan ko ang braso niya. nanatiling nakaupo lang ako sa upuan ko. siya naman, nakatayo ay kaharap ang tatlo. yes tatlo. kasama niya Si Tiffanie and Fenelopie. sumasama lang naman sila dahil alam nilang aangat silang dalawa kapag kasama nila si Ashley. like hello? nagpapasikat?!

"Tss. Pinagtatanggol mo yang... Freak na yan? I can't believe it!" Napa-awang ang bibig niya at sinabi niya iyon ng may pagkamalditang maarte.

"Alam ko ang tama. kaya alam ko kung ano ang ginagawa ko, Ate." diniin niya talaga ang pagsabi ng ate. at makikita sa dalawang ito na parang may kuriyente sa pagitan nila na dumadaloy sa kanilang mga mata. parang sa mga Anime lang?!

*RingBell*

time na para sa Recess. at time na rin para sa Pangaasar nila.

"Let's go girls. ang mga magagandang katulad natin, Hindi nagsasayang ng oras sa mga FREAK na katulad nila."

umalis naman sila at pumunta sa kanilang upuan na nakatingin sa aming dalawa ni Arianna na Masama.

buong klase lang akong nakinig at hindi na pinansin ang tatlo. mang maubos ang oras, agad naman kaming pinauwi ng huling subject teache namin. habang ako ay nagaayos ng gamit, nagpaalam naman si Arianna sa akin na mauuna na siya, dahil may lakad daw siya. ako naman, umoo nalang at hinayaan siya. kumuha ako sa locker ko ng mga aklat na rereview-hen. nang nakuha ko iyon, agad ki naman sinarado ang locker ko at nilock. paalis na sana ako ng room na may bitbit na aklat na may humarang sa daraanan ko. matangkad ito kaya tumingala ako.

nakita ko naman si Lorenz. naalala ko na naman ang sinabi niya kanina. argh! hindi ko alam kung maaasar ba ako sa kaniya kasi yung paglibre niya sa akin sa jeep.. ano eh... Argh. nagkatinginan kaming dalawa. tumingin siya sa akin. yumuko siya. ako naman nakatingala. naknang! umiwas agad ako ng tingin at umatras ng konti. Ayoko magblush pero mukhang nangyayari na.

"Ahh... Mauna na ko." sabi ko nalang pero nang aalis nako, hinawakan niya ang balikat ko at pinigilan ako sa.balak ko. lumingon naman ako at pinakita ko na matapang ako kahit na sa loob loob ko, nanghihina na ang tuhod ko.

"I'm sorry about that earlier. Sorry kung tinawag kitang Stupid.." napalingon naman ako sa kaniya. mukha naman siyanh sincere. kaya pinakinggan ko muna siya kung magsasalita siya ulit.

"Ang dami na ngang nambubully sayo, Dumagdag pako..."

sa mga oras na iyon, ngumiti nalang ako sa kaniya. at tumango. sign na ok na ang lahat. at tuluyan na akong umalis sa room na iyon baka may mangyari pang INAASAHAN KO. joke. hihi.

nang naglalakad ako sa may Hole way ng campus, hindi ko na naman namalayang may nabunggo ako. NA NAMAN!? bakit ang hilig mamunggo ng taong nakakabunggo ko?! baka naman hobby ko yun o hobby nila yon. nakita ko naman napaupo siya. at ganon din ako. napahawak ako sa balakang ko na sobrang sakit. agad ko namang pinulot ang mga aklat na diladala ko at siya nama'y nakatayo na at nakita ko namang pibapanuod lang niya ako sa ginagawa ko at nang natapos na ako sa kakapulot, nagsalita ako.

"Pasensya na. sige una nako.." nagbow ako nun. pero Sa HINDI ko inaasahan. hinawakan na naman ang balikat ko. bakit ayaw nilang hawakan ang wrist ko?! ganon na ba kagaspang ang kamay ko? Grabe naman kung ganun?

"Sorry?! Iba ata ang binangga mo. Tch."

----

Itutuloy....

MR. KPOP MEETS MS. NERDY (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon