Chapter 1

216 5 0
                                    

"LANIIIIIIE!! YUNG ALMUSAL!!"

"ANDYAN NA PO!"

Mabilis pa sa ala-una, agad akong bumangon sa kama kong kahit kailan hindi na naging malambot. Ewan ko ba! Bumaba agad ako sa hagdan. At dumiretso sa kusina.

Naghanap ng maaalmusal nila. Naglrito ka agad ako ng itlog at mainit na aso. In short. Hotdog. Lagyan na din natin ng 's' sa dulo ng hotdog para maging plural. Haha.

Nang matapos na akong magluto, sinalang ko kaagad ang lulutuin kong sinangag sa kabilang kalan. Habang niluluto ko yun, hinayaan ko muna at nagtimpla ng tatlong hot choco at isang kape. Nang matapos kong gawin yon, agad kong tinutukan ng pansin yung sinangag.

Agad namang natapos yun. Hinanda ko na sa la mesa ang tatlong plato. Pati na ang mga kutsara at tinidor nilagay ko narin doon sa tabi ng plato. Habang hinahanda ko iyon sa hapag kainan (Taray! Hapag kainan!) nagsulputan na ang mga butikin. Well, this is not my job, talagang tinatrato lang nila akong isang kasambahay.

"Lanie! yung susuotin ko pagpasok, hindi mo pa napaplantsa! yung gamit ko hindi mo pa nai-aayos!"

"Hey! yung sapatos ko! hindi mo pa napapakintab! tapos yung assignments ko, hindi mo pa nagagawa! yung performance task ko sa Physics, Hindi mo pa tapos, Mas inuna mo pa yung kay Tabaching ching!"

"Hey? how dare you to call me, Tabachingching? my dear sister! dapat lang na ako ang mauna, ako ang ate mo?! Duh?"

"Yaaa? totoo naman! kahit kailan hindi ka na sesexy! and i don't care kung ikaw ang mas matanda. you're too old! eew?"

at nag away na sila sa harapan ko. aawayin nila ko, eh bandang huli sila din pala ang magaaway aa isa't isa.

Tiffanie and Fenelopie. ang magkapatid na butiki. haha joke. pareho kasi silang patpatin ang katawan. napansin ko namang nakaupo na sila at kumakain.

"LANIIIIIE!!"

"ANDYAAA--"

"Ooopss. I am so Sorry..sinasadya ko talaga." napatakip pa siya ng bibig gamit ang dalawang kamay. at nagkatinginan sila ni Fenelopie at agad nagtawanan.

tinapunan lang naman ako ng HOT choco. hindi lang mainit yun kundi, SOBRANG INIT.

hindi ko nalang pinahalata sa kanila na naiinitan ako. ayokong pagtawanan pa nila ako lalo. pinagtatawanan paron nga nila ako eh. hays. mga baliw.

"LANIE! YUNG ALMUSAL KO!"

"PAPUNTA NA!" para lang kaming nasa magkabilang bundok. nagpalagay pa sya ng telephone, hindi di naman niya pala gagamitin. mapaos ka sana Tyang!

kukunin ko sana ang kape ni Tyang nang tinabig naman ni Fenelopie at iyun nabasag naman siya. kawawang tasa. at kawawang Melanie. magagalit na naman sayo si Monster!

"Ay? lagot ka? Binasag mo yung tasa. Panigurado magagalit na naman sayo si Mama. HAHAHAHAHA!" tumawa ulit sila ng kapatid niya. sana mabulunan ka!

"HAHAHAHA-- *cough* " at nagkatotoo naman. naibuga niya tuloy sa kapatid niya yung pagkaing nasa bibig niya. ang hirap pala magpigil ng tawa. hahaha

"Arrrgh! I hate you! AAAAAAARRGHG!!" ayun nag away na naman sila. haha. hays. mas gusto ko silang panuoring nagaaway kesa sa mga palabas sa tv na nakakatawa.

so ayun. dumiretso nako sa kwarto ni Tiyahin ko. yes. tiyahin. tama ang nadinig at nabasa niyo. Well Step mother pa nga eh. Pangalwang asawa siya ng papa ko.

ang papa ko naman, namatay sa Car Accident. ang mama ko naman, namatay nung pinagbuntis ako. buti nga nabuhay pa ko eh.

At syempre Step Sisters ko naman yung dalawang nagaaway kanina hanggang ngayon. ganto lang kami araw araw. mas malala kapag Weekdays.

at siyempre wala naman akong kamag-anak na pwedeng malapitan o kakilala ng tatay ko o nanay ko. kaya sa Tiyahin ko nalang ako nakituloy. eh kung ang kapalit lang ay ang pagiging kasambahay dito sa mansion nila, why not coconut?!

pinagtyatyagaan ko lang yung pangaapi at pangaalipusta ng mga to. kung nakikita lang ako ni mama at ni papa, hindi nila ako hahayaan na ganto.

"Nakabasag ka na naman ba?!!"

"Hin--hindi ko--oo nama--"

hinagisan niya ako ng granada. joke. unan lang naman sapul na sapul sa pagmumukha ko. ganiya din kaming dalawa kapag nakakabasag ako. ang totoo niyan hindi ako nakakabasag. talagang yung dalawang maldita talaga ang may dahilan ng pagkabasag ng mga kasangkapan na yon.

"WALA KA NA NGANG PAKINABANG NAGBABASAG KA PA?!" pinagbabato niya ulit ako ng unan. hindi ko hinayaang matapon ang trey. hinayaan ko lang na batuhin niya ako ng mga unan. buti nga unan eh.

"Arggg! Ang ganda ganda ng gising ko pagkatapos--- AAAAAAAAAH!! IBABA MO YANG ALMUSAL KO DITO SA SIDE TABLE AT UMALIS KA NA!". agad naman ako sumunod. ayoko din makita ang pagmumukha niyang mukhang monster! dumiretso naman ako sa banyo. hays. hanggang banyo ba naman nagaaway tong mga to?

"Akin na yang panghilod! makati likod ko!"

"Ayoko nga! hiludin mo muna likod ko!"

"Eew ka talaga Ate!"

ayan convo nila yan sa loob ng banyo. medyo nageecho kasi. bumaba naman ako ng hagdan at niligpit ang pinagkainan nila. tapoa kumain na din ako. at nang natapos ako, Agad ko namang hinugas ang mga pinggan. nakayari naman din ako.

papanik sana ako sa hagdan ng makita kong naghahabulan pababa ang magkapatid. aiiish. nakauniform na din sila. ako? madusing at mabaho.

di ko nalang pinansin. pumanik nako at dumiretso sa banyo para maligo. pagpasok ko, as usual. nagkalat ang malalaking bula. kasama na rin ang pantulog na suot nila kanina. andito rin ang Underwears nila pati yung bra.

niligpit ko muna iyon. at naligo na ako. nang matapos ako, dumiretso sa kwarto ko. nagpatuyo ng buhok, nagsuot ng uniform. nagsapatos. at inayos ang gamit ko.

suklay at pulbo? para san pa! eh magugulo at mago-oily laang din naman. sinuot ko din ang eye glasses ko na pinagawa pa nung 12 years old ako. buti nga ito parin yung grado ng mata ko eh.

paalis na ako ng bahay at nasa may kanto na ako ng maalala ko na Monday nga pala ngayon. partida, late na ko nito!

tumingin ako sa wrist watch ko na mumurahin at ang character sa loob ng wrist watch ko ay si Spongebob. hihi. favorite ko kasi siya.

sakto naman na may jeep ako na pinara. agad ako sumakay saka umupo sa may dulo. pinaandar na ni manong ang jeep niya.

habang tumatagal ang biyahe, kinapa ko ang wallet ko sa palda ko.

"Aiiish... andito lang yun eh.. asan na ba yun..." Patay. nakalimutan ko ang wallet ko sa sobrang pagmamadali na din.

"Hoy! ano!? magbabayad ka ba o ibaba kita dito sa daan!"

"Ahh.. ma--manong pogi, ehh nakalimutan ko yung wallet ko eh. pwede bang Utang muna!?" maseduce ka na manong! kailangan ki nang pumasok. kara-karaka! now na!

"Hindi ka nakakaakit! bumaba ka nalang!"

" Pero mano---"

"Bayad po. bayaran ko narin po yung kaniya..."

Napatingin ako kung sino ang nagsabi ng linyang iyon....

-----
Itutuloy....

MR. KPOP MEETS MS. NERDY (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon