Chapter 7

76 3 0
                                    


"GRABE! IKAW NA FRIIIIIIIIEND!" Sigaw naman ni Arianna sa akin with mahing kilig-kilig effect. Feeling naiihi lang? Naglalakad kami ngayon sa may Hole way sa campus. Papasok palang kami. Well, ang totoo niyan, nagkasabay kami sa may kanto ng school kaya napagisipan kong sabay na kami pumasok.

"Tss. Ako na! Oo ako na ang pinakamalas sa lahat!" Sabay takip sa mukha ko gamit ang dalawang kamay ko. Anong swerte? Tss. Pero thankful narin.

"Ang choosy mo naman! Pero nagtha----" naputol ang pagsasalita niya ngang may sumigaw na cheer leader. I think section 2 siya.

"Oh my god. IT'S JIMREY LIM! WAAAAAAH!" Sabay takbo sa pintuan ng school. Nagkagulo naman ang lahat. Kala mo, sikat na celebrity yung sasalubongin nila eh. -,- Tch.

Lahat ng studyante, nagtatakbuhan, hiyawan, mga kinikilig. Yung ibang mga studyante hindi nakiusiyoso. Isa na kami ni Arianna doon sa mga studyanteng yon. At nakita ko siya na papasok sa Hole way sa campus. Ang angas ng dating niya. Pero wala paring pagbabago, Mukha parin siyang K-pop-panget.

Pero wag ka! Tinitignan ko siya habang naglalakad kasabay ng pagragasa sa kaniya ng mga studyante. Hindi niya pinasansin mga ito. Naalala ko tuloy yung ginawa niya kahapon....

*FLASH BACK*

Well, I guess na alala niyo yung nangyare kahapon na May paparating na malaking truck sa harap ko. Akala ko talaga mamamatay na kong panget at mukhang witch. Siyempre kapag namatay ako, gusto ko maganda din ako nun no! Kahit makapal ang ilagay na make up sa akin.

Pumikit ako ng mga sandaling iyon.

Pinakiramdaman ko kung may sugat o dugo man lang na tumatagas sa katawan ko. Naramdaman ko naman na parang may nakayakap sa akin.

Minulat ko ang mga mata ko,

Sinag ng araw lang ang na-aninagan ko. At may anino akong nakita.

Anino ng tao...

Masiyadong nablurred yung paningin ko dahil sa sinag ng araw. Pero unti-unti kong naaninagan kung sino ang taong to.

"Ang tanga mo naman! Tatawid nalang, tutunganga pa!"

Tignan mo tong taong to! Tumulong na nga, minura pa ko! At nanlait na naman! Naknang! Hobby niya ba iyon!? Hmmm... Sa bagay, siga daw siya eh. Eh ano naman ngayon? I doughnut care! Di ako natatakot sa kaniya no!

Tinulungan naman niya akong tumayo. Medyo nahihilo ako dahil sa nangyare. Kaya muntik na ako mapahiga ulit. Pero...

Sinapo niya ako.

Naalalayan niya ako sa mga braso ko gamit ang mga bisig niya. Feeling ko yakap-yakap niya ko sa likod. Nagkatinginan kami. Tumingin siya sa mata ko. Ganon din ako sa kaniya. Nakita ko ang mga bilugang mata niya. Grabe, mahihimatay na yata ako sa titig niya. Iba eh, iba ang dating feeling ko..

Teka! Anong sabi ko?! Umiliing iling ako. Hindi ito pwede! Sa pagkain, at horror movies lang ako maiinlababo! No-no-no-no-no-no-no WAY!

"HOY! MAGLALANDIAN NALANG BA KAYO DYAN!? BA! WAG NIYO KONG BWISITEN! MGA LETCHENG 'TO!"

Doon lang kami natauhan sa sinabi nung driver. Ay hindi pala sinabi. Binulyawan pala kamo. Oo nga. Nasa kalsada nga pala kami. Akala mo, hari ng daan si manong eh no? Sino naman hindi mabubwisit sa pinaggagagawa namin? Eh ang dami palang nakapila na sasakyan sa likod ng truck niyang bulok.

"Ano ba yan! Bilisan niyo nga dyan!"

"Male-late na kami oh!"

MR. KPOP MEETS MS. NERDY (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon