Chapter 17

67 4 0
                                    

------------------------------------------------------------------------------

Sabado ngayon. At katatapos ko lang maglinis ng bahay. Kanina pa akong alas-sais naglilinis ng bahay at time check? 10:40 am. Hayup sa bilis diba? At ngayon nasa garden naman ako sa may harap ng bahay, nagdidilig ng mga tropa ko. Si rose, si tulips, si madam daisy at actually marami sila, hindi ko mabilang. Ultimo pati Si  Manong Pine tree, paiinumin ko ng tubig.

Pagkatapos ng watering the plants 'portion', pinagluto ko na ng almusal ang mga bruha. As in 'ALMUSAL' mga gising kasi ng mga yan inaabot ng ala-una. Kapag weekends lang naman. Siguro brunch na nila kung tawagin? Dapat talaga may Sahod tong pagtatrabaho ko eh? (-_-")

*dingdong*
*dingdong*

"Laniiiie! Yung pintoo!" Bulyaw ni tiyang habang nasa taas.

"Opooo!" Pagkatapos ko ibulyaw yun pabalik sa kaniya, agad naman ako dumiretso sa pinto para makalabas. "Busit. Nagpakabit pa ng teleponong pangtawag para sa akin tapos bubulyawin pako. Tss. Bobo talaga" pabulong na sabi ko habag naglalakad palabas ng bahay para buksan ng gate.

Pagbukad ko ng gate, iyun nabuksan siya at bumungad ang isang impaktita at ang 'Ex ko' kuno. Feeling ko naman na nagkarelasyon kami, ehem hindi niya nga nagawa yung pagiging boyfriend niya 'kuno' sa akin. Para ngang mas may responsibility pa sa kaniya si Lorenz eh. Hehehe assu,ing. Pero toto yun. Nagsasabi lang naman ng totoo.

"Ano? Tatanga ka nalang ba jan?"

Nagising ako sa realidad. Hays imagination. Day dreaming. Epekto ng mainit na panahon. Tss.

"Sorry naman? Uso naman yun diba?" Nginitian ko naman sila. Ngiting pilit. At umirap naman siya. Feeling to! May pakawit kawit pang sa braso ng K-pop-panget nato? Tsss. Bumulong naman ako sa hangin ng 'tss.impakta talaga' at kita niyo? Bumanat ang bruha

Tinulak ba naman ako? At sinabing "tsss. Whatever. Padaanin mo kami. Laking harang na tanga."

Wow. Tinanga nya ang valedictorian since 1styr. Mapapamura ka nalang talaga. Sumunod naman ako sa kanila sa may likod nila. May distansya parin naman. Napatingin naman akong sa harap ko. Wow. Sama ng tingin ni tsong. Tinignan ko din siya.

Kaso yung tinging kahit tingnan mo, hindi mo malalaman ang iniisip. Nasa may pintuan nako, ng biglang sinarado ng dalawng butiki yung pinto. Hello? Andoon lang si Jimrey,  naging atat na sila? Ok lang dito nalang ako sa labas. Atlist walang maguutos sa akin.

"Laniiiie! Yung lunch namin!?" Yun na nga ang sinasabi ko eh.

Dumaan nalang ako sa may likod bahay namin. Ay? Nila pala. Buti nalang bukas ang screen door doon, kaya dumiretso nadin ako sa kusina para ipagprepare sila. Natapos naman ka-agad yun. Nakaprepare na din ang mga plato, baso, kutsara pati tinidor nila. Nskaprepare nadin ang tissue napkin nila.

Nakatayo naman ako sa may isang tabi nang bihla nila akong napansin.

"Oh? Bat ka nakatayo jan? Umalis ka nga dito! Nakakadiri kung kakain kami ng nakabalandra jan ang pagmumukha mo! Di ko masikmuraan eh." Banat ni Ashley. At nagsipagkumento pa ang dalawang butiki. Kala mo bahay to ng Ashley na yon? Tss. Dapat talaga Queen Ipis yung bansag sa kaniya hindi, Queen Bee.

Pota! Mas nakakauwa naman ang kakapalan ng mukha nila. Agad naman akong lumabas ng bahay. Pumunta nalang ako sa kalinderyang nadadaanan ko bago pumasok. Minsan kasi kapag naaagahan kong pumasok, naglalakad nalang ako. Napapansin ko nga na kada umaga, ang dami na nilang customer. Ganun siguro kasarap yung niluluto ng tinderya o kusinera nila.

Buti nalang at may extra pera ako sa bulsa ko kaya gumora na kaagad ako.

Oo. Alam ko. May pagkain sa bahay. Mga ganyan yung mga taong yun. Hindi nila ako papasabayin kumain kapag may ganung bisita. Talagang turing nila sakin, parang katulong, mutcha-cha, kasambahay. Pero dibale, sanay nako sa mga galawang ganun.

MR. KPOP MEETS MS. NERDY (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon