Chapter 16

58 5 0
                                    

Heto ako ngayon. Napapagitnaan ni Jimrey at Lorenz. Napatingin naman ako kay Lorenz. Nakatingin siya sa may screen ng tv habang kumakanta ng pagkasintonado si Ashley. Sumaliwa namn ang tingin ko kay Jimrey. Nagulat ako ng nakatingin din siya sa akin.

"Oh bakit.?" Paninimula ko. Pero hindi man sya tumugon sa tanung ko. Bagamat tumingin siya ng deretso sa kumakanta. At ganun nalang din ang ginawa ko.

"A--I love you like a love song baby--
and I can't hittin' repea-pea-pea-pea-peat.."

Nang matapos na ang mala-shot gun na kanta nila Ashley, kumanta naman si Lorenz ng 'I see fire' ni Ed Sheeran. Grabe talaga yung boses niya. Lakas makahatak ng audience. And speaking of audience marami nang nanunuod sa kaniya halos lahat, mga kababaihan.

At ang pinakaiintay niyo, ako na ang susunod na babanat. Emegesh. Parang magsi-singing contest lang diba. At ang kinata ko naman ay 'Mean' ni Taylor Swift. Hindi naman ko marunong bumirit eh? Kumbaga pang acoustic lang ako hehehez. Ok.

Habang nkumakanta ako, napaisip ako bigla.

Hindi ko alam kung bakit ito yung kinakanta ko ngayon, eh kasi naman bagay na bagay sakin yung title at kanta. Masyado ata kasi akong naging Mean kay Jimrey. Hays. Eh bakit ba kasi siya na naman ang iniisip ko? Nakooo! Ayoko ng gantong naguguluhan ako? Ayoko ng gantong mga pinapahiwatig. Nararamdaman ko na BIBIGAY na ang sinasakyan kong barko. Aiiish! Badtrip.

Nang natapos ako sa pag kanta. Agad kong inabot ang mic kay Jimrey. Ayoko sanang gawin yon, pero may tumutulak saking gawin yun. At hindi ko alam kung sino ang tumutulak na yon. Nakooo! Baka may multo dito? Huhu babawasan ko na po manuod ng mga horror movies, basta wag nyo po ako multuhin Mr/Ms. Mumo (TToTT ")

Nang maiabot ko na ang Mic. Nakatingin naman sakin si Jimrey. Mata sa mata. Hoooowmaygeeesh! This can't be happening. Bibigay na ata talaga ang barkong sinasakyan ko. Huhu. Ngayon naman napatingin siya sa mic.

"Tss. Kamay mo." Inirapan pa ako. At agad na napatingin sa mic. Ahh oo nga namn, yung kamay ko, nakahawak sa kamay. Siya naman nasa ibabaw ng kamay ko. Katuwa naman, awkward kumbaga.

"Sorry ah? Tss."

Agad naman akong bumitaw kahit muntik nang mahulog ang microphone. Dumiretso naman ako sa pag upo, habang nagiintro yung kakantahin ni Jimrey na 'if I cried a thousand years' taray diba?

" And even if I cried a thousand tears tonight
Would you come back to me

And even if I walked on the water
Would you come out to sea

Now I can't spend my life standing by
Cause even when I miss you

You're still not missing me..."

Ganda boses bulaig. Pero seryoso, may tinatago palang talent si K-pop-panget kahit ang alam kong talent niya lang talaga ay ang 'mangasar'

At di kalauna'y napagisipan naming umuwi na. Nang nasa may parking lot na kami ng mal, naisipan sana nila Lorenz na sumabay na ang dalawang uwak, kaso may dala ding sasakyan di K-pop-panget kaya tumangi nalamang ito at umalis na rin.

Nang naihatid na ako sa may tapat ng bahay namin,

"Ahh, Lorenz, Thankyou nga pala kanina ay? Nagenjoy ako."

"No problem, Annie. Basta ikaw. So... I have to go. Gabi na rin. Ingat ka."

Grabe na ituuu. Nakasama ko lang siya, nagkaroon na ako ng bagong nickname? At heto pa, lakas makababae ng Anie ay? Hehehez

"Sus? Ikaw dapat ang magingat. Haha Sige thankyou ulit." Nagbow ako at saka umalis na siya nun. Pagpasok ko sa bahay,

"Ang landi mo talaga eh no?" Nspatingin ako sa nagsalita. At di Tiffanie ang nagsalitang yun. Hays. Ano pa nga ba? As usual, yung dalawang butiki nakaabang sa akin. If I know, sinabi ni Ashley sa dalawang to na kasama ko si Lorenz at nakikipagflirt ako. Gross.

"Ows? May patunay ka?" Sabi ko hanggat may tapang pang natitira sa akin.

"Oo may Jimrey ka na, may Lorenz ka pa? Ano? Ha?" Sabi pang ni Tiffanie

"Oo nga? Pwedeng isa isa lang? Masaang mandamit at makasarili ah?" Dagdag na sumingit na si Fenelopie. Wow ay? As usual, nambubwisit na naman sila. Nawala lang ng nangaasar sa akin, pinalitan naman nila ng ranggo si K-pop-panget? Hay! Laking baliw nga sila! Manang mana sa nanay nilang aswang. -_-

"Buti nasikmuraan niyo pinagsasasabi nyo? Eh kayo lang naman ang mga makakasarili dito at maramot ah? At tsaka, kumilos kayo ng hindi kayo nauunahan ng iba. Hindi yung mangaaway pa kayo?" At agad naman na nagwalk out ako. Dumiretso ako sa kwarto ko, upang magpalit ng damit at makapagpahinga na rin. Napatingin ako sa oras na ala-syete na pala ng gabi.

*kriiiing!kriiing!*

Hays. Siguro si Tyang na naman to? Pinindot ko ang loud speaker button, at pinakinggang ang magsasalita.

"BUMABA KA SA SALA NGAYON DIN, MELANIE!"

Parang si Darna lang ang sumigaw. Pweee. Lagot na naan ako nito eh kung alam ko lang? Lumabas ako ng kwarto ko at agad sinarado ang pinto, nadinig ko naman ang dalawa na nagaaway na naman? Walang araw na hindi sila nagaaway tandaan niyo yan.

Nang pababa na ako sa hagdan, natanaw ko naman si Tyang na nakaupo sa may sofa. Umiinom ng tsaa na lagi niyang iniinom. Buti napagsilbihan niya sarili niya?

"Maupo ka."

Sumunod naman ako. At magkatapat kami ngayon.

"Bibisitahin ang mga anak ko bukas ng mga kaibigan niya. Kailangan malinis ang bahay na ito, naiintindihan mo?" Agad naman ako tumango.

"At wag na wag mo na naman aawayin ang mga anak ko dahil wala lang karapatang awayin sila? Naiintindihan mo?" Tumango uli ako,

"At huling hirit pa." Tinanung ko naman kung ano yun. At nagulat naman ako sa ginawa niya. Itinapon niya sa akin ang tsaa na kanina lang ay iniinom niya. Nagulat ako syempre. Buti hindi na ganun kainet ang tsaa kundi, lapnos na naman ang balat ko.

"Punasan mo ang sahig. Natapon kasi ang tsaa ko." Agad naman siyang dumiretso sa hagdan at pumanik. Ako naman , nakanganga parin. Buti nalang hindi pa sumaabog butchi ko kung hindi, nakooo lang!

Napaisip naman ako,

Sinong kaklase? Siguro si Ashley? Malay naten? At malay ko?

Itutuloy....

MR. KPOP MEETS MS. NERDY (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon