Chapter 9

102 4 0
                                    

Note: Hi Guys! Well yung putol na sinasabi ko, dinagdag ko na siya. Well, ganon ko kayo kamahal. Lol. So iyon lang. Enjoy! :)

----------------------------------------------------------------

"Ang kwarto ko..." Nang sinabi niya iyong mga salitang iyon, kinabahan ako. May pinaplanong hindi maganda itong tgurang na ito. Agad kaming nagtungo sa lokasyong papunta kung saan ang kwarto niya.

Well sa lahat ng kwarto dito, yung silid lang niya ang hindi ko napupuntahan. Ayaw niyang pinapapunta ako doon. Pati na rin ang paglilinis. Pero naalala ko nga pala, first time niya rin yung ipahatid sa akin yung almusal niya sa kwarto niya nung nakaraang araw. Tanda niyo? Hindi ko napansin ang buong kwarto niya dahil na rin sa pagmamadali at paghahanda ng sarili nun dahil bubulyawan niya ako nun.

At heto na....

Makakapasok na ako at dadamhin ko na ulit ang loob ng kwarto niya. Hindi ako excited pero, gusto ko lang malaman kung ano ang itsura nito. Nang binuksan na niya....

Bumungad sa akin ang isang gubat.

Nagkalat ang mga damit niya. May isang bundok ng damit doon, isang bundok ng damit at sapatos dito. Nagkalat ang wig niya roon. Nagkalat ang mga underwears niya rito. At naglakad ako papasok sa loob. Parang ayoko na ata maglinis. Kinilabutan ako. Baka mamaya mabuhay tong lahat tas magtatransform ng nakakatakot na halimaw. Huhu. Takot pa naman ako sa monsters.

"Dapat pagdating ko galing sa meeting, makikita ko dapat ang kwarto na mapapa'wow' ako.  Gawin mong parang.. Parang.. Isang kwarto ito ni Angelica Jolie o kaya naman ni Jennifer Lopez, o ni Megan Fox. Gawin mong parang ang may ari nito ay isang sikat na Holywood Celebrity. Gawin mong bongga!"

"Baka hindi ako yung dapat niyong pinagutusan. Nagbibiro lan----"

"HINDI AKO NAGBIBIRO! Makakasama ka lang sa party IF! Tatapusin mong linisin itong kwarto ko." Mataray niyang sinabi na Nakacross arm siya at nakataas ang isa niyang kilay. Tss. Kahit siyota niya, hindi magagawang linisin ang kwarto niya.

"Ehh, baka bukas na ako makatapos non! Baka nga tapos na yung birthday ni kero-keropii, di pa ako matapos dito?!"

"And Don't you dare na tamarin ka! Talagang hindi ka makakasama sa party. Ok! Maglinis ka na! Wag kang magreklamo." Paalis na sana siya kaso bigla siyang nadulas ng dahil sa isang pizza na nasa sahig. Tingin ko, past three or four days na ito dito. Bulok na kasi siya. Buti nalang hindi siya nilalanggam dito?

"At, itapos mo ang mga nakakalat na nabubulok dyan ah? Nakakadiri kasi. Parang ikaw." At sinara na niya ang pinto ng napakalakas. Muntik na ngang madurog sa loob ng tenga ko ang ear drum ko eh.

Nagstart na ako kahit di ko alam kung saan ako magsisimula. Bago ako magstart. Kinuha ko muna yung MELANIE'S CLEANING SHOWCASE!! *Teneeeeen!* andito na ang lahat ng kailangan ko, andito ang detergent. Fabcon. Tubig. Mop. Basahan. Isang malaking trash can. Yung mga ginagamit ng mga janitor sa mall o sa hotel. Nagsuot ako ng aipron na plastic na ganun din ang sinusuot ng mga janitor na tinutukoy ko.

Pagkapasok ko sa kwarto niya, agad ako naglinis. Tapon dumi, tapon kalat. Hiwalay yung de-color sa puti. Hiwalay yung bra sa panty. Walis dito, walis doon. Itatabi yung wig, tas itatabi yung sapatos at kung ano pa. Napaupo nalang ako bigla sa kama niya at nagpahinga. Halos ilang minuto na ko kumikilis at gumagawa ng paraan para malinis ang pesteng kwarto niya.

MR. KPOP MEETS MS. NERDY (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon