Chapter 1

424 9 2
                                    

LUCILLE

Hays, sawang sawa na ako sa ganitong mga araw.
"Lucille, mag-aral ka nalang kasi dito America! Mas marami ka pang matututunan dun." sabi ni mama saakin. I ended the call.

Ako nga pala si Lucille Perez, 17 lang ako. Mag-isa ako dito sa Pilipinas, wala na kasi yung papa ko eh. Pumunta si mama sa America dahil sa isang business trip sa America, instead of 'temporary' naging 'PERMANENT'. Ewan ko nalang kay mama, bahala na siya sa buhay niya. Meron kasi akong mga best friend na hindi ko talaga kayang iwanan, at masaya na ako dito sa Pilipinas. Speaking of 17 na ako, pumapasok ako dito sa Harvard University. Mahirap pumasok dito, kaya pinagbubuti ko yung pag-aaral ko. High school lang ako, pero kaya ko na ang sarili ko.

Nandito ako sa harapan ng gates ng Harvard, next year College na ako. Dito din, high class kasi yung pag-aaral dito. Sa ngayon din, hinihintay ko yung best friend ko.
"Out of the way," napatingin ako sa likod ko, tumabi naman kagad ako. Agad namang pumasok yung lalaki sa school, sino kaya yun?
"Lucille!" pagtawag saakin ng pamilyar na boses, siya si Jonabell Brazil. Ang isa sa mga hindi ko talaga kayang iwanan dito sa Pilipinas, EVER. Marami akong katropa. Makikilala niyo din sila. Kasi nga absent, kaya soon.
"Took you long enough," sabi ko sakanya, "Naks naman! May pa-english english ka pa." sabi niya saakin. Pumasok na kami ng school, "Nakita ko yun ah." sabi niya habang sinisiko ako. "Alin?" tanong ko, "Type mo na pala ang bad boy." sabi niya, hindi ko alam kung ano yung pinagsasasabi niya. "Sinong bad boy?" tanong ko ulit, "WHAT?! HINDI MO SIYA KILALA??!" sigaw niya dahil hindi siya makapaniwala. "Sino ba siya?" tanong ko. Nagbuntong hininga siya, "Siya si Ranz Ongsee, ang pinakabad boy sa buong Harvard." sabi niya. "Wew." yun lang ang nasabi ko, "Makikilala mo din siya soon kasi nga kaklase natin siya, For a bad boy.. Matalino din siya." sabi ni Jona (Btw, nickname ni Jonabell.. Jona) sabay ng pagbukas ng pinto ng bago naming classroom. Depende kasi sa performance level mo ang section mo, quarterly ito. Bigla bigla ang exams para sa mga sections, kaya maganda din ang advanced studying.
"Ayun siya oh." pagturo saakin ni Jonabell dun sa lalaki, familiar na siya saakin. Yung sa front gates na nagsabi ng 'Out of the way', binaba ko kagad yung kamay ni Jonabell kasi tinuro niya talaga si Ranz.

Buti nalang hindi nakita ni Ranz, pero yung lumilipad na paper airplane nalang ang nag-agaw pansin samin. Sa ikinamalas naman nung nagpalipad, tumama kay Ranz. Agad naman niya itong kinuha, and then he crumpled it. Tinuro ako nung lalaking nagpalipad, napa-"huh" nalang ako. Natakot ako nung tinignan ko ni Ranz sa mata, nanginginig ako. Aura ito ng tunay na bad boy...
I really thought that I was doomed, pero linagpasan ako ni Ranz at linapitan yung lalaki. "Never mess with me, plus I really hate liars." sabi ni Ranz at tinignan ng masama yung lalaki, I felt relieved ako na safe ako. Hiningal talaga ako dun, kinuha ko yung inhaler na ang tagal ko nang hindi ginagamit. 3 years na since huli ko itong ginamit, saktong nandun si Jonabell para tulungan akong huminga. Sa ganitong gangster, dadalhin ko ito araw-araw.

Naalala kong nandun parin si Ranz, nakatingin siya saakin pero hindi na nakakatakot yung mukha niya. Nung tinignan niya yung lalaki, nakakatakot ulit. "Apologize." sabi ni Ranz dun sa lalaki, agad namang pumunta sa harap ko yung lalaki. Nakaluhod, "Sorry po talaga." sabi nung lalaki, "Okay lang, wag mo nalang ulitin ulit." sabi ko dun sa lalaki. Agad namang tumayo yung lalaki at bumalik sa upuan niya, nanginginig siya. Umupo na din si Ranz sa upuan niya, ngayon nalang din ako na-curious sa isang tao.
May nagring na bell. Announcement.

Dear students,
Classes will be suspended today due to an International Teachers' Convention, thank you.

Agad namang tumayo yung lalaki at kinuha yung gamit niya, sunod tumakbo na siya palabas. Pero napatigil na din siya dun kasi nga maraming lumalabas, puno yung buong area. Pumasok nalang ulit siya sa classroom, pumasok na din ako kasi nga sumilip lang ako dun sa baba. "Puno yung buong ground floor," sabi ko sabay buntong hininga, umupo ulit ako sa upuan ko. Awkward, yung iba naki-siksik dun sa baba. So kami kami nalang nila Ranz, "Lucille, CR lang ako ah." sabi ni Jonabell at patakbong pumuta sa CR. Lumabas na din yung lalaki dahil kumonti na yung tao sa baba, though siksikan parin. Kaming dalawa nalang ni Ranz yung nandito, "Salamat kanina, hindi ko alam kung anong ibibigay ko sayo para patas tayo." sabi ko sabay ng pagtunog ng tiyan niya. Linabas ko yung lunch ko para mamaya, ako ang nagluto. "Bago lang yung utensils ko, kaya pwede mong gamitin." sabi ko, tinignan niya lang ito. "Dali na, taste mo muna. Baka magustuhan mo." pagpilit ko sakanya, Tinola lang naman yung ulam ko. Natuwa nalang ako na kinuha niya yung kutsara't tinidor ko, nung sumubo na siya. Pagkatapos, sunod sunod na yung pagkakalunok niya. Naubos. Linabas ko yung bottled water ko, binigay ko sakanya. Uminom naman siya, naubos din. Natuwa ako kasi nga naubos niya, "Masarap ba?" tanong ko. "It's fine." sabi niya, biglang tumunog yung cellphone ko. Nagtext si Jonabell.

FROM : BABAENG TAGA-MENTAL
Sorry, late na ako sa ballet lessons ko. Una nako.

Naintindihan ko naman siya, Pro kasi si Jonabell eh.

SENT TO : BABAENG TAGA-MENTAL
O sige, sabay nalang kami ni Ranz.

Speaking of that, mas lalong dumami yung tao. Yung College pa pala, nagbuntong hininga nalang ulit ako.
"May pupuntahan ka pa ba?" tanong ko sakanya, "Sa library." sabi niya. "Tara." sabi ko, sabay na kaming pumunta sa library. Nung nakarating na kami dun, nagtext ulit bigla si Jonabell.

FROM : BABAENG TAGA-MENTAL
Musta na kayo ni bad boy? Picturan mo nga siya.

Hala. Impossible yan.

SENT TO : BABAENG TAGA-MENTAL
NO WAY.

Ang bilis magreply ni Jona ah. Tinignan ko na yung reply niya.

FROM : BABAENG TAGA-MENTAL
Sige na pleaseeee??

Hindi ko na siya rineplayan pero tuloy tuloy yung texts niya.

FROM : BABAENG TAGA-MENTAL
PLEASEEEEEE.
FROM : BABAENG TAGA-MENTAL
PRETTY PLEASE??
FROM : BABAENG TAGA-MENTAL
SIGE NAAAAA.

Ayaw na talaga niyang tumahimik. Pinicturan ko si Ranz habang nakatingin siya sa mga books, Naka-short sleeved white polo siya, Jacket na blue na may polka dots may stripes naman yung hoodie, black pants at combat boots. Nakatingin siya sa left shelf.

SENT TO : BABAENG TAGA-MENTAL
ETO NA.
(You sent a picture.)
FROM : BABAENG TAGA-MENTAL
Pinakita ko sa mga classmates ko, naging admirers. Nung sinabi kong bad boy, lalong kinilig! Lagot tayo bes. Pupunta sila sa school bukas.
SENT TO : BABAENG TAGA-MENTAL
Lagot kang babae ka!

Lagoooottt!! Titignan ako ng masama ni Ranz bukas.
Linapitan ko siya, "Ranz, sorry! Pinilit kasi ako ni Jonabell na picturan ka. Pinakita niya sa mga classmates niya sa ballet class, pupunta sila dito bukas." tinapat ko sakanya. "You did what?!" sigaw niya saakin pero hindi masyadong malakas. "Sorry na." sabi ko, nagbuntong hininga nalang siya. "It can't be helped." sabi niya, nagtext ulit si Jonabell.

FROM : BABAENG TAGA-MENTAL
BES!! LAGOT. NASA TAPAT NA KAMI NG SCHOOL. MAAGANG NATAPOS YUNG PRACTICE EH.

"Shit." napamura nalang ako sa nabasa ko, agad kong linapitan si Ranz. "Nasa labas na daw sila, maagang natapos yung practice nila Jonabell." sabi ko sakanya. "Di bale na, nag-sorry ka naman eh." sabi niya, nag-sign na siya ng borrow card at binigay niya sa librarian. Nag-sign yung librarian at linagyan ng due date.
Paglabas namin ng library, hinila ko siya para magplano kami. "Magplano tayo." sabi ko, hinila niya nalang ako pababa. Maraming tumabing estudyante kasi nga dumadaan si Ranz, paglabas namin ng gate.. Nakita namin yung mga classmates ni Jonabell sa ballet, kasi nga nandun si Jonabell.

Agad namang linapitan nung mga babae si Ranz, "Kuyaa! Date tayo please!!" sigaw nung babae #1, "Kuya, ang hot niyo po!" sigaw naman nung babae #2.
"I don't date cheap women," sabi ni Ranz at nag-walk out habang hinihila ako, sinenyasan nalang ako ni Jonabell na siya na ang bahala sa mga babaeng yun.

Nakakahiya din kasi nga sinamahan niya akong hanapin yung sundo ko, nung pasakay na ako ng kotse. "Ranz, thank you at sorry din." sabi ko, "Whatever." sabi niya at naglakad sa ibang direksyon.

Pagdating ko sa bahay, agad akong naligo at nagbihis ng pang-bahay. Yung mga nangyari ngayon.. This is not a normal day, natutunan kong masaya din palang makasama ang isang bad boy. Yep, isang katulad ni Ranz.

Officially Dating the Bad boy (A Ranz Kyle fanfiction)Where stories live. Discover now