Chapter 3

302 9 1
                                    

RANZ


"Owy, ready na ba yung gamit?" tanong ko kay Owy, siya ang bahala sa kagamitan namin pagdating sa laban. Alam niyo kasi, hindi lahat ng good boys.. good boy. Ganun sila Oliver, but I was born a bad boy. And I will always be a bad boy, walang makakapigil saaking ipakita kung sino talaga ako. Ako ang kilalang 'Dark Thunder', isa ako sa pinakamagaling na street fighter sa buong mundo. I keep my identity as a secret, mas kilala talaga ako as 'Dark Thunder' kaya kahit sino pang kaclose naming anim.. hindi nila alam na gang members kami. Ako nga si Ranz Kyle E. Ongsee na kilala sa mundo ng mga bad boy bilang 'Dark Thunder'. Kilala din ako bilang ang leader ng isa sa mga high ranked gangs sa buong mundo at yung gang na yun ay Skyrim. Kami kami lang nila Oliver, we managed to get our rank high enough.


Nandito kami ngayon sa isang meeting sa ISG (International Society of Gangsters Phil.), ako yung pinakahead dito sa Pilipinas. Naka-mask kami para hindi nila malaman yung identity namin. "So meron tayong laban na tayong lahat magkakakampi, bawal ang weapons." sabi ko habang binabasa yung papel na nanggaling mula sa America, "Yung gusto ko, lahat tayo magtutulungan. Kahit malalakas tayo, wala parin yung grupo natin dito sa Pilipinas sa top ranks. May ibibigay akong papel sa leader ng bawat gang, it contains kung sino ang sasali. Since malalaki din yung gangs nung iba diyan, kailangang limited yung sasali. The more the merrier sana, pero wala tayong magagawa." sabi ko habang hawak hawak ang isang mic, binigay ko yung mga papel sa isa sa staff dito. "So nasa papel na ang lahat ng questions niyo, detailed yan." sabi ko sakanila, binigay ko na yung mic dun sa staff na yun. "Let's go, boys." pagtawag ko kela Owy, si Oliver kilala dito bilang Dos, si Ullyses naman si Tres, si Clarence naman si Quatro, si Owy naman si Cinco, si Biboy naman yung Sixth man namin, pinangalan namin siyang 'Phantom sixth man' kasi nga para siyang si Kuroko. Kulang ng lack of prescence.


Sumakay na kami sa van, ako ang nag-ddrive. "Ayos ka dun, Ranz." sabi ni Oliver, "Kaya nga," sabi naman ni Owy. "Responsable kasi." sabi ni Biboy, "Kaya gayahin mo si Ranz." sabi naman ni Clarence. "Kung ikaw din kaya." sabi naman ni Ullyses. "So ano na yung plano natin?" tanong ni Clarence, "Hindi na tayo papasok sa school, training tayo." sabi ko. "Saan?" tanong ni Owy, "Edi sa HQ (headquarters)." sabi ko. "Yess!!" napa-yes silang lahat, minsan lang kasi naming ginagamit yun. "Basta ah, wala na yang bawian, Ranz." sabi ni Oliver, "Oo, syempre naman." sabi ko.


Pagdating namin dun, condo siya na malaki. 3 floors, sa 3rd floor yung pinaka-prohibited room bukod saamin nila Ullyses. Kapag bawal, bawal talaga. Kung malaman nung iba yung sikreto namin, lagot kami for sure. Lalo na't kung nalaman nung ibang tao na gang members din pala sa ako si Dark Thunder, lagot ako. Kaya kailangang sikreto lang itong condong ito, hindi ko dapat ipagsabi sa iba.


Nung nakapasok na kami sa condo naming 3 floors, nag-wrap ako ng bandage sa kamay ko para dun sa punching bag. The punching bag is just my thing, nagbihis na din ako ng sleeveless dark blue kong top, naka-banda akong red, as usual yung black pants at white converse. Pumunta na ako sa 3rd floor at nagsimula nang suntukin yung punching bag, yung goal ko lang naman kung gaano karaming suntok kada dalawa o tatlong segundo.


Matapos ang ilang oras, nakita namin na nag-aalala si Biboy. "Bakit bibs?" tanong ko, "Wala nang pagkain dito," sabi niya. "Sus, yun lang naman pala eh. Edi grocery." sabi ko, "Pero sasama ka." sabi ni Biboy. "Sasama na yan!!" sabi ni Clarence, "Sige na." sabi ko. Kinuha ko na yung car keys ko, nagsi-sakayan kami sa van.


Nang makarating na kami sa Puregold, kumuha na si Biboy ng cart at kumuha ng mga kailangan sa condo. 'Sleep over' daw ulit sabi ni Owy kanina, nababakla na yan. Nandun kami sa juice section ng biglang tinawag ako ni Owy kaya napatingin ako sakanya, sabay na rin yung pagpicture saakin ni Biboy. Nung ipinakita saakin ni Biboy yung picture, hawak hawak ko yung phone ko habang nakatingin ng seryoso kay Owy.


"Ranz?" dun narinig namin ang isang pamilyar na boses, sila Lucille. "What?" tanong ko, "Hoy bakit di ka pumasok?" tanong ni Lucille saakin, "Basta." sabi ko. "Anong basta?" tanong niya, "Pasensya nalang Ranz, siya kasi yung kinulit ng mga teachers dahil absent kayong anim." sabi ni Clarissa. "Anong sinabi mo?" tanong ko kay Lucille, "Wala! di ko alam ang number mo kaya wala." sabi ni Lucille. Nakatingin si Oliver kay Clarissa, si Owy at si Jonabell nag-aaway nanaman. "Dalhin kita sa mental eh!" sigaw ni Owy kay Jonabell, "Ano ba yan! Kakagaling ko lang dun eh. Hindi na daw ako gagaling." sabi ni Jonabell. "Edi sa kulungan para kakaiba!" sigaw ni Owy, "Wala naman akong masamang ginawa ah?!" sigaw naman din ni Jonabell kay Owy, "Akala mo wala pero MERON MERON MERON!!!" sigaw ni Owy. "Kung ikaw kaya ang ikulong ko?! Mas bagay ka dun. Che!" sigaw ni Jonabell kay Owy at sinamahan si Lucille sa pagiging bad trip, ito namang si Oliver nagpaka-gentleman at binitbit na yung basket na dala-dala ni Clarissa. Sweet naman. Wew.


"Tara na nga! Bad trip naman kayo." sabi ni Lucille, I grabbed her arm. "Kanino ka bad trip?" tanong ko, "Sainyo!" sigaw niya at umalis na. Kinuha na din ni Clarissa yung basket nila ng grocery, sinundan ko lang naman si Lucille. Inirapan niya lang ako, "Hoy babae sumosobra ka na ah!" sigaw ko sakanya. "Ikaw din!" sigaw niya din saakin, sayang nga lang nabayaran na nila yung groceries nila at nakalabas na. Ang gulo gulo din ng buhok niya at may mantsa sa skirt. "Saklap bro." sabi ni Owy at linapitan ako, "Bakit naman masaklap?" tanong ko. "Nag-away kayo." sabi niya, "Ano naman meron dun sa babaeng yun?" sabi ko. Kung bad trip ako, bad trip din naman siya para saakin. Kung naiintindihan din sana nila yung sitwasyon, pero dapat hindi nila malaman na gangsters kami. I swear, if they get kidnapped. It's a huge pain in the ass.


Nung nabayaran na lahat, bumalik na kami sa condo. Sari-sarili kaming kwarto unless kung gusto mong may kasama, lahat kasi king-sized bed. Gusto namin nung una, kami lang mag-isa. Ngayon si Owy, tumatabi saamin parang anak na ewan. Hays, tangina. Di ko parin matanggal sa isip ko yung nangyari kanina, biglang nag-ring yung phone ko. Unknown number, nung narinig ko yung boses.. napansin kong si Jonabell. "Curious ka kung bakit galit na galit si Lucille sayo noh? ganito kasi yun, pinagtulungan siya nung si Lily Collins at yung mga kaibigan niya." sabi ni Jonabell, "Ha?!" pag-rereact ko, bwiset. Umeepal nanaman yang si Lily! "Ngayon na naiintindihan mo na, goodnight na! P.S, pasabi kay Owy na putangina niya." sabi ni Jonabell at binaba na yung tawag. Kumatok naman ako sa kwarto ni Owy, "May pinapasabi si Jonabell," sabi ko nung nabuksan na niya yung pinto. "Ano yun?" tanong niya at napakamot sa batok, "Putangina mo daw." sabi ko. "Anong number niya?" tanong niya, binigay ko naman yung number ni Jonabell.


Bahala na si Batman bukas, bumalik na ako sa kwarto ko. Ang daming nangyari ngayon, kahit absent. Basta! bahala na si Batman. Ang daming mangyayari ulit bukas! Ang dami na talagang nangyari pagkatapos kong makilala yang Lucille Perez na yan, nakakasakit sa ulo.

Officially Dating the Bad boy (A Ranz Kyle fanfiction)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant