Chapter 9

162 4 1
                                    

LUCILLE
Ang aga kong nagising, kasi nag-rring yung cellphone ko.
"Hello?" sabi ko,
"Good morning." biglang tumibok yung puso ko nung narinig ko yung isang napakapamilyar na boses.
"Napatawag ka?" sabi ko.
"Hala siya! Nakalimutan mo na ba na akin ka na?" sabi niya.
Napapikit ko yung mata ko sa sobrang kilig,
"Hoy Ranz Kyle Viniel Ongsee kapag ako natunaw." sabi ko.
"May kiss ako?" sabi niya,
"Nope! Haha joke lang, oo na may kiss ka na." sabi ko.
"Labas ka." sabi niya tapos binaba niya yung tawag.
Agad akong lumabas, binuksan ko yung gate namin. Nakita ko siya dun na may dala-dalang bouquet of roses, "Aww. Sweet." sulpot ni yaya. "Ehem." sabi niya bigla, "Ano?" sabi ko. "Yung kiss ko?" sabi niya, "Chix ka ba?" sabi ko. "Hindi. Pero chix itong babaeng nasa harapan ko." sabi niya, "Gago, hindi." sabi ko tapos hinampas ko siya. "Kiss hindi hampas!" sabi niya, "Sa cheeks lang ah!" sabi ko. Naka-side view yung mukha niya, papalapit na ako ng papalapit ng mabagal. Hinila niya ako bigla sa hips ko tapos hinalikan ako sa labi. Namumula na ako. "Ang pula na nung mga pisngi mo..." sabi niya sabay lip bite, "Yaya pahiram muna itong alaga mo ah!" sabi ni Ranz kay yaya. "Hindi pa yan naliligo." sabi ni yaya, "Mabango naman siya eh." sabi ni Ranz tapos binuhat ako papasok sa sasakyan niya at binaba sa passenger's seat. Nag-sseatbelt ako, medyo nahihirapan ako kasi nga na-stuck sa sulok. "Niana talaga.." bulong ni Ranz sa sarili niya, "Ako na." lumapit si Ranz. Shit naaamoy ko siya. Ang bango. "Sorry ah, iniwan ni Niana diyan eh." sabi ni Ranz, "Okay lang." sabi ko.

Nung nakabit na niya yung seatbelt ko, sinara niya yung pinto ko at tumakbo siya papunta sa driver's seat. Stinart na niya yung sasakyan, at papunta kami.. somewhere. "Tulog ka muna, mahaba haba yung biyahe." sabi niya sabay hinalikan ako sa noo ko.
Tumango nalang ako, tapos pumikit. Hindi ko nalang ipinapahalata na natutunaw ako sa mga ginagawa niya.

RANZ

12:00 noon sharp, nasa family resort na kami. May-ari ay si lolo, at saakin niya pinamana ang private resort na ito.
"Lucille andito na tayo." sabi ko, mukhang antok.
Pinagbuksan ko siya ng pinto, binuhat ko siya papunta sa isang kama sa loob ng bahay tapos hiniga siya sa isang kama. Natutulog siya ng mahimbing.
Pinabuhat ko yung mga maleta namin sa isang staff dito sa resort, closed ang private resort namin dito sa Laguna dahil special ang araw na ito.
"RRRaaannnnzzzzzz," nakita ko ang inaantok na si Lucille, agad ko siyang linapitan at hinalikan sa noo. "Nagising ka na rin sa wakas, Sleeping Beauty." sabi ko sakanya, "Maliligo muna ako." sabi niya. "O sige." sabi ko.

Ako naman yung nahiga sa kama, antok rin ako. Tinignan ko yung pintuan ng banyo, namula ako sa naisip ko.
Lumabas si Lucille na naka-tuwalya lang, at pumasok sa walk in closet, nagbihis na siya. Buti naman, di ko na alam kung anong gagawin ko kapag nanatili siyang naka-tuwalya.

"Ranzz," nakangiti siyang tumabi saakin. Nanatili akong tahimik, may gagawin ako. Shh lang kayo. Pumatong siya saakin, here goes the ultimate trap..

Kiniliti ko siya, "HAHAHAHAAHA" pagtatawa niya. "T-Teka! Ranz.. HAHAHAAHAHA", natatawa ako sakanya. Patuloy ko siyang kiniliti ng biglang na-expose saakin yung leeg niya na sobrang bango, humiga nalang ako ulit sa kama.

"Grabe, Ranz anong gagawin natin dito?" tanong ni Lucille, "Itigil niyo ito." kinilabutan ako sa boses na yun. Ang nanay ni Lucille.

"Lucille, ang bata bata mo!" sigaw kay Lucille ng nanay niya, hinila ko lang siya sa yakap. Hindi ko siya papakawalan, "At masama ang lalaking yan!" napamewang si tita. "Hindi lahat ng bad boy, masama!" sigaw ni Lucille sa nanay niya, "Aba! Ang lakas ng loob mong taasan ang boses mo." sigaw ni tita kay Lucille. "Guards! I want her out of here!!" sigaw ko, "Kung hindi mo siya alagaan, ako ang bubuhay sa kanya!" sabi ko. "Bata ka pa!" sigaw saakin ng nanay ni Lucille. "O talaga po? Hindi mo alam kung anong pwedeng gawin ng isang bata." sinamaan ko siya ng tingin, she was too cruel to Lucille. Hindi ko kayang tignan si Lucille na nanginginig, takot na takot siya. I want... To see her... Smile.

Pinalabas siya ng mga guards, napaluhod si Lucille sa harap ko. Tinakpan niya yung niya, "Babe.. Alam mo naman na ayokong makita ka ng ganyan." sabi ko. "Sorry...." sabi niya, yinakap ko siya. "If you ever feel unloved, just remember me... If someday, we'll be apart... Remember my love," sabi ko, nababaliw na ata ako. "Na itong bad boy na nasa harapan mo.." tinuro ko ang sarili ko. "Ay nagmahal sa isang katulad mo." sabi ko, naluha siya. "Ranz, nagsimula palang tayo as a couple.. Wag kang magsalita ng ganyan." sabi niya, "Basta.. Kapag nasa panganib ka, ako ang palaging magtatanggol sa'yo." sabi ko. Yinakap niya ako ng napakahigpit, "Ranz... ang sarap mong mahalin. Kapag nandyan ka, I feel so relaxed and safe." sabi niya. "Basta, ako ang superman ng buhay mo." sabi ko sabay kindat, "Ang landi mo." tumawa siya. I leaned my forehead to hers, "What's life without you?" pinikit ko yung dalawang mata ko. "Akalain mo, minahal mo ang isang bad boy na katulad ko." pagtuloy ko sa sinasabi ko.

Lumipas ang oras, gabi na. Ayaw naming bumalik sa normal na pamumuhay, "Lucille, ayokong bumalik muna.." sabi ko, "Bakit?" tanong niya. "Kasi pag-uwi natin, normal na buhay ulit." sabi ko, natulala siya at nakita ko yung pamumula ng mukha niya. "Gusto kong nandito lang tayo, kung saan may sarili tayong mundo." sabi ko. Pinulupot niya yung kamay niya sa batok ko, at lumapit yung labi niya sa tainga ko. "Parang ako hindi ah.." bulong niya.

We were so close to each other, hinalikan ko siya sa ilong. "Dammit Lucille, I love you." sabi ko, kinindatan niya ako. Bigla ko nalang siyang hinalikan sa labi, "Natunaw ako eh." sabi ko. "Breezy ka!!" paghahampas saakin ni Lucille, "Oo na." sabi niya at ngayon siya naman yung humalik saakin. Nang napansin naming 2 AM na, "Goodnight, fuzzy." sabi niya, "Bakit fuzzy?" tanong ko. "Kasi fuzzy yung hair mo.." sabi niya, parang may gusto pa siyang sabihin. "At.. fuzzy kasi ang cute mo." sabi niya. Agad siyang nahiga pagkatapos niyang sabihin yun, "Ikaw naman yung teddy bear ko." sabi ko, "Bakit teddy bear?" tanong niya. "Masarap itong mahalin at yakapin." simple kong sagot. Nanahimik nalang siya, "Goodnight, I love you too." imik ko. Humarap siya saakin, maya maya.. She fell asleep in my arms. Napapikit nalang rin ako.

When i'm with her, it's like all my problems disappear in a blink of an eye.

Officially Dating the Bad boy (A Ranz Kyle fanfiction)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora