Chapter 1 - the promise

6 0 0
                                    


"I hope promises are not meant to be broken. What if it was intended as a joke? "

"But they say, jokes are half-meant truths."  

***

It was a night that Rosie thought she had already forgotten. It was their Batch 2005 high school graduation celebration party. 

At dahil party, may alcoholic drinks. Although this is not the first time Rosie tried drinking alcohol, it was her first time trying mixed alcohol and partying at her heart's content. 

Hindi naman siya party girl type pero hindi rin naman siya yung tipo na pinagbabawalan na lumabas ng kanyang parents kasama ang barkada. Besides kilala ng kanyang magulang ang lahat ng barkada niya. Madalas pa nga sa bahay nila tumatambay ang mga classmates niya kapag maagang na-didismiss yung klase. Her parents trust her and her friends. Alam din ni Rosie ang limitations niya. Pero ngayong gabi, nararamdaman na ni Rosie na unti-unting umiikot ang paligid niya. Siguro dahil sa na rin sa kasasayaw sa dumadagundong na tunog at papalit-palit na ilaw sa paligid. 

But it is the  night that everyone is waiting for. It will probably the last time na kumpleto ang barkada. After high school, iba-iba na sila ng school. Marami ang magboboard sa Manila para mag-aral. Meron sa Laguna, sa Cavite, at iba pang lugar sa Batangas. Meron pa nga na magma-migrate sa Canada para mag-aral. 

Hindi naman sobrang yaman ng pamilya ni Rosie. Sapat lamang upang mapag-aral din siya sa pinapasukang private school. Pero dahil nakapasa naman siya sa isang university sa  kanilang lugar, nagdesisyon si  Rosie na huwag ng umalis para mag-college.

"Grabe..mamimiss ko talaga kayo!" sigaw ni Rosie sabay yakap sa kanyang dalawang katabi, sina Marie at Ces, kapwa nya bestfriends. 

"Naiiyak na tuloy ako.." dagdag na paglalambing ni Rosie na hindi pa din inaalis ang pagkakayakap sa kanyang bestfriends.

"Teka..pasali naman sa group hug. Hindi nyo ba ako ma-mimiss?" pagbibiro ni Jay. 

Si Jay ang pinakamakulit sa barkada. Kahit pa nagtransfer ito sa school nila noong third year na sila ay mabilis itong naging bahagi ng kanilang barkada. Siguro dahil taga-Manila ito, hindi ito mahiyain. Minsan pa nga medyo may pagkakapal na ng mukha lalo na noong una. Kahit hindi niyayakag, nagpiprisinta na sumama sa mga lakad ng barkada. At dahil may mga lalaki din naman sa kanilang grupo, hindi ito nahirapan na makapalagayang loob ang mga ito.

Sobrang straightforward ni Jay. Madalas walang filter ang mga sinasabi. At dahil magkasing-ugali sila ni Rosie, naging boy bestfriend niya ito. 

Nag simula ang closeness nila dahil  isang street lang ang pagitan ng bahay nila at ng bahay na inuupahan ng kapatid ni Jay. Doon pansamantalang nakatira si Jay habang nag-aaral ito ng high school sa kanilang lugar. Dahil nasa abroad ang asawa ng kapatid ni Jay, kinuha siya ng kanyang kapatid upang may kasama sa bahay ang dalawa niyang pamangkin na pawang nasa elementarya. Lagi kasing pang gabi ang pasok ng ate ni Jay sa isang Industrial Park kaya walang makakasama ang mga anak nito sa gabi. 

Simula ng naging kaklase niya si Jay at nag-feeling close ito sa kanya, lagi silang sabay na pumasok at umuwi galing sa school. Minsan pa nga natanong siya ng kanyang ate kung girlfriend na siya nito. Pero dahil sa alam naman ng ate niya at ng parents niya lahat ng naging manliligaw niya, noong sinabi niyang bestfriend niya si Jay ay hindi na sila nagtanong pa. Hindi din naman nagpapakita ng motibo si Jay na may gusto ito sa kanya. 

May pagkakataon pa nga na tinanong ng tatay niya kung bakla daw ba si Jay dahil sa medyo madaldal ito at mas madalas na nakikitang kasama niya at ng iba pa nilang barkadang babae.

Before 30 (I'll be yours...)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon