Mukhang napatagal ang tulog ko. Binuksan ko ng bahagya ang kurtina ng bintana at narealized ko na magsusunset na pala. Nasaan na kaya si Marie?
Lumabas siya ng kwarto at naglakad-lakad. Napakaganda ng paglubog ng araw sa bahaging iyon ng resort. Nakakarelax pagmasdan ang kahel na ulap at ang unti-unting paglubog ng araw.
Maglalakad na sana siya pabalik ng resort dahil hindi niya namalayang malayo layo na rin ang kanyang narating sa paglalakad ngunit napansin niya ang lalaking kabulto ng katawan ni Jay.
Nilapitan niya ito ngunit hindi pa rin siya napapansin ng lalaki na tulalang nakatingin sa palubog na araw.
"Nasaan ang GF mo at mag isa kang nagmumukmok day?" tanong niya sabay upo sa tabi nito.
Napatingin sa kanya si Jay. Tingin na hindi niya mabasa ang ibig sabihin. Malungkot ba ito? Mukhang hindi naman. Pero seryoso itong nakatingin sa kanya.
"Hoy..ano?" sabay bunggo sa balikat ng lalaki.
"Wala na si Loraine. She left me. Well, technically. We both knew, it is already over. We did tried to fix our relationship..but how? Wala naman kaming problema. Kaya anong aayusin."
Nanatiling nakatingin siyang kay Jay. Nagtatanong ang mga mata. She wants to say something but nothing comes out of her mouth.
"I know she doesn't love me anymore. She does things that would make me mad at her. I don't know when she fell out of love. I did love her and I don't know when I fell out of love. Dati ok lang sa akin na magkasama kami kahit wala na kaming nararamdaman sa isa't isa. Kasi okay naman kami. Hindi kami nag aaway. We are comfortable with each other like family. Kaya siguro okay lang sa akin na parang hindi naman kami magkarelasyon lalo na kapag kami na lang ang magkasama." tuloy tuloy na kuwento ni Jay.
"Nasaan si Loraine ngayon?" tanong niya.
"She went back to Manila after saying she is tired of pretending we are okay." sagot nito.
"Galit ba siya? I mean nag away ba kayo?" tanong niya.
"No..nakakatawa na hindi. She calmy said that ..she understands now. Nung una hindi ko maintindihan pero.." tumingin si Jay sa kanya bago bumalik ang tingin sa papalubog na araw.
"Pero?" tanong niya.
"I don't want to say this to you kasi ayaw kong malito ka or mapressure ka."
"Oh, c'mon.. ano yun? Anong kinalaman ko sa inyo? Don't tell me na ako ang dahilan ng break up nyo. Kasi shit..."
"No..sinabi ko na sa iyo..We knew we are through even before she ended things with me now. Gusto lang niyang mauna ako makipaghiwalay. She said it..ayaw niyang siya ang lalabas na masama if ever na magtanong ang lahat. But she said, she wants to be truly happy and she wants me to be truly happy too. Ngayon lang niya sinabi na may promotion siya but she has to move to their Seattle office and having commitment with me is something na hindi niya kaya. She knew that I'm a baggage..."
"Oh, C'mon..Loraine would never say that.." putol niya sa iba pang sasabihin ni Jay.
"Yeah. that's just my thoughts. Kasi alam kong yun ang totoo. I'm not mad at her. And I'm mad at myself for feeling...relieved..Masama ba ako kung yun ang nararamdaman ko.?" tanong sa kanya ng binata.
"No? But wait..anong kinalaman ko? Why did you say ayaw nong malito ako or mapressure?"
Tumitig sa kanya si Jay. Hinawakan ang kamay niya na tila sigurado ito na aalis siya kung ano man ang sasabihin nito.
"She said, I no longer look at her the way I look at you. We were almost eight years, but she said she no longer remember when was the last time I look at her the same way I look at you." sagot nito. "She said she is also at fault. We were always busy. We did not make an effort and we thought as long as we are not fighting we are okay. " dagdag nito.
"Huh? What does it mean? tinitigan niya ang binta. Ngunit hindi niya matagalan ang tingin nito sa kanya. Parang may naghahabulang daga sa loob ng dibdib niya.
"Alam mo huwag mo na sagutin kasi...baka ikaw ang nalilito dyan.."
"I think..I'm in love with you Rosie." putol ni Jay sa sasabihin niya. "I knew I feel something special to you..but since alam kong kaibigan lang ang balak mo sa akin ..ayoko kong sumugal. I know you don't do boyfriends and you don't want to marry..pero Rosie.."
"Babalik na ako sa resort." sabay tayo niya ngunit hinila ni Jay ang kamay niya kaya napabalik ang upo niya sa buhangin.
"See..this is exactly why I don't to tell you this. Iiwas ka sa akin. Hindi ka na magpaparamdam. We were just reconected and I've never felt this scared.." mahinang tugon ni Jay habang nakayuko ang ulo. Hawak pa rin nito ng mahigpit ang kamay niya.
"Kasi Jay..baka nalilito ka lang sa feelings mo. Shit..alam mo na bang crush kita kaya mo nasabi yan..Shit.." napahawak siya sa bibig niya sabay panlalaki ng mata. Did she just confessed to Jay na crush niya ito? How stupid of her.
Si Jay naman ay nalalaki rin ang mata na nakatingin sa kanya. Ngunit naka ngiti na ito. Ngiting mang aasar. Kaya naman inunahan na niya ito.
"Jo..joke la..lang yun..Gusto lang kitang patawanin. See..effective.." kinakabahan niyang sabi.
"I know it is not a joke. Alam mo bang crush kita nung high school? Pero ang dami mong manliligaw..tapos bantay sarado ka pa ng kuya-kuyahan mo..paano kita poporhaman, gayung ginawa mo na agad akong tropa." nangingiting sabi ni Jay.
"Tanga..kuya ko talaga yun no..kahit ngayon..gago ka talaga." natatawang sabi na rin niya.
Matagal silang nakatingin sa isa't isa.Nakangiti. Hanggang siya na ang nagbawi ng tingin at ginawi ito sa ngayon ay nakalubog ng araw.
"Tayo na.. nadilim na at nilalamok na rin ako."
"Nagulat ako dun ha..akala ko you are suggesting na tayo na agad." natatawang sabi ni Jay.
"Baliw ka talaga."
"Kidding aside. Let stop this game of pretend. Kasi kahit na I felt relieved that Loraine ended our game of pretend. I don't want to start another game with you. Hindi na ako magpapanggap na kaibigan lang ang turing ko sa iyo. I want to start this right because this time, I want to be your end game."
BINABASA MO ANG
Before 30 (I'll be yours...)
Romance"I'll promise I will be yours before I turn thirty" Rosie made a promise to a high school friend that if she's still single before turning thirty, she will give herself to him. It was just a silly promise. But that was not the case for Jay. Anong m...