Chapter 4 - the reunion (part 2)

6 0 0
                                    

Oh my Gosh! Bakit ang lakas ng tibok ng dibdib niya? Para siyang high school student.

OMG talaga Rosie! Huwag mong sabihin na kung kailan ka na 26 saka ka aastang babagong nagkaka-crush, saway ni Rosie sa sarili. Kahit totoo naman na maliban sa naging crush niyang 4th year student na si Allen noong 2nd year high school, wala na siyang iba pang naging crush. Suplado ito at hindi man lang siya nito pinapansin. Kahit nakagraduate na ito, kapag tinatanong siya kung sino ang crush niya, si Allen pa din ang sinasabi niya.

Nagkaroon man siya ng mga crushes noong college,  puro mga K-pop artists na kinababaliwan niya.

"Hi, Ms. Mataray. Kumusta ka na?" pagbati ulit ni Jay sa kanya . Iniabot nito sa kanya ang baso at natatawa sa reaksyon niya.

Napasimangot kasi siya ng marinig ang tawag nito sa kanya.

"Mr. Mayabang..Kumakanta po kasi ako kanina nung dumating ka. At saka akala ko naligaw na magbebenta ng gamot or encyclopedia lang ang dumating." ganting pang-aasar niya.

"Ha..ha..ha..Ikaw talaga, hindi na mabiro." natatawang sagot nito.

"Hindi ba ako pogi sa suot ko? Galing kasi ako sa important business meeting with prospective investors. Dito na ako nagdiretso after ng meeting. Sobrang traffic sa Manila kaya late na ako nakarating. " paliwanag pa nito kung bakit naka-pormal na suot ito samantalang swimming naman ang pinuntahan.

"Actually, You look good in suit. Mukha kang aattend ng kasal at ikaw ang groom." sagot niya.

Sh*t! Bakit ba niya nai-comment yung iniisip niya ng dumating ito?

Patay malisya na lang siya .."or pwede din naman na waiter sa reception ng kasal." ang bawing pang-aasar niya.

"So, napopogian ka nga sa akin?" kulit na tanong ni Jay.

"Ewan ko sa iyo.. By the way, lalapitan sana kita after kong kumanta but I saw you talking seriously to Raine. Anong pinag-usapan ninyo?" kaswal na tanong niya para mailihis na lang sa pangungulit na tanong ni Jay sa kanya.

Gusto sana niyang itanong kung bakit hindi niya kasama ang girlfriend nito pero baka magmukha siyang walang common sense. Kasasabi lang ni Jay na nagdiretso ito sa Laguna after ng business meeting nito kaya obvious naman ang reason kung bakit hindi nito kasama ang girlfriend. Mayroon pa ba siyang iba na gustong marining, tulad ng break na sila ng girlfriend nito?

'Oh my! Why do I wish bad things to happen sa kaibigan ko? Am I desperate na mapansin niya as more than friend? Nalungkot siya bigla sa naisip.

"About business lang." tipid na tugon nito.

"Huh? ah ok." Dahil sa kung ano-anong naiisip niya..hindi niya agad narealize na may tinanong nga pala siya dito.

"By the way, darating ba si Anthony?" tanong nito sa kanya.

"Nagmessage  sa GC kanina na may emergency sa ka-church mate kaya hindi na siya makakasaglit. Sunday din bukas kaya siguro hind na din yun nagpunta at medyo malayo itong venue. Bakit mo itinatanong? Magpapakasal ka ba ngayon tutal naka-suit ka na kaya naghahanap ka ng pastor? pagbibiro niya.

"Oo eh..wala nga lang akong bride. Magvovolunteer ka na ba?" pagsakay nito sa biro niya. Nagkatawana na lamang silang dalawa.

"Alam mo, I miss this kind of talk with you. Parang noong high school lang tayo. I miss this... I miss y.."

Hindi na naituloy ni Jay ang sasabihin dahil niyapos habang hinihila na ito ni Shane pabalik sa table ng mga nag iinuman. 

'Ano ka ba pare..Hindi mo ba kami na-mimiss.. After many years ngayon ka lang nagpakita..taposh hindi ka pa iinom.." reklamo ng lasing na si Shane. 

Before 30 (I'll be yours...)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon