Chapter 7 -the wedding

8 0 0
                                    

(Rosie's POV - Third Person Narrative)

After ng conference, inihatid siya ni Jay sa Batangas. Kahit panay ang tanggi niya..wala siyang nagawa ng dumating ito sa hotel at binitbit ang mga gamit niya papunta sa kotse nito. Buong byahe panay ang butong-hininga niya. Walang imik na nagmamaneho si Jay. Hindi rin alam ni Rosie kung anong sasabihin upang hindi sila maging awkward sa isa't-isa.

"Pakisabi kay Ces, hindi na ako aattend ng rehearsal sa kasal niya ha. Medyo madami akong kailangan na tapusin sa office..I don't think I can take a leave this week..sa Friday na ung rehearsal, tama? Dapat Saturday na lang para walang pasok.." sumulayap ito sa kanya at ibinalik ang attensyon sa pagmamaneho.

"May kailangan yata silang asikasuhin ni Glen sa Sabado. I'll tell Ces.." sagot niya.

"Knowing Ces...kukulitin ako noon at sasabihin na bakit kailangan kong mag-leave eh ako ang boss ng kumpanya.. Paano..  sinabi ko huwang gawing weekdays ang mga pakana niya." natatawang kwento ni Jay sa kanya.

Alam ni Rosie.. Jay's trying to lighten up the mood...na mawala ang awkwardness sa pagitan nila.. Napangiti si Rosie. Siguro kaya naman din niyang gawin ang ikinikilos ni Jay. 

"Sabihin mo kay Ces, you will fire yourself kapag nagpabaya ka sa trabaho at dahil doon..wala kang maireregalo sa kanya." pagbibiro ni Rosie. Pilit na biro pero muling sumulyap sa kanya ang binata..nakangiti.

"So...Are we still good?" tanong nito sa kanya. 

"Oo naman...saka na natin pag-usapan yun Jay..Kapag ready na akong gawin.." sagot niya.

Muntik ng hindi agad makapreno si Jay ng may tumigil ang sasakyan sa harap ng kotse nito. Nasa tollgate na pala sila ng expressway. Napatingin ito sa kanya..

"Eyes on the road, please.." hindi pa siya natatapos sa sasabihin ng magsalita si Jay.

"Alam mo, minsan talaga ginugulat mo ako, Rosie.." napahinga ito ng malalim.

"Knowing you, baka umabot ka na ng trenta, but you will never initiate it... Kaya sa bagay na yan. I will decide. Hindi kita pipilitin..but we need to...you know..prepare you" pagpapatuloy nito.

"I don't ...I really don't know what you mean Jay.." sagot niya.

"Basta..magkikita naman tayo next week..I'll talk to you about it then.." sagot nito. 

(Ces and Glen's Wedding Day)

"Wala pa din ba ang kapartner mo, Rosie? Tingnan mo cp mo, baka nag-chat sa GC." tanong ni Marie sa kanya.

Pareho silang abay sa kasal ni Marie. Kapartner nito si Shane at siya naman ay kapartner ni Jay.

Hindi abay sa kasal si Raine dahil ito naman ang susunod na ikakasal next month. Baka magselos pa daw ang fiancee nito. Hindi naman bride's maids sila ni Marie dahil ang kapatid ni Ces ang bride's maid nito.

Pinapapila na sila ng wedding coordinator ng dumating si Jay. Ngunit hindi ito nag-iisa. May kasama itong naglalakad palapit sa kanila...ang girlfriend nito, si Loraine.

Bagay na bagay talaga ang dalawa. Mukhang sila ang ikakasal..naka-dress na cream si Loraine. Ang ganda-ganda nito at ang gwapo naman ni Jay sa suot nito.

"Hay naku Jay, why are you late? Muntik ka ng hindi umabot sa paglalakad ng entourage" reklamo ni Marie dito.

"Ano ka ba, ok lang daw kay Rosie na walang kapartner...Eh d mukha siyang bride habang naglalakad at inaabangan ng groom sa harapan. Ayaw naman atang magpakasal kaya hindi nagbbf..Di ba Rosie?" may pagsiko pa si Shane sa kanya habang binibiro ito.

Before 30 (I'll be yours...)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon