After ng reunion, naging mas madalas ang communication nina Rosie at Jay. Kung dati ay tuwing may occasions lamang sila nakakapag-chat, nagsimulang mag-initiate si Jay na magkwento ng kung anu-ano..mga nakakatawa o nakaka-stress na ganap sa kanya, about sa movie na napanood nito o mga taong ni hindi naman niya kilala.
Noong una, tipid lamang ang mga reply ni Rosie. Medyo nag-aalangan pa siya na magreply agad. Pero dahil naisip naman niya na wala silang ginagawa na masama, nagsimula na ulit siyang magkwento at mag-open ng mga nangyayari sa buhay niya.
Wala sa kanila ni Jay ang nagmemessage na may halong paglalandi. Walang 'I miss you', 'I love you.. friend' or 'take care' man lang sa kanilang mga mensahe para sa isa't-isa.
Naging maingat din siya sa mga sagot na mga pagbibiro ni Jay. Ayaw niyang mamisinterpret nito ang kahit anong chat niya.
Dahil sa close naman talaga sila ni Jay dati, madaling bumalik ang closeness nila na bigla na lang nawala ng sampung taon. Halos dalawang taon ang lumipas na puro chat at tawag sa telepono lamang sila ni Jay. Naibalik nila ang kanilang closeness. Ngunit hindi alam ni Rosie kung ganito pa din ba kahit magkaharap na sila ng personal. Minsan kasi naiisip niya na kaya ba siya hindi na-aawkward dito ay dahil sa hindi naman ito kaharap?
(GC ng barkada)
Marie - Sorry bess, may emergency sa office kaya hindi na kita masusundo bukas. I need to fly to Cebu and stay there for 2 days. Iiwan ko ang susi ng condo sa lobby? You can still stay there while you're in Manila. Sayang nga lang at hindi na tayo makakapag-movie bonding sa gabi.
Chat ni Marie kay Rosie sa group chat ng barkada. Nag-offer kasi ito na sa condo mag stay sa 3days-2nights stay niya sa Manila para sa isang aattendan na book exhibition at conference. May hotel accommodation naman pero naexcite si Marie kaya nag-offer na sa kanyang condo na siya mag-stay para hindi daw siya mainip at magmovie date sila sa gabi.
Rosie: No worries.. mag-PM ka kaya, bess..hahaha Wrong sent ka yata?😅
Nakita ni Rosie na nag-seen si Jay sa chats nila ni Marie. Kaya nag-message agad ito sa kanya. Nakita niya ito na lumabas sa notification niya, pero hindi niya to sineen.
(Chat thread of Jay and Rosie)
Jay: Ilang days ka sa Manila? Sunduin kita at marami ka yatang gamit na dala...
Jay: Magseen at magreply ka.. Sa GC ba ako magtatanong? 😒
Rosie: 3 days and 2 nights.. May hotel accommodation naman kaya dun na lang ako mag stay. Etong si Marie lang naman ang makulit na nag offer na sa condo niya ako mag-stay. Ihatid - sundo na lamang daw niya ako sa venue.
Jay: When?
Rosie: Monday. Plano ko magcheck-in na sa hotel ng Sunday afternoon. I need to finalize the set up our booth pa. May mga naiwang gamit kasi na ako ang magdadala.
Jay: I'll pick you up. Ok lng, 2 pm kita sunduin?
Rosie: Huwag na friend... kakahiya naman. But, thanks for the offer. :)
Jay: Huwag kang feeling others dyan..hehehe..Basta sunduin kita. Mahirap magbyahe pag Sunday..madaming pa-balik ng Manila...may mga bitbit ka pa..'Pag hindi mo ako hinintay at nagbyahe ka..sinasabi ko sa iyo..
Rosie: Ang dami ng sinabi... sige..hintayin kita. Salamat ha. :)
Jay: Ok, see you on Sunday.
Rosie: ok
Napabuntong-hininga si Rosie. Friday pa lang ngayon..pero hindi niya maintindihan ang sarili kung gusto ba niya na mag Sunday na agad o ayaw pa niya. She doesn't know how to act in front of Jay. Mataray? Jolly? Demure? Paano ba niya haharapin ang kaibigan na gusto niya ng higit pa sa kaibigan? Noong high school, pa-cute at kikay siya kapag nakikita niya si Allen. Pero alam naman halos ng lahat nga crush niya ito. Kaya alam ng barkada niya ang kilos niya, kapag nakikita ang crush niya. Pero noon yun..wala na naman siyang naging crush pa after ni Allen..ngayon na lang ulit, tapos hindi pa niya pwedeng ipahalata.
BINABASA MO ANG
Before 30 (I'll be yours...)
Romance"I'll promise I will be yours before I turn thirty" Rosie made a promise to a high school friend that if she's still single before turning thirty, she will give herself to him. It was just a silly promise. But that was not the case for Jay. Anong m...