(Jay's POV - Third person narrative)
Matagal na magkayakap lamang sina Rosie at Jay pagkatapos ng halik na iyon.
Alam ni Jay na umiiyak si Rosie. Kaya hinahaplos nito ang buhok ng dalaga. Humihikbi itong nakasubsob sa kanyang dibdib.
"Shhh...Shhh...Please ...Rosie..Please, don't get mad at me.." pakiusap niya. "But I'm not sorry that I kissed you. I really want to kiss you. But please, don't cry. Don't get mad at me."
Unti-unting tumunghay sa kanya si Rosie. Tumingin sa kanyang mata, ngunit mabilis din itong tumungo.
"May girlfriend ka Jay... Sh*t! Am I becoming the person I abhor? I don't want to be..." at muling naluha ito.
"Do you regret kissing me back?" mahinang tanong ni Jay.
"No..I....I actually liked it. Kung hindi ko ginusto, dapat itinulak kita..Pero..." hindi magawang sabihin ni Rosie ang kasunod..
"Pero.. we are friends Jay. Friends don't intimately kiss like that." dugtong nito.
Hinawakan ni Jay ang pisngi ng dalaga at pilit na iniharap sa kanya. Hindi siya aalis ng gabing iyon na hindi malinaw kung ano ang gustong mangyari ni Rosie. Ayaw niyang bumalik sila sa mga panahong tila hindi sila ok at hindi nag-uusap.
"Look at me, Rosie. What do you want me to do? Tell me.. When I said, I am willing to fulfill the promise I made with you.. I'm serious.. Gagawin ko kung ano man ang gusto mo, but I don't think kaya kitang basta na lang bitawan.... Gusto mo magkunwari na parang walang nangyari? Fine with me....You want to continue this....our promise..? Alam kong gusto mo lang magka-anak, pero..." gumaralgal ang boses niya kaya hindi na niya naituloy ang sasabihin.
"Kahit naman hindi ikaw ang maging ama ng magiging anak ko...." mahinang sagot ng dalaga.
"Sh*t naman Rosie...papabuntis ka sa kanino lang? Hindi ako papayag.. Rosie, naman... Seryoso ka ba sa plano mo na mag-aanak ka bago mga thirty? That's stupid!" nagagalit na siya sa lohika na mayroon ang kausap.
"You can try dating...yung papasa sa amin. Yung alam naming hindi ka lolokohin. Pero ang magpabuntis sa kung sino.. I will never agree on that.."
"Pero sa iyo, pwede? Hindi ka din naman pwede.." sagot nito.
"You want me to end things with Loraine?" tanong niya.
"Ng dahil sa akin?! No.... don't do that.. I will not be a relationship wreaker just like..." Hindi na nito naituloy ang sasabihin. Bigla itong tumayo.
"Just leave for now, Jay..Let me process this. Let me think...please." pagmamaka-awa ng dalaga.
"Ok, I'll let you think things over. But cutting ties with me will never be an option, Rosie. Do you understand? Do you promise me?" paki-usap niya.
"I'll promise..I will talk to you.." sambit ng dalaga.
Umalis si Jay ng gabing iyon na hindi malinaw kung ano ba ang desisyon ni Rosie. Magulo din ang utak niya kung ano ang dapat niyang gawin. Gusto man niyang ipagtapat na matagal na silang hindi ok ni Loraine, alam niyang hindi rin naman siya paniniwalaan nito.
Mahal niya ang girlfriend na si Loraine. Walong taon na sila. Pero pareho nilang alam na nagbago na... nararamdaman nilang tila hindi naman sila magkasintahan. Ng sinubukan niyang makipag-hiwalay, hindi pumayag ang girlfriend. Hindi naman niya masisi si Loraine kung bakit nanlamig ito sa relasyon nila..dahil alam niyang ganun din siya. Akala niya nalampasan na nila ang 7-year glitch na tinatawag. Pero alam nila pareho na wala na..nanghihinayang na lamang sila sa halos walong taon.
Ng huli sila mag-usap, they decided to try fixing their relationship. Kaya hindi na din niya sinabi kay Rosie ang tungkol sa girlfriend. Ayaw niyang mangako ng hindi pa siya sigurado. Kung hindi sana siya naging duwag at naging tapat sa sarili, hindi siya babalik ng Maynila noong 2015 High School reunion na hindi niya nalinaw kung ano ba ang talagang nararamdaman niya para kay Rosie.
Ngayon malinaw na sa kanya ang lahat - mahal niya si Rosie ng higit pa sa kaibigan. Nararamdaman naman niya na may nararamdaman din sa kanya ang kaibigan. Hindi siya manhid upang hindi mapansin ang kilos ng dalaga. Noong una, hindi siya sigurado.
Ngunit kilala niya si Rosie...alam niya kung gaano ito katakot sa commitment. Alam niya ang naging trauma ng kaibigan ng malaman ng pamilya nito na may iba palang pamilya ang kanyang ama. Na hindi lamang si Rosie at ang ate nito ang mga anak ng kanyang ama. Nagulat na lamang ang mga ito, ng mamatay ang ama, lumabas ang itinatago nitong iba pamilya.
Kaya pala hindi ito nagsosocial media, dahil dito nito natuklasan kung gaano na katagal sila niloloko ng kanyang ama. Ng magimbestiga siya, doon niya nakita ang mga larawan ng kabit ng kanyang ama at ng mga anak nito. Sa social media, mukhang sila ang tunay na pamilya. Larawan ang mga ito ng isang perpekto at masayang pamilya.
Kaya alam niya na kung malalaman ni Rosie na makikipag-break siya kay Loraine, iisipin nito na siya ang dahilan. Alam niyang hindi siya tatanggapin nito..kahit pa ipaliwanag niya ang status ng relasyon nila ni Loraine.
Halos hindi nakatulog si Jay ng gabing iyon. Kinabukasan nag message agad siya kay Rosie, kinakamusta ito.
Jay: Kamusta?
Gising ka na?
Don't forget to eat your breakfast.
Rosie: (typing.......)
Jay: Puntahan kita mamaya bago ako umuwi..
Rosie: (typing.....)
Jay: (typing...)
Rosie: ok
Matagal na nakatayo si Jay sa labas ng pinto ng room ni Rosie. Kinakabahan siya, kaya hindi muna siya kumakatok. Pagkatapos ng dalawang mahabang buntong-hininga, kumatok siya.
Agad naman siyang pinagbuksan ng pinto ng dalaga. Seryoso ang mukha nito, itinuro lamang nito sa kanya ang nagiisang upuan. Umupo siya. Nakatingin sa bawat kilos nito. Panay ang pabalik-balik na paglalakad nito. Paminsan-minsan at nagbubuntong-hininga at titingin sa kanya.
"Rosie..." mahina niyang sabi.
"Wait..Jay. Ako muna." putol nito sa sasabihin niya at naupo sa kama. "Let's make a deal.." umpisa nito.
Napapikit si Jay at nagdasal sa isip. Oh! God..please don't let her cut ties with me..Please don't make her decide to just forget what happened..
"Let's make a deal. Let's try to do it..but in my own terms. Walang commitment.. You don't have to break up with Loraine..I will not be your mistress.. I'm 28.. and we have until next year... Huwag mo akong bibiglain...I..I... don't have.... experience....but before I turned 30, I'll give myself to you. That's the deal. No attachments. Kung...kung.. mabuntis ako....Akin lang ang bata. You can marry Loraine... You can have your own family...but akin lang ang anak ko..Kung hindi ako mabuntis..We will end the deal. And... we will go on with our lives." tuloy-tuloy na sabi ng dalaga.
Hindi siya makapaniwala sa mga narinig. Seryoso ang mukha ni Rosie at naghihintay ng sagot niya.
"And if I don't agree with your terms..? tanong niya.
"I will still have a child..kung kanino..bahala na..hindi mo ako pakiki-alaman sa ano mang magiging desisyon ko." sagot nito.
"Then, we have a deal, Rosie...You will be mine before you turned 30."
BINABASA MO ANG
Before 30 (I'll be yours...)
Romance"I'll promise I will be yours before I turn thirty" Rosie made a promise to a high school friend that if she's still single before turning thirty, she will give herself to him. It was just a silly promise. But that was not the case for Jay. Anong m...