Chapter 2 - the news

7 0 0
                                    

Four years of college life just passed like a blur. Aral at pagsusulat sa college school paper naubos ang apat na taon ni Rosie. She never thought that college work will take most of her time. Hindi naman kasi siya matalino kaya kailangan niya daanin sa sipag at tiyaga lahat. She decided to take Bachelor of Secondary Education Major in English dahil nabalitaan niya na kakaunti ang Math subjects sa kursong ito.

During the first two years sa college, constant pa ang pag-uusap nilang magbabarkada thru texts, PM and chats sa GC. Pero pagpasok ng third year college, naging kasing dalang na ng mga manliligaw niya ang mga kumustahan nilang magbabarkada. Sa mga occasions tulad ng birthdays, Christmas or New Year na lamang sila nakakapag-chat.

Alam naman ni Rosie na sobrang busy ng mga kaibigan niya kaya hindi na din siya ang nauunang mag open-up ng conversations sa kanila. Hindi hamak naman na mas mahirap ang kursong law, accountancy, engineering, architecture, pharmacy at business kumpara sa kurso niya. Mahirap din naman ang Education course pero mas nahirapan siya sa practice teaching ng fourth year college siya dahil sa isang malayong school siya napa-assign. Bukod sa pagbibyahe, nahirapan siya dahil lahat ng subjects na hawak ni Mrs. Castro ay sa kanya ipinaturo.

Kaya feeling niya nagkaroon agad siya ng trauma na magturo after niya mag graduate. Nakapasa naman agad siya sa unang take niya ng board exam pero after a year of teaching, she decided to quit. She does not have the patience para sa mga whims ng mga feeling-entitled spoiled brats na estudyante na meron siya. Baka makasuhan pa siya ng child abuse dahil malapit na siyang makapanakit sa mga sutil at may kabastusan na batang una niyang naturuan.

Alam niya na nadisappoint ang parents niya sa kanya when she quit her job. Pero dahil mas kilala nila si Rosie, wala silang nagawa.

Rosie did not remain jobless. She works in a publishing company. Maliit ang sweldo pero naeenjoy naman niya ito. Madalas pa na nakakakuha siya ng raket as editor o sa pagsusulat. Naging advantage niya ang experience niya sa College Org dahil halos lahat ng position sa school paper ay naranasan niya.

Hindi din naman siya nauubusan ng budget to the point na manghingi sa parents niya. She also has online store selling books and other stuffs. Hindi naman sobrang laki ng kita dito pero malaking tulong na din upang makapag-abot siya kahit paano sa parents niya.

Kahit ang mga bestfriends niya, bihira siya tanungin tungkol sa work at mga raket niya. Marahil alam ng mga ito kung gaano ka-pride ang kaibigan.

"Rosie, busy ka pa rin ba sa latest project slash raket mo?" tanong ni Ces.

Kausap ni Rosie ang kaibigan. Kinukulit kasi siya nito na magpunta sila sa celebration dinner hosted by Engr. Raine Rosales. Kapapasa lang sa board ng kanilang kabarkada kaya may celebration party.

"I'm sure, inuman lang naman yon." After kumuha ng education course ni Rosie, naging aware siya na dapat maging role model siya ng mga kabataan. Kaya kung noon ay conservative na siya pero mabarkada pa rin, ng maging guro siya ayaw niyang makita ng iba na nagiinom siya in public places.

"Eh d huwag kang uminom."

"C'mon Rosie, pupunta lahat. Kahit nga si Jay nagsabi na darating siya. Imagine galing pa yun ng Manila ha."pangungumbinsi pa ni Ces.

"At saka malapit lang ung resto-bar. Isang sakay lang ng jeep. Kung ayaw mong umuwi ng madaling-araw at naiinip ka na, madali na ang pag-byahe." pangungulit pa nito.

"Fine.. I'll try to be there. Hindi nga lang talaga dinner time kasi I promise Boss Kate na isusubmit ko ung edited manuscript sa kanya today. 8 pm ang usapan namin na dadalhin ko ito sa office."

Alam naman kasi ni Rosie na hindi naman siya titigilan ng kaibigan. Baka pag nagsumbong pa ito sa barkada na hindi siya pupunta magsunod-sunod ang tawag na matanggap niya. Lalong hindi siya makakatapos sa trabaho.

Before 30 (I'll be yours...)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon