10th year High School Graduation Anniversary ng batch nila today. After ng huling get-together ng barkada noong 2011, ngayon lamang sila muli magkikita-kita after 4 years. Lumalabas naman silang barkada. Yun nga lang kung hindi all-boys night out ay all-girls movie date naman.
Dumadayo naman minsan si Rosie sa church ni Anthony para bumisita lalo na kung kailangan niya ng matinong payo. Nakikita at nakakamusta naman niya minsan sina Shane at Raine pero hindi madalas, pero ang dalawang ito ang madalas mag-chat sa GC ng barkada. Ang hindi lang niya nakikita at nakakusap ay si Jay. Bihira kasi itong sumali sa asaran sa GC. Mas nakikisali pa nga sa mga asaran sa GC si Marcus na nasa Canada.
May madalang na chat ito sa kanya ng pangungumusta pero wala naman siyang makwento kaya mga maiiksing sagot lamang tulad ng "Ok lng..ikaw kumusta?" na sasagutin lang din nito ng tipid na "Ok naman." Gusto man niyang magkwento kay Jay tulad ng dati, hindi niya alam kung ano ang ikukwento dito.
Kaya ngayong may batch 2005 reunion sa isang hot spring private resort sa Laguna, pinilit talaga siya nina Marie at Ces na umattend. 6pm ng sunduin siya ng mga ito kasama ang kani-kanilang boyfriends.
"Kapag na-OP ako sa inyo...sinasabi ko sa inyo..magbibyahe ako pauwi." bulong na panankot niya sa mga kaibigan .
Paano ba naman, kaya ayaw niya sumama sa swimming na iyon kasi ang usapan sa batchmates GC ay pwede isama ang boyfriend, girlfriend or asawa sa reunion. Ang ayaw pa naman niya sa lahat ay nagmumukha siyang kawawa.
"Ano ka ba..ngayon na lang ulit tayo magkakasama-samang magkakabarkada, tapos hindi ka pupunta?"
"Ces, wala din naman si Marcus ah..tapos, hindi din naman nagconfirm si Jay na pupunta ." dahilan pa niya dito.
Pero sumakay na din siya sa kotse ng boyfriend ni Marie. Kasama sa office at isa ring lawyer ang boyfriend nito. Samantalang si Ces ay pharmacist at nagmamanage ng botika na pagmamay-ari ng pamilya nito. Nurse naman si Glen na boyfriend nito.
Habang nasa biyahe, kung ano-anong pumapasok sa isip ni Rosie. Paano kung biglang dumating si Jay kasama ang girlfriend nito? Sobrang awkward na lahat sila may kasama tapos siya ay wala. Sana pala nanghila na lang siya ng tambay sa kanto ng village nila para ipakilalang boyfriend niya. Natawa siya sa idea na iyon.
"Ayan...nakangiti ka na. Alam ko naman na you're also happy that we're gonna spend time together just like before. "puna ni Marie sa kanya.
Tumango na lamang siya at pumikit.
"Iidlip lang ako ha." medyo kulang ako sa tulog this past few days dahil sa tinatapos kong kwento. " pagdadahilan niya.
Pero sa totoo, hindi naman sa pagiging negative, alam talaga niya na hindi siya mag-eenjoy sa swimming na iyon. Pero nagdala pa rin siya ng pangswimming at pamalit incase na magustuhan niyang magswimming. Lalo na kung iyon ang maari niyang gawing escape sa mga kasama. Feeling out of place siya kapag ang pinag-uusapan ng mga ito ay ang kanilang mga career o kaya about relationship issues.
Kapag nagcocomment naman siya, sasabihan siyang nega dahil wala naman siyang experience kaya puro negative talaga ang nasasabi niya tulad ng, "Ayaw mo pala ng ugali, eh d makipag break ka." Hindi niya ma-gets na magrereklamo ang mga kaibigan sa mga boyfriend o girlfriend ng mga ito pero ipagtatanggol naman kapag may sinabi siya na against sa mga ito. Ayaw din naman niya na mapunta sa kanya ang topic ng mga usapan. Kaya madalas nagse-seen na lang siya sa mga chats sa GC.
Maaga pa sila ng dumating sa private resort. May ilan na din silang ka-batch mates pero wala pa ang ibang barkada nila. Kaya nagpasya na lang siya na magswimming dahil bukod sa mukhang nakakarelax ang medyo mainit na tubig, ayaw naman niyang maging third party sa dalawang kaibigan at mga boyfriends ng mga ito na nagiikot-ikot sa lugar upang maghanap ng room kung saan nila ilalagay ang gamit. Nagsabi na lamang siya na iwanan ang bag niya sa may kubo malapit sa area kung nasaan ang videoke.
BINABASA MO ANG
Before 30 (I'll be yours...)
Romance"I'll promise I will be yours before I turn thirty" Rosie made a promise to a high school friend that if she's still single before turning thirty, she will give herself to him. It was just a silly promise. But that was not the case for Jay. Anong m...