FICTION!!!
I'm sorry for the wrong grammar and typo'/s here. I hope you understand. I don't edit my story when I'm bored, sorry for being lazy sometimes. Plagiarism is a crime.
In short, Tamad ako sorry na nga...
Please vote!!hehehe thanks sistahhhh!!
Kindly support the story:)) Thankie!!!
@manangskiii
Prologue
Sabi nila, kapag ang tao nagkakaroon ng problema, karamihan sa mga ito ay tumatakbo at hindi ito nireresolba. Bakit nga ba?
Isa lang sagot...
Dahil natatakot silang malaman ang katotohanan. Masakit, mahirap, mapait.
Minsan mo na rin bang naisip na tumakas sa katotohanan? Na maging bulag at hindi pansinin ang sinasabi ng 'yong puso?Kung patuloy ka bang tatakbo at tatakas, sa tingin mo ba magiging maayos ang wakas?
Kung malalagay ka ba sa sitwasyon na ito, anong mas pipiliin mo? Ang iresolba ito o ang patuloy na paglayo at pagtatago?
=====Gloomy's POV
Dalawang linggo na lang mula sa araw na ito, lilipat na ako ng lugar. Masyado pa yatang maaga para umalis ako. Pero ano pa nga bang magagawa ko? Hindi naman ako pwedeng hindi sumunod sa kanila eh. At isa pa, ako lang din ang mahihirapan kung hindi ako lilipat ng tirahan. Masyadong malayo ang Intramuros, sa Olongapo pa ang trabaho ko.
"Ah kuya, dito mo na lang ilagay 'yan. Salamat." sabi ko kay manong na tinulungan akong ibaba ang mga gamit ko
Maaga na ako nag-impake. Dalawang linggo pa bago ang lumipat pero tinawagan na kasi ako ng boss ko; na kung pwede raw, lumipat na ako nang mas maaga para rin makapagprepare na ako. Ayoko pa nga sana eh, kaso lang hindi naman ako makakontra. Baka kasi tanggalin ako ng boss ko sa trabaho e. Masungit pa naman yun. At masyadong demanding. Sa Olongapo na kasi ako nilagay bilang manager sa isang fastfood restaurant. Natanggal daw kasi yung naka-assign sa Olongapo dati. Marami na raw reklamo tungkol sa kanya. Sa dami-rami ng lugar, bakit sa Olongapo pa? Wala pa naman akong kakilala at alam sa lugar na ito. Hay, kung mayaman lang talaga ako, hindi ko tatanggapin ang trabaho sa lugar na 'yun.
Sakto naman tumunog yung phone ko. Napahinto ako. Tumatawag pala si Ms. Annie. Ka-trabaho ko. Secretary ni Mr. Zhua; ang boss ko.
Dito ka na lang habang-buhay
Dito ka na-"Hello. Ms. Annie, yes?"pagsagot ko sa telepono
"Hi Ms. Luallhati, our boss would like to talk to you about your promotion and your new location"sagot nya
"Oh. Okay. What time?"
"4pm. Alright, bye." sagot nya at ibinaba na ang linya ng telepono.
2pm na. Mamaya ma-traffic pa ako nito. Kailangan ko na magbihis. Mabuti na lang nakaligo na ako kanina.
=====
Kapag sinuswerte ka nga naman, ang traffic! Ang hassle pa naman kapag ganito. Kanina pa tumatawag si Ms. Annie. Nasa'n na raw ako. Grabe ang heavy ng traffic dito sa Manila. Ito talaga ang problema ko rito e.
"Where have you been Ms. Luallhati?!"salubong ni Ms. Annie nang makarating na ako sa office. Salubong ang kilay niya at halatang inis na ito sa pagka-late ko
YOU ARE READING
Contristari
Teen FictionShe's finding her peace of mind. The new location of her work due to her promotion will lead her to the real answers. Maybe bad, maybe good answers but at least it is real. The past keeps on hunting her. She is running away from everything but she c...