Biglang buhos ng malakas na ulan. Paalis na raw kasi ang bagyo ngayon. Mabuti na lamang at nadala ko yung payong. Wala gaanong tao sa labas dahil sa bagyo. Pero bumaba na ang rin ang tubig baha sa mga oras na ito. Papunta ako ngayon sa grocery store. Golden King. Yun ang pangalan ng store. Kahapon, nabanggit ni Ms. Annie na bumili siya rito bago niya ako sunduin. Pumasok ako sa loob nito saka bumili ng Vitamilk, yung strawberry flavor. Hindi ko alam pero iba talaga yung lasa nito. Ang sarap niya, perfect sa cold weather. Hindi kasi ako mahilig uminom ng mainit na drinks. Palaging malamig. Kahit sa kape, cold coffee ang binibili ko. Kaya nga siguro wala talagang init ang sikmura ko kapag umaga. Kasi palaging malamig ang iniinom ko.
Nang makalabas na ako sa grocery store, may nahagip ang mata ko. Isang pamilyar na lalaki. Hindi ko ma-describe pero pakiramdam ko bigla akong kinutuban. Parang kabang-kaba ako na hindi ko maipaliwanag. Tuloy-tuloy ako sa paghabol ng tingin at mabilis na paglakad para malaman kung sino 'yon. Pero hindi na ko na ito nahabol. Nawala siya sa paningin ko.
Pasakay na ako sa jeep papuntang harbor point para sana mag-relax. Gusto ko sanang kumain ng takoyaki. May lalaking humawak sa balikat ko.
"Miss, I.D mo nahulog."sabi niya at iniabot sa akin ito.
"Ah. Thank y-
Natigilan ako.
"Than?"-
Biglang nagsalubong ang mga kilay niya. Parang may namuong kalituhan sa kanyang mukha.
"Than ikaw ba 'yan? Ano'ng nangyari sayo?"pagtatanong ko. Hindi siya kumibo.
Lumapit ako at niyakap siya. Pero itinulak niya ako nang bahagya para kumalas.
"Miss, anong ginagawa mo?"halata sa mukha niya ang pagkainis at kalituhan
Nakakasiguro akong si Than ito.
Halla, bumalik ka..?
"Than, ako si Gloomy."-
"Miss, anong pinagsasabi mo?"tanong niya. May lumapit na batang lalaki sa amin.
"Dada, tara na. Gusto ko na umuwi e."sabi nito at hinihila ang t-shirt niya
"Okay, sige uuwi na tayo."sagot ni Than
Dada?
"Anak mo?"-
Tumingin lang siya. Ang talim ng tingin niya.
"Tara na, 'nak." pag-deadma ni Than sa tanong ko at kinarga niya yung bata.
"Teka sandali lang Than."pag-pigil ko sa kanila
"Miss, ano bang trip mo? Hindi ako si Than. At hindi rin kita kilala."sagot nito.
Para namang binuhusan ako ng malamig na tubig. Malakas kasi ang pagkakasabi niya nito sa akin kaya maraming tao ang nakapansin sa amin. Umalis na sila nung bata at ako naman, naiwang nakatulala. Hindi ko alam pero kahit ipinagkaila niyang kilala niya ako, natutuwa pa rin ako. Kasi tinupad ni Lord ang hiling ko. Ang hiling ko na sana buhay pa si Than. Sana nabuhay siya. Effective pa rin pala ang mga prayers. Kahit walang kasiguraduhan, alam kong siya 'yon. Hindi ako pwedeng magkamali.
=====
Hindi ako makatulog. Maaga pa naman ang pasok ko bukas. Hindi kasi mawala sa isip ko si Than. Yung nangyari kanina, parang nananaginip lang ako. Pero sana kung panaginip man 'yon, sana hindi na ako magising.
Dito ka na lang habang-buhay
Dito ka na-Bakit naman kaya tatawag si Gracia nang ganitong oras?
YOU ARE READING
Contristari
Teen FictionShe's finding her peace of mind. The new location of her work due to her promotion will lead her to the real answers. Maybe bad, maybe good answers but at least it is real. The past keeps on hunting her. She is running away from everything but she c...