HELLO! YUNG JABE, Jollibee po ang meaning nun. (JO-JA BE-BEE).
======11pm. Nagpunta ako sa sa 7 eleven katapat ng SM Downtown. Bumili ako ng snacks at drinks. Sarado na kasi yung SM Downtown kapag 10pm. So ang ending, muntikan pa ako makulong sa loob ng mall kanina. Mabuti na lang, napansin ko na nagpapatay na sila ng ilaw. Busy pa kasi ako tumingin sa Watsons ng mga lipgloss.
Mahaba pa rin pala yung pila rito kahit 11pm na. Karamihan, mga galing sa trabaho. Yung iba naman mga estudyante na may dala-dalang project. Hindi naman gaanong traffic tsaka hindi rin ganon kahaba yung pila hindi katulad sa Manila. Dito sa Olongapo, everything is either 5 or 30 minutes away. Tingin ko ito naman ang advantage sa mga probinsya, hindi hassle sa oras. Nung mag-11:30pm na, umuwi na rin ako kasi kailangan ko na mag-ready para matulog. Maaga pa ang pasok ko bukas.
=====
Maaga pa lang, nasa Jabe na ako. Dito ako nag-w-work. Ang branch na malapit sa palengke. Ito yung isa sa pinakamatagal na Jollibee na raw. Sa gilid nito may pila ng white na jeep.
Okay naman yung trabaho at service nila rito. Kaya lang nag-request ako sa kanila na mas bilisan nila ang kilos and kung maaari ay ayokong nagkukulang yung mga benta. Madalas kasi sa mga fast food restaurants, palaging nananakawan ang mga cashier. Subok ko na ito dahil nangyari na rin sa akin 'yun nang maraming beses. Traumatic siya actually. Kasi ibabawas sa suweldo ng kahera yung kulang sa benta. This is the biggest secret in this kind of work. S'yempre wala namang aamin kung sino yung kumuha diba? Kaya ang ending, kung sino ang kahera kahit hindi niya kasalanan, siya ang mababawasan ng suweldo. Pero ako, ang gusto ko maging malinis ang trabaho nila. Kasi if mangyari 'yun, lahat kami mapapahamak e.
1pm na natapos ang work ko. May papalit sa akin, si Ms. Annie. Iba-iba yung oras ng shifting namin. Paminsan, ako sa umaga at si Ms. Annie sa gabi. Or di kaya, alternate naman. Medyo mas relax ako rito compare sa Manila. Kasi hindi naman ganun kalayo yung location ng work ko sa bahay ko. Sa manila kasi, 1 hour to 2 hours ang layo ng boarding house ko sa trabaho. Mas fresh ang environment dito. Although medyo parang upgraded na rin dito, at least may mga places pa rin na pwedeng hingahan.
Biglang sumagi sa isip ko si Than. The day of September 26, 2019. Thursday. Saw him with our classmate.
Flashback....
May bitbit akong mga books. Sabay kasi kami mag-r-review ni Halla. Halla stands for remembrance of a loved one. Si Than, siya ang nakaisip niyan. Natatawa nga ako kasi parang pang-patay. Pero sabi niya unique raw na term of endearment plus maganda pa raw yung meaning.
Ang baduy pakinggan. Pero siguro tama nga sila...kapag inlove ka, balewala ang sasabihin ng ibang tao, ang importante lang ay kayong dalawa.
Pumasok ako sa loob ng library. I'm checking kung nandito na ba si Than. Hindi kasi siya nag-r-reply sa mga message ko. Nakakapagtaka nga e kasi hindi naman siya ganon. Kapag nag-t-text ako, ilang minutes palang mag-r-reply na siya kaagad. Naisip ko naman na baka busy lang talaga siya kasi exams na namin next week. Maagang matatapos ang semester since December nagsimula. Nag-iba yung policy kasi ng school. Buong December,may class kami. Christmas at New Year's Eve lang ang walang pasok. Pero masaya pa rin naman kasi may kasama naman ako. Si Than.
YOU ARE READING
Contristari
Teen FictionShe's finding her peace of mind. The new location of her work due to her promotion will lead her to the real answers. Maybe bad, maybe good answers but at least it is real. The past keeps on hunting her. She is running away from everything but she c...