Ikatlo

16 1 0
                                    

Isinarado ko na ang laptop at niligpit ang pinagkainan ko. Nag-toothbrush muna ako bago bumalik sa kinauupuan ko. Ang hirap pa rin pala kapag mag-isa ka lang. Akala ko, when he left, mama will be here. Pero I was wrong. Kasi pareho kayong umalis. Noon kasi, nung si papa ang umalis, nandyan si mama to stay. Nakaramay ko sa lahat ng oras. Sa lahat ng pagkakataon. Kaya I thought kapag umalis siya, mama will stay with me also. Wala e. Ang daya mo mama.

=====

Nagising ako dahil sa alarm na nanggagaling sa phone ko. 7:28am na pala. Kadalasan kasi 6am talaga ako bumabangon sa higaan. Ibig sabihin 1 hour mahigit na tumutunog ang alarm clock at alarm sa cellphone ko. Tulog mantika talaga ako kapag masyadong pagod e. Hindi naman pisikal pero mentally tired. 

May natanggap akong message from Ms. Annie. Mag-ready na raw ako kasi may pasok na ako tomorrow. At ngayon naman, ni-moved niya ang tour.  Wala naman ako ganang umalis ngayon. Nag-request ako sa kanya na sa mga fast food na lang kami muna. Gusto ko ikain lahat ng stress na ito. Tutal food tasting din naman ang sadya talaga namin. Naghahanap kasi yung boss ko ng bagong dish para sa mga customer. Nag-suggest nga ako ng spicy spaghetti. Or spicy leche flan. At least 'yun kakaiba sa pandinig hindi ba? Parang palaisipan if masarap ba or hindi. Nag-agree naman siya pero we need the food tasting pa rin para naman malaman din namin if ano pasado rin ba yung mga bago naming dish sa panlasa ng mga tao. Plus, magkakaroon din kasi ng bagong restaurant si boss. Unique dishes ang need namin. Kaya nag-s-survey kami para malaman namin kung ano ba ang pasok sa taste ng mga tao.

"Ready ka na ba? Naisend ko na sayo ang list ng mga pupuntahan natin. You should be very observant."pagpapaalala ni Ms. Annie

"Yes ma'am."sagot ko

"I trust you Ms. Luallhati."dagdag pa niya

Sumakay na kami sa kotse ni Ms. Annie at nagsimula na siyang paandarin ito. Simple lang si Ms. Annie pero kung pagmamasdan mo siya, ang elegante niya tignan. Ma-awtoridad din ang kanyang pagsasalita.

Makalipas ang ilang minuto, nakarating na kami sa Mang Inasal. Sa may Sm Downtown. Madalas daw puno talaga ang mga tao rito lalo na kapag friday kasi araw ng sweldo. Inilibot ko ang mata ko sa paligid nito. Marami palang pamilya ang nag-sasalo-salo rito. Mas madalas kasi, sa Jabe lang ako kumakain talaga or Mcdo. Hindi ako dumadayo sa ibang restaurant.

"Tara na?"pag-a-aya ni Ms. Annie nang matapos siyang mag-order.

Tumango lang ako at sumunod sa kanya. Ang observation ko sa restaurant na ito ay bonding.  Kapag pala ang pamilya, sabay-sabay kumakain may bonding na nabubuo. May mga small talks na nagaganap sa gitna ng hapag kainan. Ang main theme dapat ng magiging dish namin ay pang-pamilya.

====

"Thank you Ms. Annie."sabi ko

"Are you sure hindi ka sasabay pauwi?"paniniguro niya

"Ahm, yes po. Gusto ko lang din mag-ikot muna rito"sagot ko

"Okay, just text me if you need anything."sabi niya at tumango naman ako.

Hinatid ko lang si Ms. Annie ng tingin at pumasok na ako sa loob ng mall. Nagpunta ako ng National Book Store to check the books syempre. Naisip kong bumili ng self-help books.

BE YOURSELF

Binili ko ang libro. Hindi ko alam kung gaano na karaming libro ang nabili ko na hindi ko naman nabasa. Ang gusto ko lang nakadisplay sila sa cabinet. Ang dami ko nang nabasa na libro pero kahit isa, wala naman akong natapos. Puro sa simula lang. Masyado kasi akong busy. Actually hindi naman talaga masyado, pero gusto kong maging super busy. Dito ko na lang ibinubuhos lahat ng oras at atensyon ko.

Ilang sandali pa, may lumapit na batang babae sa akin. Sa tingin ko, 3-4 years old palang yung bata since nakadiaper pa, nakaheadband, nakaboots at nakadress. Ngumiti siya sa akin at kinakalabit niya ako. Umupo ako para medyo mag-pantay kaming dalawa.

"What's your name? Nasa'n parents mo?"tanong ko

Sumagot yung bata pero hindi ko naintindihan. I guess bulol siya. Malamang.

"My gosh Willa. Nandito ka lang pala."sabi ng babaeng lumapit sa amin. Saka kinuha niya yung bata tapos kinarga.

"Thank you Ms-"natigilan siya at tinakpan ng isa pa niyabg kamay yung bibig niya saka nagsalitang muli "Oh my gosh. Gloomy?"nagtaka naman ako. Kilala niya ako?

"Pa'no mo nalaman name ko?"tanong ko

"Ikaw talaga. I'm Wendy. Tim's wife."pagpapakilala niya

"Oh. I remember you."sagot ko

She's Wendy Estrella. Ito yung palaging kinukwento ni Tim sa amin noon. Sabay-sabay pa kami kumakain nila Wendy sa cafeteria kapag breaktime. Maganda siya, matangkad, morena. Straight ang buhok at kilalang-kilala sa school. In short, she's famous and wala ka nang mahihiling pa. Kumbaga sa regalo, full packaged siya. Lahat ng kailangan at hahanapin mo, nasa kanya na. Kaya nga hindi naman maintindihan noon ng barkada kung bakit palaging naghahanap ng iba si Tim, e ang swerte niya na sa girlfriend niya.

"Wendy! Sa'n kayo galing? Kanina ko pa kayo hinahanap."si Tim. Napataingin siya sa akin at bahagyang nawala ang pagkalukot sa mukha niya niya. "Sorry. May friend ka pala rito."dagdag niya

"Tim, ano ka ba! You don't remember her?"nakangiting sabj ni Wendy

"No?..."sabi niya habang minumukaan kung sino ako

"Gloomy Luallhati, my gosh."sabi ni Wendy at bahagyang napairap kay Tim

"Ay! Uy kumusta ka na? Long time no interaction ah"sabi ni Tim at napahawak pa sa dibdib niya nang malaman kung sino ako

"I'm okay."tipid kong sagot

"Balita ko nandito parents ni Than."sabi ni Tim. Napahinto ako sandali pero ngumiti ako ulit na parang hindi ako naapektuhan

"Tim,ano ba..."kinurot ni Wendy si Tim sa tagiliran.

"Sorry. I thought-

"No, no. It's okay."nakangiting sabi ko

"Oh, pa'no we have to go na rin kasi e. Alam mo naman si mommy,hinahanap na kami at yung apo niya."pagpapaalam ni Tim at binuhat niya si Willa.

"Oh. Okay, bye."pagpapaalam ko

"See you around, Gloomy"-Wendy

Nagpatuloy ako sa pag-iikot sa mall. Hanggang sa may familiar na taong nahagip ng mga mata ko. Guni-guni ko lang ba 'yon?

Nakita ko si Than?

"Miss, tumingin ka naman sa dinadaanan mo."-

"I'm sorry."sabi ko sa babaeng nabangga ko

Si Than.

Nandito siya? Pero imposible...

Ilang sandali pa ang lumipas, hinanap pa rin siya ng mga mata ko. Pero hindi ko na talaga siya nakita. Siguro namalik-mata lang ako kanina. Tingin ko nasobrahan na ako sa pag-iisip kaya pati yung visual ko, naaapektuhan na rin e.

Kung si Than man 'yon. I hope he's okay. I hope he's better now.

Sana... Sana...

buhay siya.

=====

Hello sistahhh! End of chapter 3. I'll try to update again tomorrow. Please continue to support my story. You can vote and comment if you're interested:))
Or baka malasin ka for 5 years if not. Eme

Walang edit na naganap dito. Will fix it tomorrow. And will update the next chap!

Arrivederci.

ContristariWhere stories live. Discover now