Bumaba ako at sumama kay Aling Pinky. May hawak siyang kandila na nasa baso samantalang ako naman ay hawak ang cellphone ko na nakabukas ang flashlight, kapit na kapit ako kay Aling Pinky. Ayokong mahiwalay sa kanya. Pinakaayoko talaga sa lahat ay brownout. It's because every brownout, may nangyayaring hindi maganda or baka talagang na-t-timing-an lang na brownout nangyayari yung mga hindi magandang event sa buhay ko. Katulad nung umalis si papa noon, brownout 'yon. Yung namatay si mama, brownout din 'yon. Nawala si Than, brownout. I don't know pero laging sumasakto. Kaya ngayon, sana naman walang mangyaring hindi maganda.
May inihanda palang Tamilok si Aling Pinky. Tamilok is a special woodworm mollusk ceviche. It is traditionally served with vinegar and chili for a more flavorful experience. It might not be the most appetizing dish to look at, but many attest to its succulence.
(THE PICTURE IS SHOWN SA TAAS)Kinakain talaga siyang hilaw. Actually masarap siya para siyang oyster. More flavorful than oyster. Nung una ko rin itong nakita nung bata ako, hindi ko siya kinain because I'm not convinced sa itsura nya pero ngayon, isa na siya sa mga favorite ko na food. Tourists must give this a try, I'm sure hindi sila magsisisi.
Bukod sa Tamilok, meron din siyang inihanda na seafood boodle fight. Bilang pag-c-celebrate raw ng birthday ni Pablo. Oo nga pala birthday niya ngayon. Nakalimutan ko na dahil matagal na rin akong hindi nakabalik dito. May mahabang mesa at nakalagay rito ang dahon ng saging. Dito nakalagay ang mga seafood na iniluto ni Aling Pinky. May sugpo, bangus, tilapia, tahong, halaan, scallops at kung anu-ano pa. Halaan is a type of shell that can be eaten also. Para rin siyang tahong pero mas maliit ito. Meron ding buko juice na nakalagay sa pitchel at pineapple juice. Ready na ang lahat kaso walang ilaw. Kaya kinakabahan pa rin ako sa mga pwedeng mangyari kahit pilit kong iniiwasan na isipin 'yon.
"Kung bakit ba naman kasi ngayon pa nawalan ng ilaw.."inis na sabi ni Aling Pinky
Ilang sandali pa may kumatok sa pintuan. Binuksan ito ni Aling Pinky. Matandang lalaki nakasumbrero ito. Mukhang kaedad lang ito ni Aling Pinky.
"Kakain na ba?"tanong nito
"Ah oo, hinihintay ko na lang si Pablo e."sagot ni Aling Pinky "Siya nga pala si Gloomy, anak ni Glenna yung may-ari ng bahay na ito."pagpapakilala sa akin Aling Pinky.
"Ahh, ma'am ako si Robert. Tatay ni Pablo."sabi nito at ngumiti lang ako.
Biglang lumiwanag ang bahay. May ilaw na. Mabuti naman at walang nangyaring masama. Ilang sandali pa dumating na si Pablo. Kasama niya si Ayesha, si Tracie at ang baby na hawak nito.
"Happy birthday anak. Nagustuhan mo ba?"si Aling Pinky
"Naku 'nay masyado naman yatang marami ang iniluto mo, eh kakaunti lang naman tayo. Tapos dito pa tayo naghanda sa bahay nila Gloomy pwede namang sa bahay na lang."sabi ni Pablo. Lumapit naman sa kanya si Aling Pinky at hinawakan ang balikat niya
"Anak eh alam mo namang nag-iisang anak lang kita eh. Alangang hindi pa ako maghanda sa birthday mo."paliwanag ni Aling Pinky
"Eh nakakahiya naman kay Gloomy. Nag-aya pa tayo ng mga dadalo. Tas dito pala sa bahay nila gaganapin."sabi nito at napakamot sa ulo
"It's okay. Tsaka mag-isa lang din naman ako rito. Sorry nga pala wala akong regalo sa'yo. Baka pagbalik ko na lang ng Olongapo, ipapadala ko na lang sayo."nakangiting sabi ko
YOU ARE READING
Contristari
Teen FictionShe's finding her peace of mind. The new location of her work due to her promotion will lead her to the real answers. Maybe bad, maybe good answers but at least it is real. The past keeps on hunting her. She is running away from everything but she c...