Ikasampu

6 0 0
                                    

May mga upuan sa ministop. Doon namin kinain ang mga binili ni Ms. Annie sa amin. Malamig ang ihip ng hangin. Ilang sandali pa, pinaupo ni Ms. Annie sina Naithan at Kevin. Nung una, nahihiya pa sila pareho na umupo pero nag-inist si Ms. Annie kaya napilitan silang umupo.

"So how's the first day?"tanong ni Ms. Annie

"Okay lang naman po, actually masaya po kahit medyo nakakapagod."sagot ni Kevin, saka siya nginitian nito

"How about you?" nabaling ang atensyon naming lahat kay Nathan. Tahimik lang ito at walang imik. "I guess napagod ka that's why wala kang energy."dagdag ni Ms. Annie.

Nagpatuloy ang kwentuhan. Maraming naitanong si Ms. Annie sa kanila about sa mga buhay nila pero si Nathan, bihira lang kung sumagot ito. Kadalasan, tumatango lamang, ngumingiti at tipid kung magsalita. May kakaiba akong napapansin sa kanya. Hindi ko ito maipaliwanag.

"Ms. Annie, I'm sorry but I think I have to go."pagputol ko sa usapan

"May problem ba sa hotel?"tanong niya

"Dumating po kasi yung parcel ko, eh wala namang mag-asikaso nun, kaya I think, I really need to go."saad ko

"Alright, take care. And thanks for tonight."nakangiting sabi nito

Ngumiti lang din ako saka naglakad na palayo. Pumara ako ng taxi at sumakay na. Habang papunta sa hotel, iniisip ko ang mga nangyari kanina. Naguguluhan ako sa pagkatao niya. Hindi ko maipaliwanag kung sadyang kamukha niya lang ba talaga si Than o siya talaga si Than. Kasi sa tuwing magsasalita ako, it's either nakatitig siya sa mata ko or umiiwas siya ng tingin. Pero siguro ganun lang talaga siya.

Bumaba na ako sa taxi nang makarating na ito sa hotel. Pumasok ako sa loob ng hotel at kinuha ang parcel. Sinabi ko kasi sa rider na iwanan niya na lang dito sa front desk yung parcel. Umorder ako ng mga dress sa shein at ng mga sandals. Naisip ko kasi, paulit-ulit na lang mga isinusuot ko na outfit lalo na kapag may mga meeting sa company. Pati kapag umaalis ako. Ang problema lang, 20 dress ang binili ko. At sampung sandals. Naparami yata pag-a-add to cart ko. Mabuti na lamang may inorder din ako na organizer, hindi ako mahihirapan na mag-isip kung saan ilalagay ang mga ito. Ang problema kasi sa akin, bihira lang nga ako mag-shopping pero kapag nagshopping naman na, ayan na, ang daming bibilhin.

Nagsimula na akong buksan ang mga parcel, sinukat ko na ang mga dress. Okay naman, kasya naman sa akin lahat. Nang matapos ko na isukat lahat, nagtataka naman ako dahil may isa pang parcel na hindi nakabukas. May sobra? Chineck ko yung cellphone ko para tignan kung 21 ba ang inorder ko pero nung i-open ko ito, 20 items lang talaga. Natakot naman ako. Baka kasi mamaya may nagmumulto na. Eh mag-isa pa naman ako rito sa may hotel.

Pero sa kabila ng pangamba at takot kung ano yung laman nito at kung saan ito galing, kinuha ko pa rin ito at binuksan. Nahulog ang sticky note sa loob nito.

Read this to know the answers

May isang bote na punong-puno ng nakarolyo yung messages sa loob. Lakas makajejemon vibe naman nito. Baka para to sa cheating ng students, nagkamali ng bigay. Naisip ko na baka nagkamali lang sila ng padala, pero sabi dun sa baba, talagang for Ms. Gloomy Luallhati raw. At sinabi rin na nabayaran na raw ito. Itinanong ko rin kungbaka may kapangalan lang ako sa hotel pero sinabi sa akin na wala raw talaga. Kaya napagisipan ko na buksan na ang bote at bumunot ng message.

"Talagang para sa akin ha. Matignan nga ang laman."bulong ko

Answer # 7

You don't know how much I love you. Araw-araw iniisip ko sana hindi na lang nangyari 'yon. Pero okay lang din naman because at least you're successful now.

Napaisip ako sa laman nito. Mukhang serious. Bumunot pa ulit ako ng isa, naintriga ako sa laman nito

Answer # 3

Life is hard without you. Rainbow turns blue. I hate giving you this space, it makes me sad. But because this is your request, I granted it for the sake of this love.

Answer # 1

I'm not dead. Sorry for making you feel bad.

Napatigil ako. Nagkaroon ako ng idea kung kanino gqling ito. Tumayo ang mga balahibo ko sa katawan. Nakaramdam ako ng takot pero kalaunan, nakaramdam din ako ng curiosity.

Than?

Sandali, hindi naman ako masyadong sigurado eh. Ni hindi ko nga alam kung saang lupalok nanggaling itong bote na ito eh. Pero ang lakas ng kutob ko.

=====








You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 04, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

ContristariWhere stories live. Discover now