Ikasiyam

3 0 0
                                    

Flashback

Palawan, (2days after graduation)

Hindi ako sigurado talaga sa desisyong gagawin ko pero sa ngayon kasi, ito yung sa tingin ko ay tama. Kahit hindi masyadong maganda ang pakiramdam komag-b-byahe pa rin ako. Ilang araw na ko nahihilo siguro dahil sa stress na nararanasan ko.

"Sigurado ka na ba talaga sa desisyon mo? Magpupunta ka sa Manila?"tanong ni mama

"Ma, 'wag ka na mag-alala sa akin. Kaya ko naman ang sarili ko. At isa pa, mas maraming opportunity doon kaysa rito."sagot ko

"Anak kung galit ka pa rin sa akin dahil sa nangyari nung graduation eh hindi naman ito ang solusyon para-

"Ma, you should trust me. Uuwi naman ako e. Kailangan ko lang talaga lumayo ngayon."sagot ko

Yumakap naman si mama sa akin pero parang wala akong nararamdaman. Hindi ko alam pero may kaunting tampo pa rin akong nararamdaman sa kanya. Disappointed ako sa nangyari nung graduation and at the same time, nakokonsensya ako. Sinabi ko na kasi kay mama na huwag na lang ako umattend dun eh pero nagpumilit pa siya. Ayan tuloy puro kahihiyan ang natanggap namin.

Bumyahe na ako papuntang Intramuros. Hindi ko alam kung anong magiging buhay ko rito. Hindi ako sigurado sa desisyong ginawa ko. Ang importante lang kasi sa akin ay makaalis, makalayo mula sa lahat ng tao sa paligid ko. Gusto kong makalimutan lahat. Gusto kong magsimula ng panibagong buhay.

Nagrenta ako sa isang apartment dito sa may Intramuros. Okay naman yung lugar. Sakto na ito para sa akin dahil isa lang naman ako. Si Aling Ditas yung landlady dito. Ang sabi niya Nay Ditas na lang daw ang itawag ko sa kanya. Mabait siya kahit ilang linggo pa lang ako namamalagi rito. Wala akong problema pagdating sa landlady na ikinagaan ng loob ko. Yung iba kasi masusungit e. Pero si Nay Ditas, iba siya. Parang anak ang turing niya sa'ming mga nagrrent sa kanya.

Nagtatrabaho ako kay Mr. Zhua. Sa Jabe ako nakaassign bilang isang cashier. Ito yung may pinakamababang sweldo sa lahat pero okay na rin kasi kailangan ko rin talaga ng income para may maibayad ako sa renta at makakain ako. Pauwi na ako ngayon. Ang lakas ng ulan. Sabi sa news mag-b-brownout daw buong Intramuros. Dalawang oras na ang brownout. Sana magkakuryente na. Ang lakas ng hangin. Sumasayaw ang mga puno. May bagyo yata e. Ilang sandali pa tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko kaagad ito sa bulsa ko. Nakasilong ako rito sa isang tindahan. Nag-a-abang ako ng jeep na masasakyan.

"Hello?"-

"Hello Gloomy? Umuwi ka na ngayon."- si Aling Pinky

"Po? Bakit po? May work po ako rito e. Baka hindi po ako kaagad makauwi riyan eh alam nyo naman po ang-

"Gloomy ang mama mo..."-

Bigla akong kinabahan.

"B-bakit po? Anong nangyari?"kinakabahang tanong ko

"W-wala na s-siya Gloomy. Gloomy umuwi ka na."-

Pinatay ko ang tawag sa phone. Humina na ang ulan. Ambon na lang ito at nagkaroon na rin ng kuryente ang paligid dahil nagsindihan na ang mga ilaw sa poste at ilaw sa ibang bahay. Agad akong pumara nang may dumaan na jeep. Dali-dali akong sumakay. Nagbayad na ako pagkatapos ay naghintay ng ilang minuto para makauwi na. Basang-basa ako nang makauwi ako. Nagpaalam ako kaagad sa landlady na si Nay Ditas. Sabi ko dalawang araw ako mawawala.

ContristariWhere stories live. Discover now