I would like to dedicate this chapter to
BLACKLADYSMIRK_15
Because I highly appreciate your effort in visiting Throne at Novelah right after two weeks of released. I just noticed it recently at sobrang natuwa ako. Thank you ng marami at sa iba pang matahimik lang na sumusubaybay. Lovelots guys!❤️❤️❤️⭐⭐⭐⭐⭐⭐
Ayazumi's POV
It's been a week since my lady and I parted ways. I wonder how is she doing now. Sana ay walang magtangkang umangkin ng baril niya dahil mukhang nakakaakit talaga sa paningin ng mga tao sa mundong ito ang mga kakaibang bagay. Alam ko naman na kaya niyang ipagtanggol ang sarili niya, inaalala ko lang ay yung magtatangka. Baka maubos ang mamayan ng Satie kapag nagpatuloy ang pagkanti nila sa master ko. Tch.
"Ms. Aya, natipon ko na ang mga mamayan ng village. Nandoon narin ang aking ama." Wika ng babaeng anak ng tumatayong pinuno ng maliit na village na ito.
"Salamat, susunod na ako." Sagot ko at lumabas na ito sa silid.
I am currently staying in the Southern part of the Karsen territory. I just finished scouting and making a map from the Northern area to Eastern part of the territory. Dumating ako sa lugar na ito kagabi lamang.
Binilisan ko na nga ang paggawa ng misyon ko ngunit hindi ko akalaing malaki pala ang teritoryong ito kaya't ang plano kong isang linggong trabaho ay mukhang magiging dalawang linggo. Hindi sapat ang aking bilis at abilidad para tapusin ito pero gagawin ko parin ang makakaya ko para makabalik agad at magsilbi kay Ms. Yve. Marami na rin akong nakalap na impormasyon tungkol sa kasalukuyang kalagayan ng teritoryo ng Karsen but still it will never be enough to someone like the young lady that I am serving.
Lumabas na ako sa maliit na bahay na tinuluyan ko at nagsimulang maglakad patungo sa nagtitipon na mga mamamayan dito. I haven't talked to the leader of this area since the one who welcomed me when I arrived here is his daughter. I don't know but it seems like everyone was busy doing their job or I just came too late yesterday night so I didn't met them.
Habang papalapit ay unti-unti ko rin naririnig ang pag-uusap ng mga ito.
"Totoo kaya ang balita na iyon?"
"Hindi ko alam ngunit iyon ang narinig ko sa usapan ng mga knights na nagmamartsa pabalik ng Karsen Palace. Muntik pa nga akong mahagip ng kabayo nila dahil sa pakiki-usyoso ko."
"Sana naman ay tunay upang magkaroon ulit tayo ng sapat na pagkain."
Ilan lang 'yan sa mga naririnig ko. Ano nanaman kaya ang ginawa ni Ms. Yveria.
"Maari ho bang tumahimik muna ang lahat? Mayroon ho tayong bisita at may ilan lamang siyang itatanong sa atin." Anunsyo ng anak ng leader nang mapansin ang pagdating ko.
Agad naman nagsilingunan ang lahat sa akin. What? They don't have to do that.
Lumapit ako sa may upuan ng leader sa unahan dahil nandoon din ang anak niya.
"Ama ito na po ang ating bisita, si Ms. Aya." Pagpapakilala sa akin ng anak nito.
Inilahad ko ang kamay ko para sana makipag shake hands pero hindi pala uso ang gesture na 'yun dito. Geez. Mabilis ko rin itong binawi dahil tiningnan lamang ako ng leader ng may pagtataka. Nagbow na lang ako ng bahagya. Hindi parin talaga ako nasasanay sa mundong ito.
BINABASA MO ANG
Throne
FantasyA woman who was raised like a killing machine. The one who never shows mercy to anyone who makes her mad. The one who will take you to hell when you get in her way. She was once a lovely lady who smiles sweetly to everyone but now turns into a cold...