"KUMUSTA, kie? Ang tagal mong Hindi nagpakita rito,ah," sabi ni Micah nang kukunin na niya rito ang susi ng bahay ng kuya niya."Medyo naging busy lang ako sa maraming bagay. Studies and then work. Ikaw?"
"Naging busy din ako sa pagpapatino ng mga baliw. I'm a registered nurse at Philippines Mental Health now. So, makikigulo kana Rin Dito aa village?" Tinaas pa nito ang kilay.
"Not really. Pinababantayan lang saakin ni Kuya ang bahay nila habang Wala sila, nag bakasyon Kasi sila sa Palawan."
" Oh, that's good." Ibinigay nito sa kanya ang susi. "Minsan Kasi ay napo-possess ang mga bahay Dito at naglalakad sila mag-isa kapag walang tao sa loob." Haha grabe ang takas talaga ng amats ng babaing toh.
"Yeah, I heard about it," pakikisakay nalang niya rito. " Well, it's nice to seeing you again, Micah. So, paano, papasok na ako sa loob. Pasensiya na uli sa istorbo, ha?"
"Oh, it's okay. Good night, khiara. Nice seeing you again. And stay away from Mark. Miyembro iyon ng masamang kulto HAHAHA."
Iiling-iling na lang siya habang patungo sa bahay ng kuya niya. She really couldn't believe that woman. Napakaliit na tao pero nuknukan ng kulit. Kaya siguro hindi na nakakapagtakang kahit kailan ay hindi ito nakasunod ng paborito nitong kaaway na si Mark.
Pagpasok sa loob ng bahay ay napangiti siya nang makita ang kabuuan ng malawak na sala. Wala Kasi sa pagkakaayos ang ilang kagamitan Doon Dala marahil ng pagkakasagi ng Kung sino. Tahimik na tahimik ang paligid .Kung hindi siya nahkakamali, ngayon na lang uli nakatikim ng katahimikan ang bahay naito.
Nagtungo na siya sa guest room upang makapagpahinga. She really like going to her brother's house. Nakikita Kasi niya sa mga pamangkin ang kakulitang hindi niya napansin noon sa Sarili.
Ibinagsak niya sa carpeted floor ang dalang bag at humugot ng damit-pantulog, white T-shirts at pink pajamas Saka nagbihis.Wala pa siyang balak matulog kaya kinuha rin niya sa bag ang mga business reports upang pag-aralan habang hinihintay na dalawin siya ng antok.
Pero Hindi pa man siya nag-iinit sa kinauupuan nang maalalang hindi pala niya na-eh lock ang pinto sa Sala. Tsk! Baka totoo Yung sinabi ni Micah hayysst
Papers in hand, she walked back to the living room. She locked the door, turned around and screamed. Nagulat din ang lalaking kaharap niya kaya napasigaw rin ito. Naputol lang ang ingay nila nang paluin niya ito ng mga hawak na papelis.
"Saklolo! Tulungan ninyo ako! May magnanakaw sa loob ng bahay namin!" Patuloy niya itong hinahampas.
"Aw! Stop it!"
"May addict na magnanakaw Dito! Waaaahhhh!" Nahawakan nito ang mga braso ko.
"Rapist! Rapist!" Wahhh help kuya!!!
"I said stop it! I'm not a criminal."
"Criminal ka!" Tinuhod niya ito sa maselang bahagi ng katawan nito ngunit agad din itong nakalayo. Dinampot niya ang katabing lampshade at iniamba iyo Dito, sige subukan lang niya lumapit.
"Marunong akong pumatay ng tao. Huwag mo akong subukan."
"I'm not a criminal." Napamaywang ito. "I live here."

BINABASA MO ANG
BACK TO YOU (Complete)
Romance"I'm a girl trapped... in man's body" "Okay.I'II pretend to be a real guy for a while.. Now, what are you going to do?" "I didn't mean to lie to you or hurt you.I only wanted to near you again.Pagkapos ng maraming taong pagkahiwalay natin,hindi mo...