EAST Grandmall Bowling Alley. Doon nakarating si khiara natapos siyang mag-walk out sa kanyang opisina. Sa paglalaro ng bowling niya ibinuhos ang lahat ng frustrations na nararamdaman niya. Nangangalay na ang kanang braso niya dahil ang mga ginagamit niyang bowling ball ay iyong mga pinakamabibigat na tuwing inihahagis niya ay tila mababasag ang bowling lane. Ni Wala siyang pakialam kung ang mga tira man niya ay gutter lang ang nakikinabang. Buong lakas na pinakawalan niya ang bawat bitaw ng mabigat na bola."Khiara?"
Nilingon niya ang nagsalita. Isang binabae ang nakita niyang papalapit sa kanya. "Do I know you?"
"Oh, my gosh! It's really you! Ako ito, girl. Si Miguel —well, Michelle na ako ngayon."
Pansamantalang nakalimutan niya ang kanyang sintimyento nang pagmasdan ito. "Miguel? Ikaw talaga iyan?"
"Yes, girl! Kumusta kana?"
"Okay lang," walang ganang sagot ko. "Ano nga pala ang ginagawa mo rito?"
"Naghahanap ng boylet." Impit itong humagikgik. "Actually, binisita ko ang bagong branch ng parlor ko sa mall na ito. My fifth branch."
"Congrats. Mayaman ka na pala."
"Hindi naman. Masipag lang ako. Hay naku, let's sit muna, sister. Para makapagkuwentuhan tayo nang maayos." Umupo sila sa Isang bench. "Ikaw, ano nga pala ang ginagawa mo rito? Nang makita Kita kanina, parang gusto mo nang basagin ang mga bola ng bowling sa paghahagis mo."
"Naglalabas lang ako ng frustrations."
"Hmm, parang alam ko na ang ipinagkakaganyan mo, girl." Pinagmasdan siya nito. "You look like you had your heart broke."
"I don't want to talk about it, Miguel."
"Aray, ang sakit naman sa ears." Tinakpan pa nito ng malalantik n daliri ang mga tainga niya. "Teh, pasalamat ka at may history tayong dalawa dahil kung hindi, sinabunotan na Kita!"
She just stared at her canned soda. Kahit paano ay may pinagsamahan naman talaga sila nito. Hindi lang gaya ng sa kanila ni Christian. Pero Masaya siya na may Kasama siya ngayon na puwede niyang kausapin.
"Natatandaan mo pa ba si Christian, Mig— I mean, Michelle?"
Impit itong tumili. "Si Papa Christian? Of course naman, no? Super duper mega crush ko nga iyon noon,eh. I think siya ang first crush ko."
"Kung gano'n kaya mo lang ako niligawan ay dahil gusto mong mapalapit sa kanya?"
"Yeah,kinda. Bakit, magdyowa na bah kayo?"
"No."
"Why not? He seemed to really like you back then."
Napatingin naman ako rito. "H-he liked me?"
"Haller! Ano pa kaya ang ibig sabihin ng mga kakaibang sulyap niya sayo kapag hindi ka nakatingin sa kanya? O, ang pag-aalala niya nang husto kapag hindi mo naipaalam sa kanya kung saan ka nagpupunta?"
"Pero Akala ko...sa iyo siya may gusto kaya lagi niya akong sinasaway pag magkasama tayo."
"Hay naku, wish ko lang, sister. Dahil kung sakaling nagkatotoo iyon, ako na Ang pinakamasayang girlalush sa Mundo. But unfortunately, ikaw nga ang gusto niya. Natatandaan ko pa nga ang araw na komprontahin niya ako. I thought he was going to propose to me. Pero Ang Lolo mo, pagbabantaan lang pala ako."
BINABASA MO ANG
BACK TO YOU (Complete)
Storie d'amore"I'm a girl trapped... in man's body" "Okay.I'II pretend to be a real guy for a while.. Now, what are you going to do?" "I didn't mean to lie to you or hurt you.I only wanted to near you again.Pagkapos ng maraming taong pagkahiwalay natin,hindi mo...