Chapter 3

0 0 0
                                        


   NAGHIHIKAB pa rin si Khiara, paglabas ng silid nang umagang iyon. Hindi tuloy niya namalayan ang paglabas si Christian sa kabilang silid kaya nakabanggaan pa niya ito sa makipot na hallway. Mabuti na lang at maagap siya nitong naalalayan. Gosshh lutang parin ako, Hindi pa rin ako na makapaniwala na nandito na si Christian.

  "Lagi na lang ba tayong magkakagulatan?" Natatawang tanong nito. "Teka, gising ka na ba?"

  "Oo, kaya puwede mo na akong bitawan." The mere touch of him just made her senses into full alert. "Weird." Bulong ko sa sarili.

  "What?"

  "Wala. Nag-breakfast ka na?"

  "Hindi pa. I was hoping ba sabay tayo "  Nais siya nitong makasabay sa pagkain? Omygoshh!

  "Khiara? Are you okay? Sigurado Kang gising ka na?"

  "Ah, madya-jogging na muna ako at nang mawala itong agiw sa utak ko. Hindi Kasi ako makapag-isip ng tama hangga't Hindi nakakapagpapawis kahit paano."

  "Oh, that's a good idea. Sabay ba tayo. Sa garden na lang kita hihintayin. Magwa-warm up lang ako sandali "

  Wala na ito sa harap niya bago pa man siya makasagot. Tinampal-tampal niya ang mga pisngi para siya natauhan. "Wake up, khiara!" Aniya sa sarili...oh God !

  Dumiretso na lamang siya pabalik sa kanyang silid, naghilamos at nagbihis. Nakatukong yata ang malamig na tubig na ipinanghilamos niya kaya kahit paano ay umayos ba uli ang takbo ng kanyang isip.

  "Christian, halik—" Natigilan siya nang maabutan ito sa garden na nag pu-push ups sa Isa sa mga benches doon gamit ang Isang kamay lang. God! look at those arms!

  "Whoa!" Sambit na lang niya.

  She had never seen a gay guy with a very sturdy -looking arms like that before.

  "Eighteen, nineteen, twenty —" Nakita siya nito mula sa pagkakayuko nito. Tumayo na ito. "Nandiyan ka na pala. Let's go?"

  "Look at your hands," aniya. "Masisira ang balat mo kung aaraw-arawin mo ang pagpu-push up. Teka, masakit ba?"

  "Ha? Ah, oo. Masakit." Hinilot niya ang palad nito.

  "Wow, that felt good. Isa pa nga."

  "Lagyan muna kaya natin ng moisturizers?"

  "Bakit?"

  "Para hindi mag-chap ang mga kamay mo. Iyon ang palagi Kong ginagawa kapag nai-stress out ang mga kamay ko. At saka ko hihilutin kapag na relax uli ang mga muscle."

   "That sounds nice. Okay, do your thing." Tinapunan niya ito ng nagtatakang tingin.

  " I mean,baka kapag -stress out nga ang mga kamay ko ay hindi na ako makakahawak pa ng suklay—hairbrush pala."

 
  "Okay."

Habang pabalik sa kanyang kuwarto ay hindi niya mapigilan ang sariling mapakunot ang noo. Bakit hindi mawala ang nararamdaman niyang kakatwa para Dito?

BACK TO YOU (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon