MABILIS NA nakarating sa Village si khiara matapos ang naging pag-uusapan nila ni Miguel este Michelle. Naabutan niya sa bahay ng kanyang kuya ang mga pamangkin niya na kasalukuyang naglalaro sa garden Kasama ng dalawang batang lalaking magkamukhang-magkamukha. Kylie, the youngest and the only girl among the four kids, was crying and the first to see her. Mabilis itong timakbo sa kanya."Tita Khiara! Away nila ako!"
Mabilis namang dumepensa ang nakatatanda nitong kapatid.
"Eh, Kasi, Tita, bawal naman talaga ang mga girl sa laro namin. Pang-boys lang ang baril-barilan. Eh, hindi naman po boys si Kylie."
"Kahit na. Marunong naman ako ng baril-barilan." Patuloy sa pagnguyngoy ang pamangkin.
"Tita, pagalitan mo sina kuya at Keith at Kent."
Gusto man niyang kampihan ang pamangkin ay mas mabuti nang malaman nito kung saan dapat ito lulugar. She knew she was still too young to understand the situation. Pero mas mabuti na iyon kaysa naman maransan nito ang hirap nang hindi alam kung saan ito nararapat. Hindi lang Kasi isip nito ang magugulo. Pati na rin ang mundo nito kapag nagkataon.
"Kylie, may mga dolls ka naman na puwedeng laruan, hindi ba? Iyon na lang ang paglaruan mo. Pangit naman ang mga toys nina Kuya mo, eh."
"Pero..."
"Just call your friends. Hindi ba't ikinukuwento mo sa akin noon nang maglaro kayo ng lutu-lutuan nina Lily at Elle?"
"Opo." Pahikbi-hikbi na lang ito.
"Iyon naman pala. Eh, di kayo na lang uli ang maglaro. Hindi ka pa madudumihan. Tinginan mo ang mga kamay ni kuya mo, dirty. Pagagalitan iyan ng mommy mo mamaya."
Sa wakas ay nagawa na ring ngumiti ni Irish. Ilang sandali pa ay nagtatakbo na ito sa labas ng bahay. Marahil ay upang sunduin ang mga kalaro. Napansin naman niyang nawala na sa paglalaro ng mga maliliit na sundalo ang tatlong batang naiwan sa garden.
Mukhang na-fascinate din ang mga ito sa paliwanag niya.
"Just stay with your toys, boys. Siyanga pala, Kyle. Nakita mo ba si Tito Christian mo? Tanong niya sa panganay.
"Hindi ko na po siya nakikita, Tita."
"Ha?" Umalis na naman ba ang lalaking iyon nang walang paalam?
"Hindi na po lumalabas ng house niya si Tito Christian." Wika ng isa sa kambal.
"Monster na siya," dugtong ng kambal nito.
"Oo nga po." Sang-ayon pa ni Kyle. "Sa garden ng house niya kami naglalaro dati pero ayaw na niya ngayon. Maingat daw kami."
"Hindi naman po kami maingay, eh." He pout
"Lagi na po siya galit. Monster na siya."
"Hindi na lang kami punta sa house niya. Pero maganda talaga garden niya, di ba, Keith?"
"Oo. Nag-swim pa nga po si Kent sa Swimming pool ni Tito Christian dati pero hindi po siya nagalit. Pero ngayon Po, hawak lang kami sa gate ng house niya galit na po siya agad. Monster talaga po siya, Tita."
"Teka Muna," awat niya sa tatlo sa pagmomonologue ng mga ito. "Kyle, Ang ibig mong sabihin, hindi na rito nakatira si Tito Christian mo?"
BINABASA MO ANG
BACK TO YOU (Complete)
Romance"I'm a girl trapped... in man's body" "Okay.I'II pretend to be a real guy for a while.. Now, what are you going to do?" "I didn't mean to lie to you or hurt you.I only wanted to near you again.Pagkapos ng maraming taong pagkahiwalay natin,hindi mo...