Chapter 6

0 0 0
                                        


  MUNTIK nang madulas sa hagdan si Khiara nang paggising niya kinabukasan ay Makita niya si Christian sa kusina. Wala itong damit pang-itaas. Nakapantalon lamang ito kaya kitang-kita ang magandang proportion ng katawan nito.

  "Good morning. Eksaktong, nakapaghanda  na ako ng..." Nagpamaywang ito nang mapansin marahil ang pagkakatitig niya rito. Hindi talaga ito mukhang binabae. "Ano'ng problema? Bakit ganyan ka makatingin?

  "Masarap ba ang mga iyan?" Tanging nasabi niya upang maiwasan ang tanong nito. Kumapit pa siya rito.

  "Ah, oo naman." Sinulyapan nito ang mga kamay niya sa braso nito. "Para saan iyan?"

  "Wala lang."Lalo pa niyang hinigpitan ang pagkakapit dito. "Ganito talaga ako sa Umaga."

  "This is sexual harassment, you know."

  "Bading ka. Bakit haharasin?"

  "Ganon? Paano kung nagkataong hindi ako bading? Anong gagawin mo?"

Gagahasahin ka at sisiguruhing hindi ka na makakawala pa sa akin.

  "Maging lalaki ka muna."

  "Sure." Ibinaling nito sa kanya ang buong atensyon nito. "Okay. I'll pretend to be a real guy for a while. Now, what are you going to do?"

  "Well, first..." Lumayo siya sa binata. "I'll stay away —"

  "Bakit?"

  "Siyempre, kung lalaki ka na nga, natural na hindi ako puwedeng umakto nang ganito sa iyo. Kumabaga, pakikiramdaman muna kita—"

  "I'm still gay."

  "Akala ko ba we're pretending you're a real guy at the moment?"

  "Just reminding you. Okay, go on. Ano pang gagawin mo ngayong pansamantala akong naging lalaki kunwari?" Humakbang ito palapit sa kanya.

  "Bakit lumalapit ka?"

  "Don't guys do this to the woman they like?"

  "Malay ko,"pabalang na sagot ko upang pagtakpan ang naramdaman. "Lalaki ba ako?"

  "Okay." Nang madikit siya sa refrigerator ay inilapit nito ang isang kamay sa ulunan niya at muling nagkalapit ang kanilang mga mukha. "Since we're pretending at the moment, why don't we pretend that I'm about to kiss you. As a real guy."

  "C-chris—"

  "Yes?"

  "Y-you're scaring me." Mabilis na naglaho ang panunukso sa mga mata nito at napalitan ng emosyong hindi niya maintindihan. "I mean...medyo hindi lang talaga ako sanay na—"

  "I didn't mean to scare you." He gently touched her cheek with the back of his other hand. "Sorry, hindi ko dapat ginawa iyon."

  "P-pero hindi naman..."

Ngumiti ito at lumayo na sa kanya. She could feel frustration now building inside her. Frustration that she didn't know what to do when he acted like that.

  "Mag-breakfast na nga lang tayo " He pulled a chair for her. Naupo na rin siya at pinagsilbihan siya nito agad.

  See that? The Christian she knew a few years ago wasn't like this at all. Hay naku!

BACK TO YOU (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon