Chapter 5

0 0 0
                                    


    DON'T YOU ever lay a finger on my girl. Iyon ang mga sinabi ni Christian na hindi maalis sa isipan ni khiara. Wala naman talagang kakaiba sa mga salitang iyon subalit tila iba ang dating niyon sa kanya. Parang tumatagos iyon sa puso niya. Nais Sana niyang linawin iyon sa kaibigan. Ang problema, mula nang dumating sila sa bahay galingsa grocery store ay hindi na ito umimik pa. Hindi tuloy niya ito matanong.

  Nagkaroon ng kaguluhan kanina sa parking lot ng grocery store nang pumalag ang tatlong lalaki Kay Christian. For the first time, nasaksihan niya Kung gaano kalakas ang kaibigan. Tatlo laban sa Isa. Mabuti na lang at lasing ang mga lalaking iyon kaya mabilis ding napatumba ng kaibigan niya bago pa dumating ang mga guwardiya.

  Pero bakit nga ba kanina pa siya nito hindi man lang pinapansin? Sa huli ay hindi na rin siya nakatiis sa pananahimik nito.

  "Galit ka ba sa akin?" Tanong ko dito. "Ano bang ginawa ko?"

  "Let just not talk about it."

  "I want to talk about it. Ayokong lagi na lang nanghuhula kung ano ang iniisip ng ibang tao."

  "Kung gano'n, huwag mo na lang isipin ang iniisip ko." Hay ang gulo niya!

  Humalukipkip ako. "Puwede bang huwag ka nang mag-inarte riyan? Sabihin mo na sa akin kung anong problema."

Binitawan nito ang hawak na canned goods at kunot noong binalingan siya. "Hindi ako nag-iinarte lang."

  "Kung gano'n, bakit ganyan ka?"

  "Dahil hindi ko maintindihan kung bakit kailangan mo pang isuong ang sarili mo sa gulo." Napakislot pa siya sa galit nitong tapikin ang plastic bag sa harapan nito. "Bakit hindi ka lumayo sa mga lalaking iyon soon sa parking lot nang sabihin Kong lumayo ka na?!"

  "Iyon lang ang ikinagagalit mo?"

Lumapit si Christian sa kanya. She could see frustration in his eyes. Galit nga yata talaga ito.

  "They could have hurt you. Alam mo ba iyon ha, khiara? Sa liit mong iyan, isang pitik ka lang sa kanila. Pero imbes na lumayo ka, sinubukan mo pa talaga sila."

  "Bakit parang ako pa ang sinisisi mo sa nangyari? Ipinagtanggol lang naman—"

  "Hindi ko kailangan ang tulong mo! Sa laki Kong ito, kayang-kaya ko silang lahat." Tsk! Yabang ah

  "Talaga?" Mataas na rin ang tono ng boses ko dala ng pagtatampo sa sinabi nito. "Kung gano'n, bakit hindi mo sila nilabanan ng insultuhin ka nila?!"

  "Dahil ayokong mapasubo sa away. Ayokong mapahamak ka!'

  "Hindi ako mapapahamak!" Sigaw ko Dito

  "Khiara! They could have hurt you!"

  "Sinabihan ka nilang bakla!" Para na kaming mga bingi sa palitan namin ng sigaw

  "I don't care!"

  "Don't yell at me!"

Tila may sasabihin pa ito ngunit imbes na magsalita ay marahas na lang nitong isinuklay ang mga daliri sa buhok. The he sighed ang turned away from her. "I'm sorry," malumanay nang muli ang boses nito. "Hindi Kita dapat sinigawan. Magpapahangin lang ako sa labas."

BACK TO YOU (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon