"ANG DAMI naman nito," puna ni Christian sa grocery basket na bitbit nito. "End of the world na ba bukas?""Nagrereklamo ka?" Dinagdagan pa niya ng dalawang balot ng sanitary napkins ang laman ng basket nila. "Huwag ka nang maarte diyan. Guwapo ka naman,eh."
Ngumiti lang ito. "Sabi ko nga kulang pa ang mga ito. 'Ayun, Pink. Para kompleto na Ang kulay ng napkins mo."
"Mataas, eh. Ikaw na lang ang kumuha."
Naramdaman na lang niya ang pag-angat ng kanyang katawan. Binuhat na pala siya nito."Hayan," anito. "Abutin mo na."
"Christian, ibaba mo ako!"
"Kaya mo na iyan. Bilis, at ang bigat mo."
"Ibaba mo na sabi ako. Hindi ko na kailangan ng napkins." Mayamaya pa ay maiangat na rin siya nitong ibinalik sa sahig. "Ano ka ba! Nakakahiya sa mga tao!"
Nakatingin na Kasi sa kanila ang ibang mamimili toon dahil sa katatapos lang na eksena nila ang iba ay kinikilig pa dahil ang sweet daw kuno ng boyfriend ko! He just shrugged off his shoulders and picked up their basket.
"Hayaan mo sila. Sigurado Kang hindi mo na kailangan ng kulay Pink na napkins?" Paninigurado nito sa kanya.
Itinulak na lang niya ito patungong counter."Kung bakit naman Kasi abot mo naman ang estante, binuhat mo pa ako!"sinamaan niya ng tingin si Christian
"Sinamahan na nga Kita toon, gusto mo pang hawakan ko ang bagay na iyon? Abuso ka na."
Parang gusto na talaga niyang maghinala rito
He do push ups and likes basketball. Ngayon naman ay hindi ito mapakali sa women's personal hygiene section. Wala man siyang alam kung ano ang karakter ng mga binabae pero dahil may kapatid siyang lalaki, nakilala niya ang mga ihinagawi ni Christian. Iyon ang ilan sa mga character ng mga tunay na lalaki.Hindi kaya hindi naman talaga ito bading? Nawala lang siya sa kanyang pagninilay-nilay nang nakarating sila sa Counter para magbayad. Ito ang nakapila para sa kanila kaya kitang -kita niya nang sulyap-sukyapan ito ng mga nakapila rin doon at sa iba pang Counter. He seemed oblivious of hype he was creating as he fumbled on his wallet. Nang may naglakas loob na kausapin ito. At sa nakikita niya, binabae rin ang mga ito na tila nagka-crush nang husto Kay Christian.
"Ang pogi-pogi mo naman, fafa."
"Thanks." Ngumiti lang si Christian at lalong tila nahumaling ang mga iyon dito. Natutuwa rin siya na maganda ang pakikitungo niti sa mga kasapi ng third sex. Ang ibang mga lalaki Kasi, binabasto na ang mga ito na para bang hindi sila tao.
Christian just earned himself another ten thousand pogi points on her book. Patuloy lang ito sa pakikipagkuwentuhan at pakikipagbiruan sa mga tao room na nakisali na rin sa mga ito.
Hanggang isang maganda at sopistikadang babae ang dumating at walang kiyemeng nakipagkilala Kay Christian. Sa ginagawa nito ay muntik na itong Sabunutan ng tinabig nitong bading kung hindi lang ito napigilan ng mga Kasama nito.
"Hi! I'm Marielle." Nang-aakit nitong pakilala
"Hi! I'm married."
Burn.
Naghalakhakan ang mga tao roon sa isinagot ni Christian sa babae. Nagmamadali nang umalis ang babae namumula na ang Mukha dahil sa hiya. Saka naman bumaling sa kanya ang nakangiting kaibigan. Loko!

BINABASA MO ANG
BACK TO YOU (Complete)
Romance"I'm a girl trapped... in man's body" "Okay.I'II pretend to be a real guy for a while.. Now, what are you going to do?" "I didn't mean to lie to you or hurt you.I only wanted to near you again.Pagkapos ng maraming taong pagkahiwalay natin,hindi mo...