Simula
Mishael Tristan Stratford
HIS POV
"Woah. Is this the place?" Nilingon ako ni Kalyx habang kinukuha ko ang mga bagahe ko mula sa likod ng sasakyan.
Tumango lang ako at sumulyap narin sa malaking bahay na binili ko dito sa Dumaguete. It's a two-storey house. Modern ang design pero simple lang. I'd like it that way.
"Pasok tayo sa loob? Let me help with that, dude." Ngiti ng pinsan kong si Kalyx at tutulungan na sana niya ako sa mga bagahe. Umiling ako.
"I can handle." sabi ko sa pinsan ko at dumeretso na ako sa loob ng gate. Binaba ko muna ang mga bagahe bago binuksan ang kulay itim na front door ng bahay. Sumunod lang sa akin si Kalyx.
"So.. You're gonna live here in Dumaguete from now? Huh, Mish?" Nagbuntong hininga si Kalyx sa likuran ko.
"Oo." tipid kong sagot.
"I'm gonna visit you here often then. Doon lang naman ako sa Cebu. It's just hours from here." Kibit balikat niya.
Pumasok na kami ng living room. Nilagay ko lang ang mga bagahe ko sa isang gilid. The place was spacious, fully furnished narin. Kulay puti, brown, at itim ang motif ng buong living room. I guess this is my new home.
Umupo lang ako sa sofa at pinikit ang mga mata ko.
"Dude.." kahit nakapikit ako ay alam kong umupo si Kalyx sa isa rin sofa sa harap ko. May maliit na glass table na pumapagitna. "Hindi ka na talaga.. uuwi ng Manila? You just got home from the States. I mean, ilang araw ka lang doon sa Manila tapos dumeretso ka na kaagad rito. Si tita at si tito? Alam na ba nila ang.. ang results ng check up mo doon sa States?"
Unti-unti kong minulat ang aking mga mata. Tumikhim ako at walang ekspresyon kong tiningnan ang pinsan ko.
"You think I'd want to tell my parents that I've got only months left to live this life? I won't do that, Kalyx." Buntong hininga ko at pumikit ako ulit.
"Mishael, you're really doing this again? Hiding that.. that condition? Why? Because of Athalia?"
Nang narinig ko ang tanong ni Kalyx at natigilan ako. That.. name. That girl's name. Hindi ko maiwasang maalala ang lahat ng nangyari noon sa akin... sa amin.
"Athalia has got nothing to do with this. It's been months after what happened. I got over it, Kalyx." matigas kong sinabi, naka dequatrong nakaupo sa sofa.
"Yeah, yeah... Sure you got over it. Tss.." humalukipkip si Kalyx at umiling iling siya.
"I got over it, Kal. Let's not talk about this." Nagbuntong hininga na lamang ako at sinandal ang aking ulo sa sofa.
Tumikhim si Kalyx. He's a great cousin. Magkaedad lang. May trabaho siya doon sa kumpanya niya sa Cebu. May kumpanya rin ang parents ko doon sa Manila, which I took care of for the past years. Pero dahil sa mga nangyari, for now, I stopped working for the company.
Dito muna ako sa Dumaguete, I'm gonna start teaching business at Silliman University. Pumayag ang parents ko na lumayo ako. I want this, malayo sa Manila.. malayo sa mga alaala ko doon.
"Pupunta ka sa medical center ng Silliman mamaya? You still need to take your meds, you know? And don't tell me your're not gonna take them because I'm seriously gonna hate you to hell, dude. Stop killing yourself. Lupus isn't the end of everything. Fuck that 10 months left to live, Mish." Seryosong sinabi ni Kalyx.
Bumalot sa amin ang katahimikan. Here he goes again. Sa lahat ng taong nakilala ko, itong pinsan kong si Kalyx lang ang kasama ko sa mga paghihirap ko sa sakit kong ito. I hid it from my parents magmula pa nung nagbibinata pa ako. I didn't take medication. Lumala ang sakit ko nang tumungtong ako ng college. I almost gave up life at that point.
But that's when Athalia entered the picture and gave me the strength to hold on. She's my ex by the way. Wala na kami. Because she loved someone else. At ang masakit? All those years she never loved me as much as how she loved that guy.
Mahirap.. pero kailangan kong tanggapin. And here I am still in the process of moving on. I hope I can. I got only months to live now. I don't wanna spend it depressed.
Alas dose ay umalis na ng bahay ko si Kalyx. May appointments pa raw siya dito sa Dumaguete, mamaya ay babalik na siguro siya doon sa Cebu. Bumuntong hininga na lamang ako.
Pagkatapos kong magshower at magbihis ay dumeretso na ako sa labas ng bahay. Tumingala ako, I felt the sun. Pinagmasdan ko ang paligid. This is a peaceful neighborhood. Not very busy. Ibang iba sa Manila.
Dumeretso ako sa kotse kong nasa garage. Binili ko narin ang kotse na ito kasabay sa pagbili ko sa house and lot na ito.
Pinaandar ko na ang kotse at umalis narin. Pupunta ako ngayon sa S.U. Medical Center, isang hospital dito sa Dumaguete. I still have to take some meds and weekly check-ups. At least to prevent myself from dying earlier. Tss..
Pero habang nagmamaneho ay biglang..
"Kung wala ka ng pambayad rito! Umalis ka na!"
Holy shit! Pinahinto ko kaagad ang kotse dahil biglang may babaeng tinulak ng isang matandang babae sa tapat ng isang gate. Humarang siya sa daan ng kalsada! Fvck! Muntik ko siyang mabangga!
Nakanganga lang akong tumingin sa eksena. The girl stood up, she was.. crying.
"I-Isang buwan pa po, Manang. Please.. Wala pa po akong sweldo ngayon. Manang.." Binaba ko ang bintana ng kotse ko at narinig ko ang mga hikbi ng babae.
"Marami pa diyan ang pwede mong paki-usapan! Basta't umalis ka na rito! Isang buwan mo pa lang rito, hindi ka nagbabayad ng buo! Mahiya ka namang bata ka! Umalis ka na!" Hinagis ng matanda ang mga bag doon sa babae.
Nalaglag ang panga ko.
Umiiyak na ang babae sa harap ng kotse ko. She was wearing a nurse uniform. Malungkot niyang pinulot ang mga bag na hinagis ng matandang babae sa kanya.
At nang tumingin sa akin ang babae, nasilayan ko ang mukha niya.
Wait a sec.. I know this girl. This is Athalia's assistant in her dental clinic back in Manila. Kumunot ang aking noo. I've seen this girl before.
What's she doing here in Dumaguete?
Nagkatinginan lamang kami. Nasa loob parin ako ng kotse, samantalang nakatitig siya sa akin mula doon sa kinatatayuan niya. Matangkad siya at manipis ang pangangatawan, hindi yung tipong nagjigym, it was like she wasn't always eating right. Medyo magulo na ang kanyang buhok, and the nurse cap on her head was also ruined.
Her cheeks were already wet with tears. Pinapaalis ba siya ng kanyang tinitirhan? Shit. What's going on?
Agad akong lumabas ng kotse. Napaawang ang kanyang bibig habang nakatingin sa akin. Yung matandang babae rin na sumigaw sa kanya ay napatingin rin sa akin.
"S-Sir Mishael?" Nanginginig ang boses ng babae. So she knows me.
Tumikhim ako. Ano ulit ang pangalan niya?
Cindy? Cinderelle? I have no idea.
BINABASA MO ANG
Before I Go (TDL Series #4) (COMPLETED)
RomanceWhat happened to Mishael after he left for Athalia and Eleven? Will he have a chance to have his own once upon a time and happily ever after as well? With only months left to live... Can it still be possible for him? Will he live to see his happily...