Chapter Nineteen
"Remember"
Kapag nasa labas si Mishael ay tila mukha lamang siyang normal, walang problema, walang sakit, walang naghahabol sa kanya na oras. Totoong pumapayat siya, lahat sila nagsasabi ng ganon, ako din ay sumasang-ayon, ngunit para sa akin ay walang nagbago sa kanya. They say love is blind. It isn't. Love is seeing all the bad parts of something and telling those parts that they look beautiful. And that in saying those things, you meant all of it.
January na. Minulat ko ang aking mga mata at hindi ko namalayan na nakatulog pala ako. Ginising ako ng pisil ng kamay ni Mishael sa akin. Pagtingin ko sa labas ng bintana ng sinasakyan naming eroplano ay nakita ko ang mga matataas na mga building ng Seoul. Pakiramdam ko ay nasa itaas lamang ako ng katawan ko at pinapanood ko ang lahat mula sa malayo. Parang nanonood ako ng sine sa sobrang pagkamangha ko sa tanawin kahit syudad pa lamang ang nakikita ko.
Nakarating kami ng Jeju Island matapos ang isang araw. Nag-overnight muna kami ni Mishael sa isang hotel at namasyal pa kami sa syudad. First time ko pang makapunta sa ibang bansa. Kasama namin si Rio. Si Racky ay bumalik na ng States dahil mayroon siyang mga inaasikaso, sinabi pa nga niya na gustung-gusto niyang sumama. Nasa kabilang kwarto lamang si Rio samantalang si Mishael at ako ay nasa iisang kwarto.
Nagkunwari kaming tatlo na walang sakit si Mishael. Yun ang gusto niyang gawin namin habang nagbabakasyon kami. At iyon nga ang ginawa namin.
Pagkarating namin ng Jeju, at matapos naming magpahinga sa aming hotel, ay nagpicture kami ng nagpicture sa kahit saan. Unang pinuntahan namin ay ang Hallim Park kung saan pumasok kami sa mga caves na napakalamig at napakamisteryoso. Sobrang nagaganahan si Rio doon dahil mahilig pala siya sa mga adventure, lalo na sa mga lugar nkagaya ng caves at mountains. Umakyat din kami sa isang peak na 800 meters above sea level. Nagpicture kami doon at kahit alam kong napapagod si Mishael ay hindi ako umayaw na pumunta kami sa pinakataas. Gusto niyang makita ang view mula sa itaas. Gusto ko ding makita niya ito. Makita namin.
"Oh ano? Kaya pa?" Nilingon niya ako at ngiting-ngiti pa siya kahit nahihingal.
Nagthumbs-up ako sa kanya. Ako naman pala ang unang napapagod. Sumulyap ako kay Rio na ilang steps nang nasa unahan naming dalawa ni Mishael. Concentrate na concentrate siya sa tanawin at minsan lamang niya kami nililingon.
Pagdating namin sa pinakataas ay napatingin kaming dalawa ni Mishael sa tanawin. It was our fisrt day in Jeju at matatapos na ang una naming araw dito.
"Ang ganda 'no?"
"Hm. Maganda nga."
Nang tumingin ako sa kanya ay imbes na makita ko siyang nakatingin sa unahan ay nakatingin pala siya sa akin.
Pumula ang aking mga pisngi.
"Hindi ka naman nakatingin sa view eh." Umiwas ako ng tingin upang hindi niya makita ang pamumula ko.
"Tumingin na ako." Ngiti niya.
Tumikhim lamang ako.
"Hey." Nagsalita siya muli at saka lamang ako bumaling sa kanya. Nakasuot siya ng kulay brown na bonnet at kulay dark gray na scarf. Nakasuot kami ng trench coat dahil malamig-lamig sa aming paligid. Little white puffs of breath expel from his lips each time he spoke, and from his nose each time he takes a breath.
"Ano?"
"Do you know what I love about you?" Tanong niya.
Natigilan ako sandali. Kumabog ang aking puso. Napangiti naman ako. "Oh sige nga. Ano?"
"You're always curious." Aniya. Saka na din siya tumingin muli sa view sa ilalim. "Mapag-alaga. Determinado. Sumusugal ka para sa mga taong importante sa iyo." Seryoso ang kanyang boses at nakaangat pa din ang gilid ng kanyang mga labi. "It makes me feel like I've been living my life like a fool. Ni hindi ko man nagawang sumugal sa sarili kong buhay. Mas pinili ko ang matalo. Lumayo ako sa mga taong alam kong nagmamahal sa akin dahil gusto kong walang taong mawawalan kapag nawala na ako. Pero binago mo ang tingin ko sa lahat. Binago mo ako, Cindy. In the eight months that I've met you, you made me feel like I've been destined to live an eternity with you."
BINABASA MO ANG
Before I Go (TDL Series #4) (COMPLETED)
RomanceWhat happened to Mishael after he left for Athalia and Eleven? Will he have a chance to have his own once upon a time and happily ever after as well? With only months left to live... Can it still be possible for him? Will he live to see his happily...