Chapter Five
"Professor"
Tatlong araw ang lumipas at lumala ang pasyente. Hindi sa kanyang pisikal na kondisyon, kundi sa kanyang kakulitan.
"Good morning, Cindy!" bumungad sa akin ang mukha ni Colton pagpasok ko sa kanyang kwarto.
"Good morning, Mr. Aves." simpleng bati ko lamang at dinala ko na ang mga gamot sa kanya. Tuwing umaga ay siya lamang mag isa ang narito sa kanyang kwarto, ngunit mayamaya ay darating na din ang mga kaibigan niyang mga estudyante ng Silliman.
Lagi niya akong kinakausap, at kung anu-ano lamang ang mga naikwento niya sa akin, not to mention ang dami niya ring mga tanong tungkol sa akin.
"So you speak Tagalog... you're from Manila, right? My mom's family is from Manila. Where did you go to high school? Where did you go to college there?"
At marami pang iba.
Ang laki na niyang tao ngunit kung makapagkulitan sa kakatanong ay parang bata. Nalaman kong isang architect pala siya. Halos hindi ako makapaniwala dahil akala ko ay estudyante pa siya. Kakapasa pa lamang niya raw sa kanyang board exam at nalaman kong ilang buwan na lamang siyang manatili sa Dumaguete at dahil may nag offer na sa kanya ng trabaho sa Dubai. Ang galing niya siguro. Ang hirap kayang mag drawing.
Nalaman ko din na si Kalyx pala ay pinsan niya, at kasama sa kanilang magpinsan ang bisita na hindi ko nakilala pa na si Mish.
Mish...
May lalake akong naaalala sa tunog ng pangalan na iyon.
"Hey Cindy!" sa hapon ay pumasok ako sa kanyang kwarto't nadatnan kong bumibisita na naman sa kanya ang mga kaibigan niya at ibang mga pinsan, mga pinsan niya raw sa side ng kanyang ama. At ang dami nilang mga Aves.
"Kuya, ano ka ba. Pati nurse talaga chinichicks mo?" tawa ni Tanya. Alam ko na ang mga pangalan nila dahil sa kakabisita nila kay Colton.
"Aba si Colton pa? Gago 'to eh." tawa ng matangkad at mestizo niyang pinsan na si Dean.
Otso silang magpinsan na madalas tumatambay sa ospital, at may iba-ibang mga kaibigan at former classmates, maliban sa tatlong tila pinaka close niya. Hindi ko na ililista ang kanilang mga pangalan dahil baka ay mahihilo pa ako.
Nang gumabi na ay tahimik na muli ang kanyang kwarto. Pumasok ako sa kanyang pwarto at ginawa ang usual kong routine sa pag-aalaga ng pasyente at pag-aayos ng silid.
Nakatingin sa malayo si Colton at nailang ako dahil sa sobrang tahimik niya. Tila may malalim siyang iniisip.
"Mr. Aves, may kailangan po kayo? Kung wala na ay lilipat na ako sa kabilang kwart--"
"What would you do..." napahinto ako sa pagsasalita nang bigla siyang umimik. Nakatingin pa din sa labas ng madilim na bintana. "If you're stuck in a situation... You can't help but be involved with?"
Kumunot ang aking noo sa kanyang tanong.
Ang akala ko ay lolokohin lamang niya ako sa kanyang pagdadrama ngunit nang tumingin siya sa akin ay napatikom ang aking bibig. Seryoso ang kanyang mga mata, na para bang may kung anong sakit na tahimik na sumisigaw sa loob ng mga ito.
"You are my friend, aren't you Cindy?" tanong niya.
Hindi ko alam kung magkaibigan ba talaga kami, pero hindi ako manhid na nakikita kong kailangan niya ngayon ng makakausap. Tumango na lamang ako sa kanyang tanong.
BINABASA MO ANG
Before I Go (TDL Series #4) (COMPLETED)
RomanceWhat happened to Mishael after he left for Athalia and Eleven? Will he have a chance to have his own once upon a time and happily ever after as well? With only months left to live... Can it still be possible for him? Will he live to see his happily...