Chapter Four
"Pasyente"
Two months later...
"Oh tara na, Cindy." Sabay kami ni Joy na lumabas ng aming kwarto. "Lola Kosing, alis na po kami." pareho kaming ngumiti sa aming landlady na sa kasalukuyan ay nakaupo sa porch ng kanyang bahay at may tinatahi. Mabait si Lola Kosing kumpara sa naging unang landlady ko.
"Oh siya sige. Amping kamo sa trabaho."
"Opo Lola." at lumabas na kami ng boarding house.
Malapit lamang ang boarding house namin sa SUMC kaya't nasanay kaming dalawa ni Joy na maglakad patungo sa ospital.
Amping kamo. Ang ibig sabihin ay mag-ingat. Huminga ako ng malalim at ngumiti habang nakatingin sa unahan. Hindi pa ako nakakaintindi ng buo ng bisaya ngunit masarap sa pakiramdam ang maging pamilyar na sa ibang mga salita nito.
"Hay salamat at malapit na ang darating na sweldo. Alam mo na, pinapaaral ko pa ang bunso ko sa amin doon sa Cainta." ani Joy habang inaayos ang kanyang cap. "Ikaw Cindy anong gagawin mo sa sweldo mo?"
Sa isang iglap ay napawi ang aking ngiti. "Magpapadala ako kay mama. Syempre."
Napalitan ng ekspresyon ng pag-aalala ang aking mukha. Tumango si Joy. "Kumusta na pala ang lagay ng mama mo? Okay na ba?"
"Tumawag ako kagabi sa kanya at ang sabi niya ay okay na daw siya. Buti na lang talaga at nandoon si Tiyo Paeng noong inatake siya..." Bumuntong hininga na lamang ako.
Isang linggo na ang lumipas matapos nangyari ang pag-atake ng puso ni Mama sa bahay habang nagluluto daw siya ng hapunan. Si Tiyo Paeng ay ang tanging kapitbahay namin na mabuti ang loob na nagtsetsek kay Mama araw-araw para sa akin. Walang pamilya si Tiyo pero kasama niya sa iisang bubong ang kanyang boyfriend at siya'y nagmamay-ari ng sari-sari sa tabi ng aming maliit na bahay.
Nilagay ni Joy ang kanyang palad sa aking balikat. "Paniguradong magiging okay lamang din ang lahat. Tiwala lang. Di maramot ang Panginoon." ngiti ni Joy.
Dalawang buwan na ang lumipas magmula nung magkasama na kami ni Joy sa iisang boarding house. Nakakatulong sa aking pag-ipon ang paghahati namin sa renta, lalo na dahil apat naman kami sa loob ng isang kwarto.
Gabi na nang natapos ang shift namin ni Joy. Paglabas namin ng ospital ay dumeretso kami't tumawid patungo sa pinakamalapit na karenderya.
"Nakauwi na rin kaya yung dalawa?" tanong ko kay Joy.
"Alas syete matapos ang klase ni Emily at sigurado akong dederetso iyon sa bahay. Si Garvi ang hindi ako sigurado kung nakauwi na kaya. Alam mo naman ang pinsan kong 'yon. Napakasosyalera." umiling iling si Joy habang sabay naming binubuksan ang mga kalderong nakadisplay. "Dalawang serve po nito, kuya."
"Ako ang bibili ng kanin natin ngayon, ah." sabi ko naman. Pagkatapos naming binili at pinabalot ang aming hapunan ay naglakad na kami ulit pauwi.
"Malapit na ang midterms nila, hindi ba? Siguro naman ay nakauwi na iyon ubang makapag-aral para sa darating na exams."
"Founder's week na nila sa susunod na linggo. Malabong maisipan nun na magbukas ng libro." ani Joy.
BINABASA MO ANG
Before I Go (TDL Series #4) (COMPLETED)
RomanceWhat happened to Mishael after he left for Athalia and Eleven? Will he have a chance to have his own once upon a time and happily ever after as well? With only months left to live... Can it still be possible for him? Will he live to see his happily...