Chapter 13

12.9K 444 23
                                    

Finally nakapag-ud na rin. Been sobrang busy. But good news! I'll finish BIG this Febuary. Here we go!

Chapter Thirteen

"Emotionless"

Nakatayo ako sa labas hospital at malayo ang aking tingin. Lunch break ko na sana, ngunit hindi pa ako nagugutom.

"Cindy," Naalala ko ang boses ni Emily noong gabing iyon. "Si Colton ay ex ni Garvi, pero gustung-gusto pa din ng kapatid ko si Colton. Naging sila ng dalawang taon, ngunit unang kumawala si Colton mula kay Ate. Malaki talaga ang pasensya ni Colton sa kapatid ko kaya sila nagtagal, ngunit alam mo naman si Garvi, 'di ba? At hindi na nakayanan ni Colton ang kanyang ugali." Ani Emily. "Close na ang kapatid ko sa parents ni Colton, at ang tingin pa din ng mommy ni Colton kay Garvi ay sila pa ng kanilang anak. Ang Garvi also doesn't accept the fact that they're not together. She's really upset."

Pareho kaming dalawa na napatingin sa pinadala ni Colton para sa akin na mga bulaklak at tsokolate.

"Pero wala akong gusto kay Colton. Magkaibigan lang talaga kami, Emily."

"Okay lang, Cindy. Wala ka namang maling ginawa. Hayaan mo lang ang kapatid ko. Gusto ko lang talagang malaman mo kung ano ang totoo." Hinawakan ako ni Emily sa aking kamay at binigyan niya ako ng ngiti.

"Cindy, tara? Kain na tayo?" Nilapitan ako ni Dea at bumalik ako sa aking huwisyo.

Nilingon ko ang aking kaibigan at ngumiti na ako.

Pagkatapos naming kumain ng tanghalian ay bumalik na rin kami sa trabaho.

Nang biglang narinig ko ang ambulansya na paparating.

Nagmadaling lumabas ang mga nakasakay nito at binuksan nila ang likod.

Sa isang iglap ay pakiramdam ko'y naging istatyuwa ako sa kinatatayuan ko nang makita ko ang pasyenteng nilabas nila mula sa ambulansya.

"Mishael."

Tila bumagal ang oras nang dumaan sila sa harapan ko. Sinugod na nila si Mishael sa ER.

A-Anong nangyayari?

At dahil hindi ako ER nurse, at may iba pa akong mga kailangang gawin sa trabaho ay wala akong nagawa.

"Cindy?" Nilingon ako ng aking katrabaho dahil sabay sana kaming naglakad patungo sa itaas ng ospital upang mayroong ihatid.

Nang araw na iyon ay naghanap ako ng paraan na malaman ko kung ano ang nangyari kay Mishael. Sobra akong nataranta. He was unconscious! At nakita kong namumula mula ang kanyang mukha. He looked so sick and weak! Noong isang araw lamang ay maayos na maayos naman siya. Ano ba ang nangyari?

Ngunit nang hindi ko inaasahan ay tinawag ako ng isa sa mga katrabaho ko.

"Cindy, ikaw bahala sa bagong pasyente. Iyong dinala sa ER kaninang alas dos." Kumabog ang puso ko nang pinakita niya sa akin ang kanyang dalang mga papel. Sinabi niya sa akin ang room number ng pasyente. "Mishael Tristan Stratford. 24. Patient has systemic lupus erythematosus with rising complications of pericarditis, pleuritis and decreased kidney function. Ilang buwan na noon muli siyang atake sa puso."

Napaawang ang aking bibig nang marinig ko ang kanyang mga sinabi.

"A-Ano po?"

Tinignan ako ng aking katrabaho ay napakunot ang kanyang noo dahil sa sobrang gulat na bakas sa eksresyon ng aking mukha.

Lupus...

Pericarditis and pleuritis?

Mishael has inflammations in his lungs and heart.

At pati ang kanyang kidney ay naapektuhan na din sa kanyang kundisyon.

Lahat ng mga ito ay tila hindi kayang maproseso ng aking utak.

Hindi maaari. Imposible. Mishael is healthy. Wala siyang dapat sakit!

"Cindy, okay ka lang?"

Kakaibang sikip ang naramdaman ng aking dibdib. Hindi talaga ako makapaniwala.

Mayroong sakit si Mishael.

Nagkakatugma na ang lahat.

Noong panahong pumasok siya ng ospital at nagtanong ako sa kanyang kung bakit siya narito...

Noong tumanggi siya sa alok kong pupunta siya ng Jeju...

Noong nakita ko minsan na mayroong konting pamumula sa kanyang mukha. I'm supposed to be a nurse! Ngunit hindi ko namataan ang isang simptoma ng lupus na dapat ay alam ko!

Napahawak ako sa aking dibdib.

"Okay lang ako."

I could hear the clock ticking habang umaakyat ako ng hagdan at sinalubong ko si Dr. Ivo na siyang doktor ni Mishael. Tama nga pala talaga ang hinala ko na matagal na siyang nagpapacheck-up sa ospital. Mula pa noong una siyang lumipat dito. Malubha na pala ang kanyang sakit.

Binuksan ko ang pinto para makapasok ang doktor at ang dalawang fellow at med student. Nang binuksan ko ang pinto ay bumungad sa akin ang nakahigang si Mishael. Nakatingin siya sa labas ng bintana, ni hindi niya kami narinig na kami'y pumasok.

"Mishael."

Nagsalita si Dr. Ivo at saka lamang napalingon si Mishael sa amin.

Nagtama ang mga mata naming dalawa.

Nilapitan si Mishael ni Dr. Ivo at tila kumakalabog ng malakas ang dibdib ko habang tahimik lamang kaming nakatingin sa isa't isa. Mishael looked so pale and his eyes were so emotionless.

Hindi ako nakakibo sa aking kinatatayuan.

Before I Go (TDL Series #4) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon