EPILOGUE

32.1K 722 177
                                    

EPILOGUE

Athalia said she loved me. I believed her.

Nasa ospital ako noon. Wala pa si Athalia dahil mayroon pa siyang pasok. We were already two months dating. And I was so happy. Ilang linggo na lang at aalis na ako ng ospital.

Lumabas ako ng aking kwarto dahil gusto ko lang lumabas mula doon.

Nang biglang mayroong bumangga sa akin na babaeng nakasuot ng nursing uniform.

Tiningnan ko siya. Mukha siyang nalilito sa kanyang nilalakaran.

"Be careful where you're going." Nakakunot ang aking noo sa kanya. Ayoko talaga ng mga nagtatanga-tanga sa daan.

Aalis na sana ako pero nagsalita pa siya.

"Excuse me!"

Nilingon ko siya.

It was only when I looked at her again that I realized she had beautiful brown eyes. Naliliwanagan ito dahil sa bintana na nasa aming gilid at mukha itong kumikinang. Nakasuot siya ng kaonting makeup. Nakasuot siya ng isang backpack at isang notebook. Estudyante?

She looks pretty.

Naghintay ako sa kanyang sasabihin.

"Um, alam mo ba kung nasaan ang department ng neurology?"

Kumunot ang noo ko. Naliligaw ba siya?

"Mayroon kasi kaming field trip tapos nag CR ako sandali at..." lumingon lingon siya. Nag-aalala talaga siya.

"There's a map of the hospital if you make a right this way. Baka mahanap mo kung nasaan sila. Wala ka bang cellphone?"

"Nasira kasi." Kinagat niya ang kanyang labi. Damn. "Pero, thank you talaga. Maraming salamat. Sige!"

Yun lamang at umalis na siya.

Ilang taon ang lumipas. Kami pa rin ni Athalia.

She had a clinic of her own. A dental clinic.

"Oh!" Ani Athalia nang nakarating na kami sa kanyang bahay. Ako ang naghahatid sundo sa kanya mula sa kanyang trabaho. "Naiwan ko ang wallet ko sa clinic!"

"You go inside. I'll get your wallet for you." Sabi ko kay Athalia.

"No, sasama na ako sa iyo."

"Sinabi mo sa akin na sumasakit ang ulo mo." Sabi ko sa kanya. I don't want her stressed.

Sa huli ay napayag ko siya na manatili siya sa kanilang bahay at balikan ko ang kanyang wallet. Kailangan niya iyon dahil may plano yata sila ng mga kaibigan niya na magnight-out. At alam ko naman na ayaw niyang pahiramin ko siya ng pera ko.

When I got to her clinic, gamit ko na ang susi na binigay niya sa akin. Napaawang ang aking bibig nang makita kong naroon pa ang kanyang assistant na nakatulog pala sa desk niya na malapit lang sa desk ni Athalia.

Her name was Cinderelle.

She looks so familiar.

"Hey." Kinuha ko muna ang wallet ni Athalia at nilapitan ko ang kanyang assistant na nakatulog sa kanyang desk at mayroong mga papel na nakakalat sa ibabaw ng kanyang table.

Hindi siya gumising.

Nagbuntong hininga ako. Mayroon siyang jacket na nakapatong sa gilid ng kanyang upuan at kinuha ko iyon.

I covered her with her jacket.

Hindi pa rin siya nagigising. I guess she's too tired.

Nagkuha ako ng papel at sinulatan ko ito at nilagay ko sa kanyang desk.

Ang nakasulat:

Don't overwork. Go home and rest.

Pagkatapos ay lumabas na ako ng clinic.

Ilang segundo lang paglabas ko ng clinic ni Athalia ay narinig ko ang boses niya.

"Naku po!" Nagulat yata siya. "Anong oras na?"

Nakikita ko siya mula sa glass wall nila. At napangiti ako dahil hindi niya yata talaga inakalang nakatulog pala siya.

Nakita kong binasa niya ang note na sinulat ko. Akala niya ay si Athalia siguro ang nagsulat nun.

Tumalikod na ako at nakangiti ako habang naglalakad patungo sa aking kotse.

Before I Go (TDL Series #4) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon