Chapter Ten
"Sunday"
"Cindyyyyy." bumalik ako sa aking huwisyo nang biglang dumating si Dea. Kumakain ako ng lunch mag-isa sa Food Net nang bigla siyang dumating at nilagay na niya ang kanyang tray sa aking table.
"Ah. Dea!"
"Mag-isa ka? Nasan si Joy?"
"May lakad siya, sinasamahan niya si Emily na makakuha ng pera pang-allowance ng mga pinsan niya."
"Oh, Ganun ba..."
Dalawang araw na ang nakalipas mula nung debut ni Tanya.
Nang nakabalik na kami ni Mishael kasama sina Jax at kaibigan niyang si Kronos, ay dumadami na ang mga bisita. Sinalubong ako kaagad ni Colton, pero nilapitan ako nina Tanya upang makapagbihis na ako ng damit.
Nakita ko ang mommy ni Colton na kalmado nang nakatayo sa loob ng kanilang kusina at kausap niya ang Tita nila Colton. Ang sabi lamang ni Colton sa akin ay magkaayos na sila.
Alas nuebe ng gabi kami umuwi pabalik ng Dumaguete. Pero hindi nakasama si Colton dahil sa kung anung dahilan, hindi niya sinabi sa akin kung bakit, pero sa huli ay mag-isa na lamang akong nakasakay sa kotse ni Mishael, at kaming dalawa ang magkasama pauwi.
Tahimik lamang ang naging biyahe namin pauwi, at sinubukan kong makausap siya ng kahit small talk lang.
Tinanong ko siya tungkol sa kanyang trabaho bilang professor sa Silliman, tinanong ko siya kung totoo bang siya ay nagleave sa kanyang trabaho doon, hindi naman siya sumagot ng maayos at nung nagtanong ako kung bakit siya nagleleave kaagad ay hindi din niya ako sinagot. Parang kausap ko lang sarili ko eh.
Kaya nagchange topic na lang ako at nagshare ako tungkol sa pagsagip namin sa batang babae doon sa Pulangbato. Kinwento ko sa kanya kung gaano kaiba ang naramdaman ko dahil doon. At sa pagkekwento kong iyon ay sa wakas umimik na rin siya sa akin.
"I'm glad we were there." aniya. "And that you were with me."
Tumingin ako sa kanya nang nakakunot ng bahagya ang noo.
"I can't bear the thought that if we weren't there, that little girl could have..." Hindi niya natapos ang kanyang sinabi, more like, hindi niya tinapos ang kanyang sasabihin, na bara bang hindi niya sinadyang masabi niya iyong nasa isip niya na gumugulo sa kanya. Parang hindi siya sanay talaga na magpakita ng emosyon o damdamin.
Unti unti akong napapangiti. Hindi naman pala siya cold-hearted.
"Salamat sa ginawa mo, Cindy." Bumuntong hininga si Mishael at niliko niya ang kotse. He was biting his lip.
"Hindi naman ako lang mag-isa ang nakasagip sa kanya. Kung hindi lang dahil sa malakas at mabilis mong pag-ahon sa kanya mula sa tubig, hindi ko na talaga alam kung ano kaya ang nangyari. At ayoko pang malaman..." sabi ko, "Basta't masaya na akong walang masamang nangyari sa kanya at sa kanyang pamilya.
Tumahimik muli si Mishael at pinagmasdan ko ang side view ng kanyang maamong mukha. Nakita kong napatiim-bagang siya, at malayo ang kanyang tingin.
"Tara na, Cindy, balik na tayo." pagkatapos naming kumain ni Dea at nagbalik narin kami sa ospital.
Naging busy na naman ulit kami sa trabaho namin sa ospital. Napabuntong hininga ako nang nagpunta ako sandali sa CR, pagkatapos ay naghugas ako ng kamay at napatingin ako sa salamin.
BINABASA MO ANG
Before I Go (TDL Series #4) (COMPLETED)
Roman d'amourWhat happened to Mishael after he left for Athalia and Eleven? Will he have a chance to have his own once upon a time and happily ever after as well? With only months left to live... Can it still be possible for him? Will he live to see his happily...