Chapter Fourteen
"Feelings"
"Tungkol sa huling bisita mo dito, Mishael," Napatingin ako kay Doc Ivo habang tinitingnan niya ang kanyang mga dalang papel. "The test results are almost ready."
Tila walang narinig si Mishael at hindi siya sumagot. Nag-iwas lamang siya ng tingin sa aming lahat na nasa loob ng kanyang kwarto.
"We've contacted your cousin and he's heading here immediately." Aniya. "Ang sabi ni Kalyx ay kinontact na din niya ang mga magulang mo. Your mother called while you were unconscious. She was very worried."
Saka lamang napatingin si Mishael sa kanya. His lips slightly opened. Lumipat ang tingin niya sa aking mga nag-aalalang mga mata.
Umubo siya bigla at nakita ko ang kakaibang sakit na nababakas sa ekspresyon ng kanyang mukha. Napalapit ako kaagad sa kanya. Pati na din sina Doc Ivo.
"I'm okay. Please." Nilayo niya ang kanyang sarili mula sa amin. Pilit niyang huwag muli umubo. "I want to rest. Kung pwede, mamaya ko na po pakinggan ang mga dapat pakinggan."
It took us a while, ngunit sa huli ay sabay kaming lahat na lumabas mula sa kanyang kwarto.
Bumalik ako sa aking trabaho ngunit nanatili sa isipan koang tungkol sa kalagayan ni Mishael.
Nang kumagat na ang dilim ay kinailangan ko nang bumalik sa kanyang kwarto upang maghatid ng kanyang pagkain. Mishael is officially an in-patient in the hospital. Habang paakyat ako patungo sa kanyang kwarto ay mas naririnig ko ang tibok ng aking puso kaysa sa tunog ng mga paa ko.
Nang huminto na ako sa tapat ng kanyang kwarto ay huminga ako ng malalim bago kumatok. Binuksan ko ang kwarto at nang nakapasok ako ay nadatnan ko ang pinsan niyang si Kalyx at siya na may pinag-uusapan.
They were having a heated argument. Napahinto silang dalawa pareho nang pumasok ako.
Minasahe ni Kalyx ang kanyang noo at bumuntong hininga. "Good. Ikaw na muna bahala sa pinsan ko rito, Miss. I'll be back if I could stay sane." Nilingon niya si Mishael. Napailing siya at umalis na rin gaya ng sinabi niya.
Sinundan ko ng tingin si Kalyx bago tumingin kay Mishael na ngayon ay nakatingin ang mga perpektong mata sa akin.
"Gutom ka na siguro." tumikhim ako at nilipitan siya. Inayos ko ang kanyang kama at nilagay ko ang pagkain sa tray sa harap niya.
"Thank you." Ani Mishael at napahinto ako. Sumikip bigla ang dibdib ko.
Tiningnan ko siya sa mga mata.
Binuksan ko ang aking bibig na para bang may gusto akong sabihin ngunit hindi ko naman alam kung ano ang aking sasabihin. Kaya tinikom ko muli ang aking bibig at nanatili akong tahimik.
Tatayo na sana ako ng maayos ngunit biglang nagsalita si Mishael.
"Cindy."
Napahinto muli ako.
"I'm sorry." aniya. "I'm sorry you had to know about this."
"Sorry? Mishael, bakit ka naman magsosorry sa akin?"
Nag-angat siya ng tingin sa akin at umawang ng bahagya ang kanyang bibig.
"You didn't have to know about this." nag-iwas siya ng tingin.
"Bakit naman?" kumunot ang noo ko. "Mishael..."
"Dahil ayokong mag-alala ka." ani Mishael. "I don't want you to see me like this."
BINABASA MO ANG
Before I Go (TDL Series #4) (COMPLETED)
RomantizmWhat happened to Mishael after he left for Athalia and Eleven? Will he have a chance to have his own once upon a time and happily ever after as well? With only months left to live... Can it still be possible for him? Will he live to see his happily...